CHAPTER 16 - Recovery

157 14 0
                                    


As weeks turned into months, bumalik din ang lakas at sigla ng dating sir Ferdinand Dario. Weekends nalang kami dumadalaw ni Bea, pero minsan, pag walang klase, napapadaan din ako sa kanila. Siguro dahil na rin sa super busy si Adan sa pag-aasikaso sa balak n'yang buksan na 10th branch.

Balak kasi n'yang mag tayo ng free standing branch. Kasalukuyan silang naghahanap ng lote sa QC, at may kausap na ring architect at engineer para pag planuhan ang 2 storey building na balak n'yang lagyan ng bar sa second floor.

Dahil dito ay halos 'di na s'ya napipirme sa bahay, at pag umuuwi naman, eh, lagi nang pagod at mainit ang ulo. Halos hindi nga kami nagkita nang mag-birthday s'ya ng July eh, sinabayan n'ya lang akong mag-breakfast, and after a short greating and a kiss, ay nagmamadali na syang umalis.

"Nakakabuwisit talagang maglakad ng mga papers dito sa pinas, andaming kailangan ipasa at gawin, tapos pababalik-balikin ka pa ng ilang beses para lang sabihing kulang ang requirements mo na ilang beses mo nang ipina-check sa kanila!" reklamo n'ya sa akin isang gabi.

"Hoy, tama na yan, baka ma high-blood ka pa!" biro ko habang minamasahe ang likod n'ya. "Tignan mo o, ang tense tuloy ng muscles mo." Hinalikan ko s'ya sa batok, kung saan alam ko mahina s'ya.

"Wala ako sa mood ha." agad n'yang sinabi. "Maaga nanaman ang alis namin ni Abel bukas para asikasuhin yung papers sa munisipyo."

"Okay... masahe lang..." niyakap ko s'ya ng mahigpit. "Late rin ba ang uwi n'yo bukas?"

"Malamang. Sa labas na kami mag d-dinner. Don't bother waiting." tinanggal n'ya ang mga braso ko at tumayo. "Sige, matutulog na ko."

Pinanood ko syang pumasok sa kuwarto. Pagkasara ng pinto, nagbuntong hininga ako at napa tingin sa labas ng veranda. Mahangin sa labas, presko ang gabi, nagbuntong hininga uli ako. Habang tumatagal, parang lalong nawawalan ng oras sa akin si Adan. Hindi naman s'ya siguro galit, at talagang marami lang ginagawa, pero, nakakalungkot isipin na mas importante pa ang trabaho n'ya kesa sa relasyon namin, na tila ba palamig na ng palamig.

Kinabukasan, nagising ako sa couch sa veranda kung saan ako nakatulog buong gabi. Wala na si Adan. Ni hindi n'ya ko ginising para magpaalam. Wala akong ganang kumain, mabigat ang katawan, at naninikip ang dibdib.

It was a Tuesday. Hapon pa ang nag-iisang klase ko. Makadaan muna kina Ferdie.

"Tao po?" tawag ko. May mga sumilip sa akin.

"Alex may bisita kayo." puros sila nakaitim.

"Kuya Jason! Tuloy ka!" masayang bati sa akin ni Alex. "Nasa likod po si tito, sandali tawagin ko."

"Okay lang, punta nalang ako d'un." sagot ko.

"Ah sige, paalis kami ngayon eh, may gig kami ng mga kabanda ko sa Gateway." sabi n'ya. "Okay lang ba, iwan ko na kayo?"

"Ha?"

"Alex, halika na, nand'yan na yung sasakyan." Tawag ng mga kabanda n'ya.

"Sige kuya!" kaway n'ya sa akin, "Bye-bye! Ingat kayo ni Tito!"

Umalis na s'ya bago pa ako makapagsalita uli. Nagpunta ako sa likod ng bahay kung saan ko nakitang nagdidilig si Ferdie ng mga halaman.

"O, 'di pa ba kayo nakakaalis?" sabi n'ya, bago lumingon sa akin. "Ah, Jason, ikaw pala, kamusta na?" nakangisi n'yang bati. "Naabutan mo pa ba si Alex?"

"Oo, kakaalis lang nila," umupo ako sa isang banko, hiningal ako sa byahe.

"Lika dun tayo sa loob."sabi n'ya.

"Pahinga lang akong sandali." sagot ko.

"Okay ka lang ba?" tanong n'ya uli. "Mukhang may dinidibdib ka, ha?"

Where I Want To Be (2b published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon