Everything went smooth sailing after that. Dumaan ang mga buwan, isang sem, dalawang sem, isa, hanggang dalawang taon. Parang himala na nakapasa kami sa mga klase namin ni Bea.
"Home sweet home, sa wakas!" masaya kong sigaw.
Kagagaling lang namin sa grand opening ng 9th and latest branch ng Solace Bakery sa MOA.
"Mmm... pa-hug nga muna..." I said as I jumped Adan from behind.
"Sandali lang..." pinigil n'ya ako, "Halika muna... sa may veranda..."
Hinatak n'ya ko papunta sa love seat doon at binuksan ang pinto. Malamig ang hangin sa labas, at kitang-kita ang mga bituin sa langit. Umalis s'ya para kunin ang isang tray na may wine at isang cake na korteng puso. Nagsindi pa s'ya ng ilang sparklers sa veranda. Bigla kong naalala ang unang pasko naming magkasama, at napangiti.
"O, ano'ng okasyon?" tanong ko sa kanya?
"Wala lang..." sabi ni Adan na umupo sa tabi ko, "Naisipan ko lang na gusto ko ring mag celebrate ng tayo lang dalawa."
Nagsalin s'ya ng white wine sa dalawang goblets at inabot sa akin ang isa.
"For eight years of being in love and two years of living together!" sabi n'ya ng may napaka gandang ngiti sa labi.
"For the only one I would ever love!" sagot ko, sabay toast sa glass n'ya.
Inubos ko ang wine sa isang tunggaan. Pag tingin ko kay Adan, yung cake naman ang iniabot n'ya sa akin.
"Eto, tikman mo," sabi n'ya, "it's a mango and dark chocolate cheesecake.
Hinati ko ang maliit na cake sa gitna at isinubo ang half para maubos agad at nang si Adan naman ang makain–
"Aray...!" nanakit bigla ang ipin ko sa nakagat kong matigas.
Adan smiled mischievously.
My hands were shaking as I reached in my mouth and pulled out a golden ring. Nanlaki ang mga mata ko at napa tingin kay Adan na agad kong niyakap.
That night,we made love holding hands, our fingers entwined with each other, wearing identical rings that symbolizes 'forever.' We stayed that way 'till morning.
It was the happiest time of my life.
![](https://img.wattpad.com/cover/187956153-288-k106687.jpg)
BINABASA MO ANG
Where I Want To Be (2b published)
Любовные романыNoong lumulutang ang mundo ni Jason sa problema, may dalawang tao na sumagip sa kanya, ang best friend n'yang si Bea, at ang Math teacher n'yang si Sir Dario. Pero habang tumatagal, naiiba ang tingin nya kay SIr Dario na naging kanyang 'hero'. Matan...