CHAPTER 2 - Lutang

560 28 4
                                    


Grade one pa lang magkaibigan na kami ni Beatrice 'the Ice Queen' Castro. Ang kilabot ng mga lalaki from gradeschool to senior high. What they didn't know is that the Ice Queen is queer and a 'queen' to boot.

Madalas kaming mapagkamalang mag-syota, pero ng minsang mag confess ako sa kanya, natawa s'ya bigla at sinabing hindi kami talo.

Junior high kami noon, 7th grade. Nanalo kaming Greenpines Campus King and Queen ni Bea, kaya ang lakas ng loob kong mag tapat sa kanya ng aking feelings.

"Are you serious?!" sagot n'ya sa akin matapos tumawa ng pagka-lakas-lakas. "Jason Alfonso, you're my best friend, that's why I never thought that you, of all people would not notice."

"Notice what?" I managed to blurt out kahit mangiyak-iyak na ko sa hiya.

"Jason, hindi tayo talo." sabi n'ya. "And frankly, mas macho ako sa 'yo."

Buti nalang hindi ako iniwan ng bestfriend ko matapos ng katangahan kong yun. Kahit iniwasan ko s'ya ng una, hindi n'ya ako tinigilan hanggat 'di kami nagkaayos uli, at sa huli, natanggap ko rin kung ano siya.

"Alam mo ba kung bakit ikaw lang ang guy friend ko?" sinabi n'ya sa akin minsan.

"Bakit?"

"Kasi ikaw lang ang napagkakatiwalaan ko. Alam ko kasi na in some ways, we're the same. Kaya nga para sa 'yo lang ang mga ngiti ko e." sabay tawa ng malakas. "Oh, di ba? Ang cheezy ko!"

Hindi ko s'ya naintindihan noon. Malamang isa lang sa mga kabaliwan n'ya.

Then the school year ended and summer vacation came. Umuwi si dad after 5 years sa barko.

I never found out how, pero nalaman n'ya na may ibang kinakasama si mama tuwing sumasakay s'ya, at habang nag-aaway sila, 'di ko sinasadyang marinig ang katotohanan tungkol sa pagka-tao ko.

"Pinatawad na nga kita nang nabuntis ka kay Jason, tapos ngayon may bago ka nanamang kinababaliwan?" pasigaw na sabi ni dad. "Sigurado ka bang akin talaga yang si Jeanelle?"

Magkayakap kami noon ng younger sister kong si Jeanelle habang nagtatago sa kusina. Pereho kaming nasaktan, pero mas matindi ang epekto nito sa akin. Kinimkim ko ang lahat. Hanggang sa hindi ko na kayanin.

Si Bea lang ang tanging naka pansin sa akin. I was actually thinking of ending it all, but she heard my silent call for help.

"I know how it feels to be betrayed." she told me. "Pero kinaya ko lahat ng problema ko, kasi may best friend akong lampa na kailangan kong alagaan."

"Hindi mo na ko kailangang alagaan ngayon." sabi ko, sa kanya.

"Talagang hindi na, dahil mas malaki ka na sa akin." patuloy n'ya, "Ako naman ang may kailangan sa 'yo. Jason, I can't live without my best friend."

That night, magkatabi kaming nakatulog sa kuwarto ni Bea na parang magkapatid. Ganon kami sa isa't-isa. Siya ang anchor sa tila lumulutang kong mundo.

Lumipas ang mga araw at 'di ko namalayang tapos na pala ang bakasyon. Naubos ang panahon kong lutang, nagpaka manhid sa pagkakahiwalay ng parents namin. Buti pa ang kapatid ko, sumama kay dad at bumukod ng bahay. Ako, nandon pa rin sa amin. Tulala at walang paki, kahit pa inuwi na ni mama ang kanyang bagong kabit sa bahay.

Ano naman ang paki ko? Hindi naman ako tunay na anak ni dad.

Kaya ng nagsimula ang school year sa Greenpines Academy, inubos ko ang oras ko sa pag tambay sa school at kung saan-saang lugar, at umuuwi lang para matulog.

Where I Want To Be (2b published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon