Warning: Short chapters ahead. Don't expect long chapters. Incorrect grammars are everywhere.
Chapter eight
T H E O D O R E A N T O N I O
"Kuya Bats" saad ko nang may sumagot na sa tawag ko. Alam kong nasa Davao ngayon si Kuya Batit pero siya lang ang kilala kong makakatulong sa akin.
"Tan? Hala, ba't ka napatawag? " nag-aalalang tanong niya. "Pasensya na kung naistorbo ko man kayo dyan. Kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon at tulong mo"
Nagpa-book na ako ng flight para sa pag-uwi ko sa Davao pero hindi na muna ako uuwi sa amin. Ayokong mapansin nina Mama at Princess na iba ako ngayon.
"Ano ka ba, parang kapatid na kita kaya okay lang. Hindi pa naman ako natutulog. May problema ka ba? "
"Ashley things. Pero ang itinawag ko talaga ay hihingi ako ng pabor na baka pwede akong dyan tumuloy. Ayokong makita ng pamilya ko na ganito ako. At alam kong matutulungan mo ako, Kuya Bats"
Rinig ko ang pagbubuntong hininga niya sa kabilang linya. Sa sampung taon kong nakasama si Kuya Batit, itinuring na niya akong kapatid. Wala akong Kuya o nakatatandang kapatid kaya lahat ng responsibilidad sa pamilya ko, ako ang pumasan.
Kaya sa mga panahong ako naman ang naghahangad ng tulong, si Kuta Batit ang dumarating.
"Sige. Anong oras ka darating? "
"Lunch time, siguro"
"Sige, lulutuan kita ng specialty ko! " natawa ako sa kaniya. Narinig kong nagising ang asawa ni Kuya Bats, si Ate Gembra. Tinanong pa niya ito kung ako raw ba ang kausap.
"Mag-ingat ka dyan, Tan! Bilisan mo na't umuwi ka na rito. Miss ka na daw ng pamangkin mo" rinig kong saad ni Ate Gem.
Kinabukasan, maaga na akong umalis sa condo unit ko. Naabutan ko pa sa labas ng condo ko si Eros na may hawak na tasa. "Manghihingi lang ng kape, Boss! " sabi pa niya. Malas siya, aalis ang source of kape niya. Nasa 32nd floor kasi ang condo unit nito.
Around ten o'clock ay nakarating na rin kami sa Davao. Wala masiyadong traffic kaya nakarating rin ako kaagad sa bahay ng mga Espiritu. Nina Kuya Batit Espiritu at Ate Gembra Lim-Espiritu and ibig kong sabihin.
"Tito Tan-tan! " agad na tumakbo sa akin ang anak nina Kuya Bats nang makita ako sa labas ng gate nila. Napangiti ako nang yakapin niya ako. "Kumusta na ang naoakagandang si Geneiah?" ngumiti ang bata at pinaglaruan na naman ang buhok ko.
"Blawn, blawn " saad pa niya habang hinahawakan ang buhok.
Natatawa ko siyang kinarga. Napakalapit talaga ng loob ko kay Geneiah. Minsan naiisip ko na rin na mag-asawa na dahil matanda na ako pero 'yung babaeng gusto kong mapangasawa hindi ko pa napapasagot. At hindi ko alam kung mapapasagot ko pa siya.
"Tito, malungkot ka po? " umiling ako sa kaniya. "Tara pasok na tayo"
Pagpasok namin sa bahay nila ay agad kaming napansin ni Ate Gem. "Dumating ka na pala. Tara, naghanda na si Alfonso ng kakainin"
Dumeretso kami sa kusina nila at doon ko nga nakita si Kuya Bats na nag-aayos ng mesa. Ngumiti siya ng makita ako. "Tan! Kumain na tayo. Alam kong may jetlag ka pa"
Habang kumakain kami ay kitang kita ko ang pag-aalala sa mga nata niba Kuya Bats at Ate Gem. Alam naman kasi nila na kaya ako nandito dahil gusto ko munang lumayo kay Ashley. Gusto kong mag-isip muna at para makapag-isip na rin siya tungkol sa kanila ni Lance.
Bakit nga ba pumunta pa ako kay Kuya Batit kung nandoon naman ang mga kaibigan ko? Kaibigan ko rin naman si Lance kaya kapag may kinausap ako sa mga kaibigan namin, paniguradong may mangyayaring away.
I don't want them to take sides.
"Sabihin mo na ang problema mo sa'kin Tan, alam mo namang nandito lang ako para makinig sayo"
Lumingon ako kay Kuya Batit.
"Masama bang maging selfish minsan? Masama bang maisip na sana ako na naman?"
"Kuya Bats, kinausap kasi ni Lance si Ashley noong isang araw. Sinabi niyang mahal niya pa rin si Ashley. Kinausap ko si Ash at sinabi niya ang nararamdaman niya. Mahal niya pa rin si Lance, hindi niya lang maamin dahil nag-aalala siya sa akin"
"Sinabi ba niyang mahal niya si Lance? "
Umiling ako. "Pero ramdam ko Kuya Bats. I ask her, what am I to her and she told me I am more that her friend. Tinanong ko kung ano naman si Lance, sabi niya he made her feel different emotions that she can't even name. Nakakalito pero kung iisipin ng mabuti, mas lamang si Lance sa akin. Siya pa rin kasi hanggang ngayon."
BINABASA MO ANG
Waiting To Be The One (Ashtan Fanfiction)
FanfictionTen years after the pinoy big brother show, what happened to their lives? This is an AshTan fanfic. But you don't need to be an Ashtan fan to read this. Hindi naman makakasira ng story kapag di kayo fan. ❤