Chapter: 3 By: Mrs.Oh/Daebak_Hunnie
*piiiiit* *piiiiiit*
Bigla ako nagising nang may narinig ako busina ng kotse. Sumilip ako sa may bintana ko para tignan kung sino yun.
"WENDY??" Tawag ko kay wendy. Sinenyasan naman niya ako ng orasan.
"Huh? anong oras na ba? 7:00 na bat di mo agad ako tinawagan" dali dali ako nag ayos.nakalimutan kong may pasok pala kaming 7:30.
Ano bang ginawa ko kagabi para mapuyat. dali ko nang sinuot yung uniform ko at sabay nag rubber shoes at kinuha ko yung skate board ko at sumakay na sa kotse ni wendy.
"Bat na late ka na naman na gising yuri naka 30missed calls na ako sayo. Wag mong sabihin tinapos mo naman yung kdramang pinapanood mo." Oo nga pala tinapos ko yung pinapanood kong kdrama di ko kase matiis kung anong mang yayari sa susunod.
"Bat ang daming studyante sa labas. Malalate na tayo wendy."pag tataka ko di naman ganito ka crowded minsan sa school.
"Hindi ko nga din alam"
"Mauna na ako ha." Bumaba na ako sa kotse ni wendy. Pinag tutulak ko nalang yung ibang studyante para makadaan ako.
"HOY IKAW TUMABI KA NGA NAKA HARANG KA!" Sabay sabi ko dun sa lalaking naka talikod sabay hinarapan naman ako nito at tinignan lang ako.
"Oh? anong tingin tingin mo diyan pwede ba tumabi ka at malalate na ako" Nakatayo parin siya habang naka tingin saken.
"Grabe hindi ba niya kilala kausap niya"Rinig ko sa may gilid ko sino ba to? kaylangan ko ba siya makilala?
"Hoy kayo manahimik nga kayo diyan!" sabay sabi ko sa dalawang babae sa may gilid ko.
"Excuse me miss kung nag mamadali ka sana maaga kang pumasok"
"Abat hoy wala akong pake alam kung sino ka pa. Akala mo naman siya may ari ng kingdom high." Pabulong kong sabi.
"Ako nga"
"ikaw? huh? whut? ikaw ba anak ng may ari?" Nginitian lang niya ako nang nakakaloko.
"So ikaw pala yung mukhang gorillyang pinaputi lang"
"Pinaputi what? haha" Pangisi ngisi na lang siya habang nakatingin. Porket soon to be owner palang maka asta kung sino. aalis na sana ako nung bigla siyang nag salita ulit.
"Alam mo ba miss pwede kitang paalisin sa school na to?" Bigla naman akong natigilan sa pag alis sa sinabi niya.
"So?" Lumapit ako nang bahagya sakaniya para alam niya na hindi ako natatakot sakaniya.
"Kahit saang School ka pa ipapablock kita kaya may pag kakataon ka pa para mag sorry sakin" Sino naman tinakot nitong unggoy nato! ako mag sosorry?
"Bat ako mag sosorry ikaw nga dapat diyan dahil naka abala ka kaya mag sorry kana habang mabait pa ako nito" Tumawa lang siya ng nakakaloko ulit atsaka naman siya lumapit sakin pagka lapit lapit na para bang mag hahalikan na kami. agad ko naman tinadyakan yung pinakaiingatan niyang pag ka lalaki. nag react lahat ng taong nakaka kita sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)
Fiksi RemajaSabi nga nila walang permanente sa mundong ito for short "Walang Forever" lahat pwede mag bago sa isang iglap ng hindi mo namamalayan. Imposible kayang mang yari yun?