Chapter: 1 By: Mrs.Oh/Daebak_Hunnie
"Wala ka ba talagang balak lumabas ng bahay yuri? buong bakasyon kana nag kukulong dito sa sainyo." Ayan na naman si wendy ang mga sermon niya. ewan ko ba dito stress na stress sakin.
"Wala. gusto mo?" Sabay abot ko ng chichirya sakanya.
"Junk foods na naman ba yang kinakain mo? alam mo bang pwede kang mag kasakit diyan sa bato kakamaalat mo" Ilang beses ko na rin ata narinig sakaniya to.
"Oo" Tipid ko namang sagot. Ano pa nga bang gagawin ko sa buong summer kundi kumain manood ng Tv at ang matulog alam mo yung buhay ng walang pera.
Ako yun.
"Alam mo tara labas naman tayo nang makalanghap ka naman ng pollution sa labas. punta tayong mall?" Ayan nanaman siya. sa totoo niyan siya lang naman mahilig lumabas labas. shopaholic din kase to.
"Wala akong pera." Kahit naman sa isang mayamang school ako nag aaral hindi naman kami mayaman. scholar lang naman ako ng kakilala ni mama.
"Bakit? hindi ka ba pinadalhan ni tita?"
"NO SCHOOL NO MONEY POLICY" Ganiyan ka kuripot si mama dahil alam niyang magasta din kase ako. nasa ibang bansa si mama sa south korea nagtatrabaho bilang caregiver.
Dahil kame na lang ni mama mag kasama sa buhay dahil sa sumakabilang bahay tatay ko nung ako'y limang taon lamang at ngayon hindi namin alam kung saang lumalop ng mundo siya naroon.
tsaka na kwento ng pamilya ko. proceed tayo samin ni wendy.
"Oh sige aalis na ako bahala ka." Pagpapaalam ni wendy sakin.
"Aalis kana? oh sige bye ingat ka na lang iwan mo na ako." Medyo paawa effect ko sana effective.
"oh sige by--"
"hay! grabe naman tong babaeng to iniwan kaybigan niya ulila na nga yung kaybigan niya siya na lang meron siya iniwan pa hay ano bang klaseng kaybigan to" Paawa effect ko sa pinapanood ko kunwari.
natigil naman si wendy sa pag alis niya dahil sa ginawa ko bigla niya akong hinarapan. effective ata paawa effect ko.
mwehehexzs
"Sus.tara na libre kita."
"sige tara na!" Dali dali ako nag ayos ng sarili.
"Aba ready na ready ka. ganiyan kana lang?"
"anong meron sa suot ko? pwede na to. tara na!"hinila ko agad palabas ng bahay si wendy. basta libre game na game ako.
"Ikaw bahala saken ililibre mo ko huh?"
"oo lagi naman kitang nililibre eh"
"ngayon mo lang ata ako nilibre eh"
"anong ngayon? sapakin kita diyan eh ikaw nga diyan ni minsan hindi mo pa ako nilibre sa kuripot mong yan" Sabagay puro si wendy nga lagi nan lilibre sakin yaman nito eh.
Mall....
"ano bang gagawin naten dito? nagugutom na ako. kain na tayo" pag rereklamo ko kay wendy pano ba naman lakad lang kame ng lakad wala ng ginawa si wendy kundi pumasok sa mga tindahan ng mga damit.
"hay nako yuri. kakakain mo lang sainyo gutom kana agad?"
"Konti lang kinain ko duh." Sa laki ng tyan ko kasya buong Jollibee dito.
"wag mong sabihin bun----" sabay nang tanong niya sakin nanglaki ang kaniyang mga mata.
"baliw hindi nga ako lumalabas ng bahay ano ano iniisip mo libre mo na lang ako ng jollibee" Pag katapos nun kumain ako ng chicken joy with 5 extra rice yum hamburger and fries with pineapple juice kahit payat ako malakas ata ako kumain kahit ano kainin ko hindi ako tumataba jk konti lang hahaha.
Habang kumakain ako si wendy naman ay kalkal lang ng kalkal sa cellphone niya.
"look Yuri"
"sino na naman yan?"
"baliw ka ba anak yan ng may ari ng school soon to be owner na din opkorz"
"so?."
"anong so? mag ttransfer daw siya sa school naten this year sa kingdom high at dun na siya mag aaral"
"ah.." ano namang pake ko sa anak ng may ari ng school namin sino ba siya tao lang din naman siya tulad ko.
"ang gwapo niya kaso balita ko suplado bes pero matalino naman daw balita ko din kababata niya si kurth"
"sus panget lang gwapo pa ata ako diyan sino namang kurth?"
"si kurth yung inaway mo nung 4th Grade tayo balita ko nga laki na nang pinagbago nun simula nag transfer ng states."
"ah yung bang lampa lampa? For sure lampa pa din yun hanggang ngayon"
"Nako yuri bilisan mo na diyan marami pa tayong pupuntahan." Pag katapos namin mag mall ni wendy umuwi na din kaming dalawa sumakit lang naman paa ko kakaikot ng buong mall dahil kay wendy at binilhan pa niya ako ng dress akala mo naman susuotion ko to.nahiga na lang ako sa kama ko dahil sobrang pagod at kinuha ang cellphone ko.
*New Post from Kingdom High page*
"Welcome Ruperth Ken Oliva soon to be student of Kingdom High"
So eto sinasabi ni wendy. Mukha namang unggoy na pinaputi to.
BINABASA MO ANG
A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)
Teen FictionSabi nga nila walang permanente sa mundong ito for short "Walang Forever" lahat pwede mag bago sa isang iglap ng hindi mo namamalayan. Imposible kayang mang yari yun?