Twelve palang nasa Greenfield na ako. Nag text si Bea, parating na raw s'ya. Si Sir Dario naman, hindi ko ma-message sa sobrang hiya. Ka-text ko pa si Bea nang makita kong parating si Sir Dario. Mukha syang bata sa suot n'yang light blue t-shirt at maong pants. Palapit na sana ako sa kanya, nang biglang may babaeng kumapit sa braso n'ya.
Bigla akong natigilan.
Maganda s'ya, maputi, mapula-pula ang buhok. Hanggang dibdib lang ang abot n'ya kay Sir even on high heels.
Ginulo ni Sir ang buhok n'ya. She pouted at him, then grinned, at pareho silang nagtawanan.
I couldn't tear my eyes off the two of them.
"Jason, sorry I'm late!" sabi ni Bea na biglang sumulpot sa tabi ko. Nakasuot s'ya ng green dress na hanggang tuhod.
"I don't think I feel good..." binulong ko sa kanya.
"Well, you definitely look good!" she said as she looked me over. "May problema ba?"
Pasimple kong tinuro sila Sir sa labas. Kasalukuyan syang nakaakbay sa girlfreind n'ya at nag te-text. Biglang tumunog ang cell ko.
[Nandito na kami, nasaan na kayo?]
"I think I'd rather go home." I said to Bea.
"Nonsense!" sagot n'ya, "We came this far! You should at least enjoy his company."
Wala na kong nagawa ng hatakin ako ng best friend ko'ng gorilla.
"Sir Dario!" tawag ni Bea ng may malaking ngiti. "Kanina pa po kayo?"
"Hindi naman." he pulls his girlfriend closer. "By the way, this is my girlfriend Lisa," he said, "Lisa, these are Bea and Jason, yung mga remedial students ko."
"Hello." Bea beamed "Actually saling cat-cat lang ako!"
"Hi!" sagot ng girlfreind ni Sir. "Madalas kayong mai-kuwento ni Ferdie sa akin."
"Ferdie?" tanong ni Bea.
Biglang natawa si Sir. "My first name's Ferdinand." paliwanag n'ya.
"Sir, ang cute naman ng girlfriend mo, buti po pumatol sa'yo." sabi ni Bea ng pabiro.
Nagulat kami ng biglang tumawa si Lisa.
"Marami nga'ng nagsasabi!" sagot n'ya.
"She's also my bestfriend." singit ni Sir. "Sabi nga ng friends namin magka-mukha na kami!"
"Maliban sa kulay." sagot ni Lisa, sabay tawa nilang dalawa.
"So, saan ba tayo papasyal?" Tanong ni Sir.
"Pizza and cake!" sagot ni Bea. "Pero Ate Lisa," she said with a smile, "okay lang ba, pasyal muna tayo bago tayo kumain?"
"Oo, naman," sagot agad ni Lisa, "just lead the way!"
Nagkasundo agad ang dalawa. Nagulat nalang ako ng ma-realize na naiwan kaming magkasama ni Sir Dario.
"Mukhang nakalimutan na tayo ha?" he said with a chuckle.
Bigla n'yang ipinatong ang kamay n'ya sa balikat ko. I stiffen.
"Ah!" agad n'ya itong inalis. "Sorry..." 'ni hindi ko siya matignan.
It took us some time before we found them in a shoe store, trying on heels. Habang nag bo-bonding ang dalawa, nasa labas naman kami ni Sir, naka sandal sa metal railing, parehong tahimik.
"So, saan nga pala nakadestino father mo ngayon?" biglang tanong ni Sir Dario.
"...Sa Cape Town po." sagot ko.
"Oh, South Africa, ilang taon naman s'ya doon?"
"One year lang po."
"Ah, buti naman one year lang." Ramdam kong nakatingin sa akin si Sir. "Sinong kasama n'yo sa bahay?"
"Tita Fe ko po, kapatid ni dad."
"Kamusta ka naman?" he asked in a soft voice.
"...okay lang po."
"Takot ka pa rin ba sa akin?"
Hindi ako makasagot. In the first place, hindi takot ang nadarama ko para sa kanya.
"Alam mo," sabi n'ya in the same tone of voice. "Ng bata ako takot ako sa mga teachers. Sobrang kulit ko kasi noon, kaya madalas akong mapagalitan." natawa s'ya. "Paglaki ko naman, sa sobrang tangkad ko, madalas akong pag-tripan at mapa-away." tumingin s'ya sa akin, nakangisi, "Alam mo ba, si Lisa, parang si Bea 'yan, lagi akong sinesermonan! Tapos ng third year kami, na suspend ako dahil sa away!" natawa nanaman si Sir. "Nakow, galit na galit sa akin si Lisa nun, kaya pag balik ko sa school, kinaladkad n'ya ko sa adviser niya – ang math teacher na si Ms. Ylagan, and for the first time in my life, nakakilala ako ng teacher na hindi ako sinisigawan o minumura tuwing nagkakamali ako. S'ya ang dahilan kung ba't naisipan ko ring maging teacher."
"And the moral of the story is...?" singit ko sa kanyang kuwento.
"I don't think there's one." he laughed.
"It's 'you should learn to trust your elders'." Lalong natawa si Sir sa sinabi ko.
"Why didn't I think of that?" sabi n'ya. "Well anyway, nang naging teacher ako, sabi ko sa sarili ko, hindi ako magagalit sa mga bata... na tutulungan ko ang lahat, especially the problem students. Yung mga... walang tiwala sa 'elders' nila."
"Actually Sir, maraming students ang natatakot sa 'yo dahil sa lakas ng boses n'yo, parang laging galit."
"Talaga?!" he sounded genuinely surprised. "But this is my natural voice!" I couldn't help but laugh.
"Kaya mo ba 'ko pinag-tyagaang turuan?" tanong ko.
Ngumiti s'ya sa akin. "Yup." he said. "I know that everyone is capable of boundless possibilities, as long as they do their best." he touched my shoulder and squeezed it. "As long as we, as adults, guide them properly."
I couldn't take my eyes away from his gentle smile. Ginulo n'ya ang buhok ko. Napapikit ako sa hawak n'ya.
"Hey guys!" biglang tawag ni Lisa, "Sorry for taking too long." lumabas din sila sa wakas. Parehong may bitbit na bag ang dalawa at nakangisi sa amin.
"O, saan naman ngayon?" tanong ni Sir Dario na nakaakbay sa akin.
"Kain na tayo!" sabi ni Lisa. "All this shopping has made me hungry!"
"At kami naman nagutom na kakahintay." sabi ni Sir. He squeezed me before letting go. He then went to his girlfriend's side and held her hand.
"Well? How did it go?" Bea asked, suddenly beside me. "I gave you time alone with Dario, did you use it wisely?"
"Oo." sagot ko. "I think I can let him go now."
![](https://img.wattpad.com/cover/187956153-288-k106687.jpg)
BINABASA MO ANG
Where I Want To Be (2b published)
عاطفيةNoong lumulutang ang mundo ni Jason sa problema, may dalawang tao na sumagip sa kanya, ang best friend n'yang si Bea, at ang Math teacher n'yang si Sir Dario. Pero habang tumatagal, naiiba ang tingin nya kay SIr Dario na naging kanyang 'hero'. Matan...