Chapter six: Best of me

533 21 0
                                    

Warning: Short chapters ahead. Don't expect long chapters. Incorrect grammars are everywhere.

Chapter six

T H E O D O R E A N T O N I O

Kapag daw nagmamahal ang isang tao, nagagawa niya ang nga bagay na ni minsan hindi niya naisip na magagawa niya. Kapag daw nagmamahal ang isang tao, kaya niyang isakripisyo ang lahat.

"Come on, Tan. Just this once, okay? " napakamot na lamang ako ng batok ko. Nakakahiya talaga itong pinapagawa ni Ashley pero wala akong magagawa, mahal ko eh. Mag-iinarte pa ba ako? "Fine, but please, don't laugh at me" ngumiti siya sa akin at tumango.

Oh diba, anong laban ko sa ngiting 'yan? Just a mere sight of her smile weakens every strong part of me, every best part of me. Ganun ang epekto niya.

"Just start already, Tan. This is not your first time to sing. You even sang for me twice"

Bumuntong hininga ako bago nagsimulang kumanta. Ito kasing si Ash, kinukulit ako na kumanta. May ginawa kasing kanta 'yung isang fan ko and she send it to me. And unfortunately, napanood ni Ashley kaya heto't pinapakanta sa akin.

"Sana'y makita ka sa Personal
Sa Tv lang kasi kita nakikita, oh mahal
Ang buhay mo'y sakin ay nagbigay ng aral
Sana makausap ka ang aking dasal"

Kitang kita ko kung paano pigilan ni Ashley ang mga ngiting gusto ng kumawala. Syempre, alan ko naman kung bakit. Hindi naman kasi talaga kagandahan ang boses ko. Siguro noon ay nakaya kong kumanta para sa kaniya dahil gusto kong idaan doon ang mga nararamdaman ko.

Mahiyain kasi talaga ako simula pa noon. Hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon. Kaya ngayong artista na ako, medyo nahihirapan pa akong mag-adjust.

"Ikaw ang nagpapa kilig kilig kilig kilig sa pusok ko
Ang nag di dilig dilig dilig sa rosas ng buhay ko"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya hindi ko natapos pa ang kanta.

"What's wrong? " nangingiting tanong sa akin ni Ashley. "Laugh at me, Ash. I know you want to laugh at me." umiling iling muna ito bago humagalpak ng tawa.

"Oh my gosh, Tan! Your voise got worse! And to think that the song is so girlish for you!" imbis na mainis o magtampo sa sinabi niya, hindi ko mapigilang humanga kay Ashley. She's so beautiful with her poker and serious face but this, seeing her smile and laugh, she's beyond beautiful.

"I told you, you'll just laugh at me." saad ko. Maya-maya ay tumigil na rin ito sa pagtawa. "You better dance when you'll having some guesting. I bet your fangirls will die hearing you sing"

"You're rude Ash"

"I'm not. I'm telling you the truth"

Matapos ang tawanan, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magtanong tungkol sa naging usapan nila ni Lance. Wala akong karapatan, oo alam ko 'yun, pero hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko. I am so curious.

"Ash, ano pala ang napag-usapan niyo ni Lance? " lumingon siya sa akin nang magtanong ako. Hindi niya siguro inaasahan na bigla ko na lamang itatanong ang nangyari.

"Is it really okay if I'll tell you? " tumango ako sa kaniya. Kitang kita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya.

"It's about, you know, him and me, us like that" bigla tuloy akong nainis kay Lance. Alam kong wala akong dapat na ikainis pero, mahal ko si Ashley at marinig lamang ang sinabi niya, para na akong papatayin.

Us? Kailan pa ba niya sinabi na merong kami? Pero sila ni Lance, she said that they talk about what's with them. They talk about their 'us'. Pero ako, tuwing gusto kong pag-usapan ang nararamdaman ko, palagi siyang hindi handa.

Bumuntong hininga ako at pinilit ang sariling hindi magpa-apekto. Kaibigan ako ni Ashley at bilang kaibigan niya, handa akong makinig sa kaniya.

"Tell me. Come on, I'm your friend and you can trust me"

kahit nagdadalawang isip ay sinabi pa rin niya ang nangyari. Pero nang marinig ko ang pinag-usapan nila, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ashley's my weakness yet she brings out the best of me.



Thank you very much! Mwah💋

Waiting To Be The One (Ashtan Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon