Chapter: 22 By:Mrs.Oh/Daebak_Hunnie
Nag simula ng magdatingan ang mga tao sa school namin maraming studyante galing ibang school ang pumunta. Habang ako nasa may field pinag checheer team mates ko marami studyante ang mga manonood dahil si ruperth lang ang gusto nilang makita dahil lalaban siya ngayon against sa ibang school nakaupo lang ako kasama yung iba kong team mates na di mag lalaro kami yung mga naka assign sa stall at yung iba sa paminigay ng pagkain sa mga kasama namin.
"Ate yuri CR lang ako ikaw na muna mag bigay nito sa mga nag lalaro." Paalam sakin ni channel inabot niya sakin yung box ng inumin di na ako nakasagot dahil mukhang nag mamadali si channel. "Nasaan na yung mga inumin dito na" Sabay sabi nung bakla naming coach bumaba na ako papalapit sa mga nag lalaro isa na don si ruperth sinimulan ko nang abutan yung iba pero di ko alam pano ako lalapit kay ruperth nakaupo lang siya sa may tabi habang nag pupunas ng pawis. "Ano ka ba yuri tinulungan ka niya kahapon." Bulong ko sa sarili ko.
"Oh Yuri kilos!" Tong baklang to. "Siya nga pala bakit ka nandito doon ka sa may stall." Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko. nakita kong si ruperth eto atsaka niya kinuha yung hawak kong isang inumin sa kamay. Binuksan niya ito at uminom di na niya ako tinignan at umalis na ako katapos non.
Nag ayos muna kami sa may stall dahil hapon na din kaya naman pumunta muna akong stock room para kunin yung mascot costume ko. Sinuot ko eto at para akong ewan na sumasayaw aliw na aliw naman yung iba sakin at nag papapiktyor pa. isat kalahating oras din akong ganito walang masyado ding bumibili samin. Kaya walang tigil din akong naka tayo.
"kyaaaaah aaaaaah."
"agghhhhh gwapoo."Nakita kong papalapit si ruperth sa stall namin. Tumigil siya sa harapan ko atsaka niya tinapik ulo ng mascot costume ko nag sigawan naman mga naka kita kaya napatingin na din yung iba. Tumulong sa pag titinda si ruperth kaya mabilis din naubos tinda namin sa stall buti na lang maraming naloloko to sa itsura niya. Nang kumonti na tao naupo ako sa may tabi init na init na din kase ako. Nagulat ako ng may humili sa ulo ng mascot costume ko. "Oh!" Abot sakin ng inumin ni ruperth atsaka din siya naupo sa tabi ko. "Salamat." Yun na lang nasabi ko. Ano ba tong nakain niya at may paganito pa.
"Yun ba yung girlfriend niya"
"Ah yun pala yon"
"swerte huh."Rinig namin sa mga taong dumadaan sa harapan namin mukhang ako naman pinag uusapan nila. "Mamaya may sasabihin ako sayo." Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun. Hay ano naman kaya? "Ate yuri diba tutugtog si kurth para sa closing ng sports day." Oo nga pala tutugtog si kurth niyaya niya akong panoorin siya. "Tara Channel baka mag sisimula na" Pagyaya ko sakaniya di balenh di na ako mag palit . "Yuri beshy! Ano ba yang suot mo di ka paba pupunta sa may hall?" Nakasalubong namin si wendy at kasama si "Ate Yuriii!!" Gulat naman ako ng nakita ko si Gio. "Gio? nandito ka din pala?" Sabay nag fist bump kami close na close kame nitong kapatid ni wendy remember. "Ewan ko ba dito kanina ka pa hinahanap buntot ng buntot sakin." Napakati ng ulo si gio habang nakangiti. "Ate naman kasi syempre pakilala mo ko dun sa mga ka cheerdance mo hehez" Kinutusan naman eto ni wendy atsaka kami nag tawanan.
Dali dali na kami dumiretso sa may hall. Halos lahat ng tao nandito dahil eto pinaka final ng araw na to. Nag simula nang tumugtog mga kasama ni Kurth sa may gitara naka toka si kurth sobrang enjoy ng performance nila nagulat kaming lahat ng umupo sa may gitna si kurth at tinutok yung mic sakaniya. Nag sigawan lahat halos ang mga tao dahil nakakagwapo nga naman talaga kapag si kurth na tutugtog mismong ako natamaan na sakaniya dati sino ba di maiinlab sa kaniya diba. uwu
Ninanamnam ng bawat tao ang kaniyang boses hanggang sa matapos eto nagpalakpakan ang mga tao. Napansin kong wala si ruperth saan naman kaya nag punta yun lumabas ako ng hall para tumingin tingin hanggang sa napadpad ako sa may garden may mahagilap akong lalake at babaeng nakaupo sa may bench at nagulat ako ng yumakap yung babae sa lalaki akala ko ordinary couples lang nang marinig ko. "Sana ikaw na lang ruperth." Si ruperth ba yun o baka kapangalan lang? aalis na sana ako ng may naapakan pala akong malaking bato at di ko eto agad napansin kaya nawalan akong kontrol at natumba ako dahil na din sa bigat nitong costume.
"Agh." Napasigawa ako sa sakit ng paa ko nahirapan pa akong tumayo baka makita nila ako. Sinuot ko yung ulo ng costume ko. "Ayos ka lang?" Rinig kong sabi nung babae. Si samantha? simula nung nangyari sa party niya ilang araw din di nag paramdam. Sumenyas lang ako ng "OK" Lumapit naman sakin si ruperth atsaka ako hinila palayo. naiwan si samantha kung saan nasaan siya.
"Aray masakit paa ko tsk." Kala naman nito malakas akong tao hay lagi na lang ako nahihila. "Tatapusin ko na kontrata natin." Tama ba pagkakarinig ko? "Katulong na lang kita simula ngayon." Pagkatapos niyang sabihin yun nanikip yung dibdib ko hindi ko alam bakit ko nararamdaman to ngayon. Para bang bumigat din mga mata ko. Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun.
Tapos na lahat samin? dapat ba akong magisng masaya? atsaka diba dapat masaya ako pero bakit ganito? Naramdaman kong tumulo yung luha ko di ko mapigilan at naupo na lang ako di ko din mapunasan gamit mga kamay ko dahil sa suot kong costume.
"Yuri! kanina pa kita hinahanap?" Tinignan ko lang si wendy atsaka siya niyakap. "Ano ba? may problema ba?" Gusto ko lang ng yakap ng kaybigan sa mga oras na to. "Okay lang ako tara na." Nang mahimasmasan ako at nakauwi na din ako ng bahay nalaman ko kay mang jun na babalik na din si manang sa makalawa. Eto na ba katapusan ng lahat siguro nga di para sakin to. kaya napagpasiyahan ko na din na iiwas na din ako at umuwi na lang samin.
Pagkatapos kong mag mukmok sa kwarto ko napagpasiyahan kong mag pass ng resignation letter kay ruperth para matigil na din tong nararamdaman kong to. "Para saan yan?" Pagtatanong niya. "Nalaman kong uuwi na si manang sa makalawa kaya uunahan ko na aalis na ako bukas na bukas din. Ayoko na maging katulong mo." Pagkatapos kong sabihin sakaniya yun pumunta na ako sa kwarto ko para ayusin gamit ko. Nagulat ako ng may nag bukas ng pinto ng kwarto ko at sinubukan akong pigilan ni ruperth "Hindi mo naman kaylangan umalis? okay lang dalawa kayo dito sa bahay?."
"Okay lang gusto ko na din umuwi pagod na din ako sige na matutulog na ako." Umalis naman siya sa kwarto ko at di na nag salita pa. Maganda nang ganito kesa lumala pa.
Wala naman talagang MAGIC diba?
BINABASA MO ANG
A Boyish Girl Meets The King of High (UNDER EDITING)
Teen FictionSabi nga nila walang permanente sa mundong ito for short "Walang Forever" lahat pwede mag bago sa isang iglap ng hindi mo namamalayan. Imposible kayang mang yari yun?