Chapter: 17 By: Mrs.Oh/Daebak_Hunnie
"Agh. Ang sakit nung ulo ko." Nakita kong pababa ng hagdan si Ruperth habang ako naman kumakain ng tinapay nag katinginan kame pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko atsaka ako pumunta ng sala para manood. Kapag naalala ko yung kahapon hay.
/Flashback/
"Ruperth? Ano nang gagawin ko? Anong nangyari dito napasobra ba tulak ko?" Agad kong hinanap yung phone ko para tawagin si mang jun para mag pasundo. Binuhat ko naman papalabas si Ruperth. Ano bang nagyari dito huhu di ko naman napatay to no humihinga naman siya.
"Yuri?" Sakto namang nakita kame ni Kurth kaya tinulungan niya ako.
"Anong nangyari?"
"Hindi ko din alam tumuba na lang siya bigla." Nung dumating na si mang jun pinasok na namin si ruperth sa kotse. Di muna ako umuwi dahil may gagawin pa ako.
"Anong gagawin ko Kurth natakot ata siya sakin. Matatakutin kase yun tapos pumasok pa sa room namin." Nagaalala kong sabi.
"Haha Wag kang mag alala mukhang naka inom siya." Nakainom tama ba narinig ko?
"Huh?" Pag tataka kong tanong
"Kapag kase nakainom yun kahit tikman lang niya nahihilo siya agad tapos babagsak na lang baka pinainom siya ng mga kaklase niya kaya malabo din may maalala siya."
/End of Flashback/
So ngayon wala din siyang kaalam alam sa ginawa niya. Hmp
"Wala bang pagkain?" Pagtatanong naman niya.
"Meron diyan sa lamesa soup para hangover mo." Sarkastiko kong pananalita.
"Hangover? Nakainom ako?" Ano pa ba.
"Wala kang maalala? ha!?" Pamimigla ko sakaniya pinag hain ko siya atsaka ko pabagsak na nilapag yung mga kutsara tapos nun dumiretso na ako ng kwarto.
Nakakainis na lalaking yun. Baka gusto niyang paalala ko sakaniya ginawa niya. Bumaba naman agad at hinanap si ruperth nakita ko naman siya sa may pool na nag sswimming. Shet ganda ng katawan niya. pero hinde!
"Sir Ruperth nandito po si Miss Samantha hinahanap kayo." Nandito si Samantha? Agad naman ako nag tago.
"Papasukin mo." Humahon si Ruperth sa pool atsaka lang niya sinuot yung bathrobe niya.
"Ayos ka na ba? Nabalitaan ko nangyari sayo." Alalang Tanong ni Samantha sakaniya. May gusto ba siya may Ruperth.
"Medyo okay na ako nagpapawala na lang akong hangover ngayon." Sagot naman ni Ruperth habang umiinom ng juice niya.
"Mabuti naman. Naalala ko nung mga bata pa tayo hinalikan mo sa pisngi si kurth akala mo ako yun nung di mo sadyang nainom yung alak ni lolo." Sabay mahinang tawa ni samantha. so napagkamalan pa niya si kurth.
"Nakalimutan ko na nga yun eh." Nag tawanan lang sila habang pinag kkwentuhan yun nung biglang siningit ako ni samantha.
"Girlfriend mo na pala si Yuri nabalitaan ko." Tinignan ko naman si Ruperth napahinto siya sa pag inom ng juice niya.
BINABASA MO ANG
A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)
Teen FictionSabi nga nila walang permanente sa mundong ito for short "Walang Forever" lahat pwede mag bago sa isang iglap ng hindi mo namamalayan. Imposible kayang mang yari yun?