It took 2 days for Sir Dario to wake up. Naka dextros s'ya, kaya kahit pano, umayus-ayos ang itsura n'ya. Nilinis s'ya ni Alex at ng mga nurse para 'di s'ya masyadong dugyot at ginupitan ni Dana ng buhok at balbas. Soon, namukaan ko na rin ang dati naming math teacher. Napagkasunduan namin na bisitahin si Sir hanggang sa tuluyan syang maka-recover, at suggestion naman ni Adan na itago muna sa kanya ang tungkol sa relasyon namin.
"Tito!" tawag sa kanya ng pamangkin n'yang si Alex ng dumilat siya.
"Sir." lumapit ako sa kanya. "Kamusta na po?"
Tumingin s'ya sa akin at napaluha. Pinunasan n'ya ang mukha n'ya at napansin na wala na syang balbas at bigote.
"Inahitan ka po ni ate Dana, tito." sabi sa kanya ni Alex na bumabalik na ang boses. "Saka nilinis ka namin ng mga nurse."
Tumingin si Sir sa pamangkin n'ya at ginulo ang buhok nito. Alex suddenly beamed. Noon ko lang s'ya nakitang ngumiti!
"Sir, tamang-tama gising n'yo , kadarating lang ng lunch mo..." sabi ko, sabay kuha ng foodtray n'ya.
"Hindi ako gutom..." bulong n'ya.
"Ano'ng hindi?" sabi ko habang inaalis ang cellophane sa ibabaw ng tray, "Two days kang naka dextros lang! Dapat kumain ka kahit konti!" pilit ko.
Hindi na sumagot si Sir. Nakatingin s'ya sa akin. Para syang maiiyak na natutuwa na nagtataka kung ano'ng gagawin n'ya.
"Eto, unahin mo yung gelatin." sabi ko, sabay abot ng kutsarang may gello. Tinitigan n'ya iyon ng sandali, bago isinubo.
"Ayan tito! Tama! Kain po kayo ng marami!" sabi ni Alex na mukhang tuwang-tuwa.
"Ako na." sabi n'ya, sabay abot ng kubyertos mula sa akin. Umupo s'ya sa kama at nagsimulang kumaing mag-isa.
"Gusto n'yo pa po tito?" masayang tanong ni Alex, "May malapit pong nagtitinda ng lomi dito! Paborito n'yo po yun, 'di ba? Gusto n'yo po ibili kita?"
"'Di na... ayos na to..." sagot ni Sir. Mukhang nagutom nga s'ya, sandali lang, simot na ang tray n'ya.
"Nasan nga pala si Bea?" tanong n'ya sa akin ng matapos syang kumain, "'Di ata kayo magkasama ngayon?"
"Kumuha lang po ng classcards, parating na rin yun."
"Ganon ba?" sagot n'ya matapos ang ilang sandali, "College na nga pala kayo, ano?"
"Opo. Mechanical Engineering ang kurso ko, si Bea naman pre-Law. Pareho kaming 3rd year sa pasukan, and take note, on time kami pareho!" pagmamalaki kong sinabi.
Napangiti si Sir, isang malungkot na ngiti.
"Ang tagal na pala ng lumipas na panahon..." sabi n'ya.
"Tito! Tito!" singit ni Alex, "Ako po nakapasa rin sa MaybungaUniversity!" masaya n'yang sinabi, "Architecture po kinuha ko para ako na tatapos ng bahay ninyo!"
Lalong napangiti si Sir. "Oo, alam ko naman yun, araw-araw mo kayang sinasabi yan sa akin."
Biglang naluha si Alex. "Ah, oo nga pala..."
"O, ba't ka umiiyak..?" hinawakan uli ni Sir ang ulo n'ya at ginulo ang magulo na n'yang buhok. "Tahan na... masyado ba kitang pinag-alala?"
Frankly, I felt out of place, so I took the tray and excused myself. Maya-maya pag balik ko, nagtatawanan na sila.
"May dala akong lomi." itinaas ko ang dala kong tatlong order ng Batangas Lomi. "Kain uli tayo Sir."
"So..." Sir Dario called my attention while we were eating, "kamusta ka naman? Kamusta na buhay mo?" I was tempted to tell him the truth.
"Eto po, ok lang..." bungad ko, "Naku Sir, napaka hirap pala talagang pumasok sa Maybunga! Akala nga namin 'di kami nakapasa, eh! Natuyo ata utak ko dun sa mga math problems sa entrance nila!"
Natawa si Sir – ang dati n'yang malakas na tawa. "Dapat lang, dahil kasama ako sa nag prepare nun!" tumawa na rin pati si Alex, parang bata na tuwang-tuwa s'ya sa pagbalik ng tito n'ya.
"Buti naka pasa ka?" tanong n'ya sa akin.
"Naku, hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala!" sagot ko, "Ang score ko, 85.3%! Less 0.4 percent na lang bagsak na sana ako!"
Tuluyan kaming nag kuwentuhan. Hindi ko binanggit si Adan. Wala ring bumanggit tungkol kay ate Lisa, o sa anak nilang ipinangalan nila sa akin.
"Sabi ko na nga ba, kilala ko yung malaking boses na umaalingawngaw sa hallway e!" sabi ni Bea na kadarating lang.
"Wow! Pizza!" napatitig si Alex sa dala naya.
"Sir kain po!" alok n'ya kay Sir Dario. "Feeling ko matagal ka nang nag c-crave nito!"
"Ganon na nga." sagot ni sir. Agad syang kumuha ng slice at kinagat ito.
"Good to see you back." sabi ni Bea.
"...Nice to be back..." sagot ni Sir. Bumalik nanaman ang malungkot n'yang ngiti.
"Ngayon po tito, makakabawi ka na sa dalawang taon na puro skyflakes lang ang kinakain n'yo !" sabi ng kanyang pamangkin.
"Ano kamo?!" gulat na itinanong ni Bea. "Skyflakes!?"
Natawa ako ng malakas, "Talagang paborito mo yang skyflakes ha?" I blurted out, "kaya pala naging kasing nipis ka ng soda craker!" natawa rin sina Alex at Bea.
"So, pwede ka nang i-discharge?" tanong ni Bea in the midst of all the laughter.
"Yup." sagot ni Sir Dario. "And I can't wait to get home."
BINABASA MO ANG
Where I Want To Be (2b published)
عاطفيةNoong lumulutang ang mundo ni Jason sa problema, may dalawang tao na sumagip sa kanya, ang best friend n'yang si Bea, at ang Math teacher n'yang si Sir Dario. Pero habang tumatagal, naiiba ang tingin nya kay SIr Dario na naging kanyang 'hero'. Matan...