Chapter: 21

755 20 3
                                    

Chapter: 21 By: Mrs.Oh/Daebak_Hunnie

Maaga ako nag ayos ng aking sarili para pumasok sa school "Magandang Umaga mang jun eto po kape niyo." Abot ko ng kape kay mang jun habang nag lilinis siya ng kotse. "Ang aga mo ata ngayon hija?" Hindi ko din alam bat maaga ako ngayon di din kase ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa madaming nangyari kahapon. "Ah. Mag ppractice po kasi ako ng badminton malapit-lapit na din po kasi sports day sa school. Sige po mauna na ako paki sabi na lang po kay ruperth."

Sumakay ako ng bus papuntang school dahil 30mns or minsan 1hour bago makarating sa school namin kung wala kang kotse at sasabayan pa ng traffic. Pumunta ako sa may field ng school kung saan nag ppractice ng badminton saktong 6:00am atsaka na ako nag simula mag practice pero nung napagod ako naisipan kong maupo sa may bench. Uminom ako ng tubig at ramdam kong mabilis ang tibok ng puso ko. "HAY!" malakas na buntong hininga ko. Bigla na lang kasi siya pumasok sa isip ko! Ang unggoy na yun!.

"Yuri?" Rinig kong may tumawag sakin sa bandang likuran ko tinignan ko naman ito at nakita kong papalapit si kurth. "Kurth? bakit ka nandito?" Nakita ko din may hawak na gitara si kurth siguro nag practically din to. "Hinanda ko lang yung club dahil may practice din kame mamaya ng mga ibang members ikaw?" Hay. eto hindi ko alam gagawin ko nag ooverthink na naman kasi ako. "Uy yuri okay ka lang?." Bigla na lang ako nagising sa katotohanan ng tinapik ako ni kurth sa balikat. "Ay. Nag ppractice din ako para sa sports day. Kayo ba tutugtog?."

"Oo eh dahil marami din tayong guess galing ibang school kaya may program." Nakatingin lang ako kay kurth habang nag sasalita siya para kalimutan yung gumugulo sa isipan ko. "Teka yuri nag breakfast kana ba? gusto mo kong samahan libre ko?" Palagi na lang libre ni kurth nahihiya na ako ginto pa naman pinapakain niya sakin. "Wag kang mag alala hindi na mahal diyan lang sa canteen." Sabay hinila niya ako. Nang makarating kami sa canteen siya na umorder para samin.

//////

"Kyaaaaaah."
"Nandito na si Ruperth."
"Gwapo talaga hay kagigil."

Nasa may hallway kame ni kurth nang makita namin si ruperth. umiwas agad ako ng tingin baka makita kasi niya ako. "Tara na kurth." Pagyaya ko kay kurth. "Kurth!." Mukhang pamilyar yung boses na tumawag kay kurth huh. "Ruperth." Sumagot naman tong si kurth habang nakatalikod parin ako. "Anong ginagawa mo yuri?." Pagtatanong sakin ni ruperth. "Ah wala sige mauna na ako kurth." Hindi parin ako humarap atsaka na ako umalis kaagad.

Bakit ba kasi umiiwas ako as if naman may alam yun. "Yuri?." Narinig ko boses ni wendy na tumatawag sakin. "Wendy! huhu miss na kita!." Madalang na lang din kase kame magkasama nitong si wendy! "Miss na din kita yuri! anong balita sa boyfriend mo?." Dalidali ko naman hinila tong si wendy papalayo. "Ano ka ba may baka marinig pa nong iba!" "So? kalat na besh ano pa ba inaano mo diyan ang mabuti sayo na siya." Sakin? si ruperth? sana. Ay charot. "Kasi besh basta sa susunod ko na lang sasabihin wala ka bang practice cheerdance." Confuse pa ako mga dai. hirap. "Damot nito porker solo mo na charot! Oo papunta nga ako sa practice nakita nga lang kita osya tawagan mo ko huh." Sabay kinindatan naman niya ako.

Papunta ako ngayon sa field dahil pinapatawag daw kami ng coach naming bakla. "Everyone listen! So sa sports day napagisipan ng school na mag benta ng food stalls bawat club so magkakaroon tayo para sa pagkain at gastos share share tayo at hahatiin ko kung sino mag bebenta at mag susuot ng mascot natin." Ano naman pakana nito. nakita ko si ruperth sa may bandang tabi nakatingin lang siya sa may harapan di ko maiwasang di tumingin sakaniya hay. "So si Miss Leoveras ang mag susuot ng mascot." Naramdaman kong nakatingin lahat sakin tama ba pagkakarinig ko ako sa mascot? Bigla akong napatingin sa may harapan at kita kong nakangisi tong baklang to dahil ba sa may pagtingin din to kay ruperth ako pinaparusahan? napak unfair naman talaga. Lumapit ito sakin at binulungan ako "Okay ba? Girlfriend ni ruperth? mag prepare kana ng dance steps mo" Tss. parang gusto kong manuntok. "Sige po!" Sabay pilit na ngiti. Nag simula nang umalis yung iba habang ako nanigas na sa pagkakatayo ko.

A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon