Chapter: 16 By: Mrs.Oh/Daebak_Hunnie
"Samahan mo ko mamaya may bibilhin ako." Pagyaya ni Ruperth. Papasok kame ng School ngayon.
"Saan tayo pupunta?" Di na niya ako sinagot. Pagkatapos ng mag hapong klase dumiretso kaming mall. Ano naman kayang bibilhin nito. Pumasok kame sa isang department ng scarf nakita kong pumipili si ruperth dun sa tatlong scarf na nasa harap niya.
"Maganda to." Turo ko dun sa Pulang scarf na may bulaklak na disenyo.
"Tingin mo magugustuhan ni lola to?" Sa lola niya pala ibibigay.
"Oo naman bagay na bagay ang pula sa lola mo." Kinuha to ni Ruperth atsaka binayatan sa counter.
"Uuwi na ba tayo?" Pagtatanong ko. Dahil alam kong hindi siya sasagot hinila ko siya sa may arcade.
"Ano to?" Nagtataka niyang tanong.
"Arcade? Hindi ka pa ba pumunta dito para namang sumaya saya ka." Atsaka kame Nag laro nung mga barilan. Dahil mukhang bago palang si ruperth lagi siyang talo sakin pati dun sa basketball.
"Dinadayaan mo ata ako eh Bat lagi kang nananalo? Araw araw ka siguro dito no?" Hindi naman sa araw araw ako dito kapag kase niyaya ako lumabas ni wendy diretso kame dito.
"Hindi ah. Ano next round?."
"Sige ba" Yung sunod naman naming nilaro yung dun sa stuff toys ang daming nakuha ni ruperth ako ni isa wala kaya hinayaan ko na siya ang saya saya niya eh.
"Oh." Abot niya sakin nung mga stuff toys.
"Anong gagawin ko dito?."
"Kung ayaw mo itapon mo." Sabay umalis siya. Tss wala akong choice kaya binitbit ko yung mga yun. Dumiretso naman ng jollibee si ruperth atsaka siya nag order.
"Favorite mo din jollibee no? Favorite ko din kase to"
"So?" Tipid niyang sagot kaya hinampas ko sakaniya yung isang stuff toys.
"Bat ba ganiyan ka ha? tss." Marami pang studf toys dito kaya ihahampas ko lahat sakaniya to kung may pagkakataon pa ako.
"Ikaw. Ako boss mo! Tss"Galit na tono niyang sabi. Binelatan ko lang to atsaka na kami kumain.
/Kinabukasan
"Yuri aalis na si lola mamaya kaya didiretso tayo sa bahay niya." Ilang araw na din nagdaan simula nung nag panggap akong girlfriend ni ruperth.
"Sige." Bago pa ako bumaba nang kotse nag ayos na ako dahil sa front gate na ako dumadaan ngayon dahil alam na din ng lahat.
"Ano ba kasing nagustuhan ni ruperth sa babaeng yan. baka ginayuma niya baby ko." Mas mukha pa nga ata silang Mang kukulam sakin mga bruhang to. Kahit na nag papanggap kame ni Ruperth ganun parin yung pakikisama niya sakin di kame clingy wala lang nasa tabi lang niya ako walang kibuan hanggang sa makauwi.
"Nandito na pala kayo hijo." Tuwang tuwang salubong samin ng lola niya.
"Eto po lola para sayo." Abot naman ni Ruperth nung binili naming scarf binuksan naman agad ng lola niya ito.
"Ang ganda naman nito pati ng kulay salamat apo ko gagamitin ko ito doon. Halina kayo nag handa ako." Tuwang tuwa lola niya nung nakita niya yung scarf kung hindi niyo din naitatanong sobrang sarap mag luto ng lola niya. sana may lola din ako kaso wala na.
"Hija halika samahan mo ako sa taas." Dinala ako ng lola niya sa kwarto habang siya naman parang may hinahanap.
"Eto sayo na tong mga hikaw na to." Nagulat naman ako ng may inabot na hikaw lola niya sakin mga kumikinang na Star Shaped na diamond na bato.
"Po. Salamat po lola." Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil alam kong niloloko namin siya dahil sa pag papanggap namin ni ruperth.
"Alam ko naman hija. kaya wag kang mag alala natutuwa ako sayo kaya binibigay ko eto." Halata na din pala ng lola niya.
"Kilala ko yang apo kaya wag kang mag alala ha? alam kong gusto lang din niya ako sumaya kaya." Nakangiting sabi ng lola niya. Pagkatapos nun bumaba na kami at nag paalam sa lola niya.
"Una na po kami lola mag iingat ka ha."Pagpapaalam ni Ruperth. Niyakap naman siya ng lola. atsaka na kami umalis. Habang nasa kotse kame na realise ko na tapos na pag papanggap namin ni ruperth. Hanggang sa nakarating na kame ng bahay. Dumiretso na kame sa kanya kanya naming Kwarto.
/Kinabukasan/
"Okay Class magkakaroon tayo ng festival dito sa school kaya mag handa kayo ng kaniya kaniya niyong booth sa Friday na." Dahil ako ang President ng room namin nakaisip ako ng magandang gagawin namin.
"So ang Tema natin ay Horror house para maiba naman." Dahil Wednesday ngayon may dalawang araw pa kami para mag handa. Nagustuhan naman ng mga kaklase ko ang ideya ko kaya umisip na kame ng gagawin namin para sa horror house namin.
Sa ibang room naman may mga booth ng pagkain, marriage booth, costume booth tapos mag pipicture at drinks booth sa mga lalaki.
"Ano yung booth niyo?" Pagtatanong ko kay Ruperth habang nag babasa ng libro niya.
"Hindi ko alam." Meron ba nun di alam booth nila. Meron siguro at siya yun. Wala ba siyang alam sa nangyayari.
"Kung hindi mo naitatanong Horror samin." Pabulong kong sabi sakaniya atsaka naman niya pabagsak binaba libro niya tumakbo naman agad ako papuntang kwarto.
/Friday/
"Woooo" Nanakot kami ngayon ng mga pumapasok sa room namin naka vampire costume naman ako.
"Waaaaaa!!" Nag bebenta din kame ng mga mukhang nakakatakot na pagkain. Nakita ko namang nasa labas ng pinto namin si kurth mukhang may hinahanap sa room namin kaya pinuntahan ko ito.
"Boo!" Pang gugulat ko sakaniya.
"Yuri?" Bes di man siya nagulat.
"Hehe Anong ginagawa mo dito kurth?"
"Yung booth kasi namin Ice cream baka gusto mo eto dinalhan kita." Tinikman ko naman ito at nagustuhan ko. Habang nasa labas kami ni kurth biglang may humila samin at tinakpan mga mata namin.
"Okay Simulan na naten." May narinig naman akong mga sigawan sa paligid. Tinanggal naman nila pagkakatakip ng mata namin. Nagulat na lang ako ng nasa marriage booth kame ni kurth.
"Tinatanggap mo ba siya maging kabiyak mo babae?" Tanong nung naka bihis na pari kay kurth si kurth naman nakangiti lang. Loko to.
"Okay. Wala palang tumututol sa kasal na to?"
"Atsaka naman nag sigawan ang mga babae sa paligid namin syempre tutop sila heartthrob din tong si kurth sa school.
"Sige inumin niyo na lang to." Abot nila samin nung kulay pulan inumin. inamot ko naman ito at mukhang juice lang.
"Inumin niyo yan nang nakapalupot kamay niyo." Huh? Ngumiti lang si kurth atsaka niya inikot kamay niya sa kamay ko atsaka niya ininom ng straight yung binigay sakniya kaya ininom ko na din yung akin.
"First time kong ikasal sa bampira ha." Pag bibiro ni kurth binatukan ko naman ito.
"Ikaw ha! Kung hindi lang kita kaybigan hay! babalik na ako ng room." Pag balik ko ng room napansin kong wala mga kaklase ko kaya naupo na muna ako para mag pahinga kahit na ang dilim dito sa room namin.
Habang nag papahinga ako may pumasok naman. Kaya tumayo agad ako para takutin ito mukhang lalaki nang lalapit ako bigla na lang bumagsak sakin yung lalaki kaya nahiga kaming dalawa nasa ibabaw ko siya nang di din sadyang nagkadikit mga labi namin kaya agad ko itong tinulak palayo. Tumayo agad ako at sinuntok yung lalaki sa braso. Wala etong reaksyon kaya tinignan ko ito kung sino.
Ruperth?
BINABASA MO ANG
A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)
Fiksi RemajaSabi nga nila walang permanente sa mundong ito for short "Walang Forever" lahat pwede mag bago sa isang iglap ng hindi mo namamalayan. Imposible kayang mang yari yun?