Dumaan ang bagong taon. Nag-celebrate kami sa condo ni Adan, kasama ang mga pinsan at kapatid n'ya, even his mom was there. I came with my lil sis Jeanelle and Bea as well. Then Christmas vacation came to an end. Nagulat ang lahat nang bumalik ang math teacher naming si Mrs. Amagsila. Lalo na nang malaman naming umalis na si Sir Dario sa school.
"Ayon sa faculty, mag-aaral daw s'ya for the Licensure Examination for Teachers," sabi ni Bea. "balak daw n'ya mag masterals at mag-apply as professor."
"Hindi man lang s'ya nagpaalam..." sabi kong pabulong. "Ganon ba s'ya ka-desperate na lumayo sa akin?"
"Actually, na banggit n'ya sa akin na balak n'yang mag review for the LET bago mag bagong-taon." sagot ni Bea.
"Huh? Why didn't you tell me?"
"Malay ko bang 'di ka n'ya sinabihan?" she said with a shrug.
Actually, hindi na ako mi-nessage ni Sir mula nung mag confess ako sa kanya.
Nag-uusap pa kami ni Bea habang naglalakad pauwi, nang bigla syang mapatigil. Si Sir Dario, nakatayo sa may kanto, at nakatingin sa amin.
Bigla akong kinabahan. Hinawakan ni Bea ang kamay ko at inakay ako papalapit sa kanya.
"Sir Dario." she called our former math teacher. "I think you owe us as explanation."
"Is there somewhere we can go to talk?" he asked us. "Gusto sana kitang makausap, Jason." lalong nanikip ang dibdib ko.
Tahimik kaming naupo sa isang bench sa malapit na park habang nagpapakain ng karpa si Bea sa tabi. At last, sir Dario cleared his throat.
"Sorry." yun ang unang-una n'yang sinabi. "I couldn't answer your confession properly." I stay silent. "Alam mo naman na teacher ako, at ang bata-bata mo pa... isa pa... pareho tayong lalaki..." he sighed. "I mean... Don't you think this is just a phase? You needed someone to lean on, and I was there..."
"Do you think then that anyone would have been okay?" I mumbled. I felt so stupid.
"No, of course not... kasalanan ko rin, for saying those things in the hospital... for giving you hope..." he sighed again. "In 2... 3 years time, malilimutan mo na lahat to..."
"Wanna bet?"
He faced me, looking lost. "Jason." sabi n'ya, "I am 12 years older than you. You have your whole life ahead of you... so many things you still need to experience..."
I kept silent. I was thinking, I wanted to experience them with you.
"Alam mo, maraming... kagaya mo... ang naghahanap ng hero image... kaya gusto nila older partners... iniisip kasi nila na mas maiintindihan sila ng mas may experience sa kanila..."
"You mean, sa mga kagaya kong bakla?" I asked.
Hindi makasagot si Sir. He just sighed and leaned in front of me.
"Do you really like me?" he asked. I tried to hold back my tears.
"What do you think?" I couldn't lie.
"Then tell me, what do you think would make me happy?" I couldn't reply. "Hindi ako nagsinungaling ng hingin kita sa nanay mo. Gusto ko talaga na alagaan ka, pero ang love mo at ang love ko ay magka-iba."
"I know that already."
"Then do this for me." he continued. "Alam ko, this is a selfish request, pero kung talagang mahal mo ako, gagawin mo ito para sa akin."
Tumayo s'ya at may kinuha sa kanyang bulsa. Isang pamphlet. Inabot niya iyon sa akin at ngumisi.
"Ayan ang Maybunga University." sabi n'ya. "Government run University yan, at 90 percent ng mga students ay puro scholars. Needless to say, napaka hirap makapasok at pumasa sa school na 'yan."
"Ano'ng gagawin ko rito?" tanong ko.
"Hihintayin kita ryan." sagot n'ya. "Kukuha kami ng LET ni Lisa. After that, mag a-apply kami sa Maybunga. We also plan to take our masterals there . It would be a challenge for us." patuloy n'ya. "And for you as well."
Tinitigan n'ya ako, with that proud smirk, daring me.
"Okay, it's a deal!" sabi ko, "And when I pass in 4 years time... will you finally acknowledge my feelings?" I said impudently. Sir Dario's grin widened.
"Oo ba." sagot n'ya. "I might be married by then, but never the less, I will acknowledge your feelings for me today were true!" he said. "Pero 'wag kang umasang sasagutin kita!"
Bigla syang tumawa ng malakas, na naging hudyat para lumapit samin si Bea.
Gumaan ang dibdib ko noon, kahit konti, at sa wakas, nai-abot ko rin ang regalo ko sa kanyang scarf.
Hindi na namin nakita si Sir Dario after that. Sinubukan namin syang i-text at tawagan, pero disconnected na ang number n'ya.
Naka pasa ako sa finals ko, with honors. Dinaanan ang 9th grade, hanggang 12th grade, at sa wakas, naka graduate din kami. At tulad ng pustahan namin, nakapasok ako sa MaybungaUniversity.
At nalaman na hindi na siya nagtuturo doon.
Masaklap talaga ang buhay.
At ngayon, ang karugtong ng masaklap na kabanatang ito. Kailangan kong harapin ang nag pumilit sa 'king pumasok sa MaybungaUniversity.
Ang taong pilit kong hinahabol pero hindi ko maabutan, kahit pa nakatayo lang s'ya at matyagang naghihintay sa akin.
Binuksan ko ang pinto sa unit 2711. Madilim sa loob ng kuwarto. I knocked on the bedroom door and went in.
"Ba't nasa dilim ka nanaman?" tanong ko.
"Nakita mo s'ya?" tanong niyang pabalik sa akin.
"Wala s'ya doon, umalis na raw as professor."
Matagal s'ya bago sumagot uli.
"... Eh, kung nandoon s'ya, babalik ka pa kaya rito?"
Nagbuntong hininga ako at umupo sa kama. "Adan." tawag ko sa boyfriend kong nakatalukbong ng kumot. "Ikaw ang nagpumilit sa akin na mag-apply sa Maybunga. Ikaw ang nagbigay sa akin ng info na nandoon si Dario. Ilang beses ko nang sinabing ayoko na syang makita, pero pinilit mo pa rin ako."
Hindi umiimik si Adan.
"Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin?" hinatak ko ang kumot at nakita syang nakahukot sa ilalim. "Sorry, hindi ako nakauwi kagabi," sabi ko habang hinahawi ang buhok sa kanyang mukha. "Nagka-ayaan kami ni Bea na mag-inuman, eh, nagkalabasan tuloy ng sama ng loob."
"I know, I heard." bulong ni Adan.
Nilabas n'ya ang cellphone n'ya at nag-play ng video clip.
'Putang ina mo Sir Dario!!! Pinahirapan mo 'kong pumasok sa 'tangnang skwelahang 'yun wala ka naman pala!!! Lagi lang kaming nag-aaway ni Adan dahil sa 'yo!!!'
"Sabi ko 'wag kang maglalasing sa labas eh!" sumimangot si Adan.
"Ako ba yan?!" pinanood ko ang sarili kong umiiyak sa balikat ni Bea.
Natawa si Adan. Umupo s'ya sa kama at niyakap ako. Niyakap ko rin syang pabalik at hinalikan sa bumbunan. "Tapos na ba drama mo?" biglang tumunog ang kumukulo n'yang sikmura.
"Sorry..." sabi n'ya sa akin, "Wala akong ganang kumain mag-isa."
"Sandali, magluluto ako."
Binuksan ko ang ilaw at napatingin sa mga litrato sa dingding. Nang unang New year's party namin with Bea and Jeanelle. Ang blessing ng mga branches ng Solace Cafe. Mga special occations na magkakasama kami, pati na ang family reunion nina Adan last year. Apat na taon lang ang nag daan, pero andami nang nangyari at ang layo na ng tinakbo ko para lang maabutan ang taong minamahal ko.
"Adan, ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko sa kusina, "I think na-perfect ko na ang ravioli mo..."
"It's okay, it's enough." he hugged me from behind. "I've waited long enough." dinagdag n'yang pabulong. I faced him, leaned over to kiss his lips.
"Naabutan na ba kita?" tanong ko sa kanya.
Natawa si Adan at hinalikan ako pabalik.
"Matagal mo na akong nalampasan."
BINABASA MO ANG
Where I Want To Be (2b published)
RomanceNoong lumulutang ang mundo ni Jason sa problema, may dalawang tao na sumagip sa kanya, ang best friend n'yang si Bea, at ang Math teacher n'yang si Sir Dario. Pero habang tumatagal, naiiba ang tingin nya kay SIr Dario na naging kanyang 'hero'. Matan...