Chapter seventeen: Wake up

526 23 3
                                    

Chapter seventeen

T H I R D  P E R S O N

"Okay ka lang ba talaga, Tan? May sakit ka? " agad na tanong ni Yca kay Tan nang matapos nila ang photoshoot ngayong araw. May photo shoot pa sila next week at last na rin 'yun. Tumango siya sa kaibigan. "Yeah. May iniisip lang"

Ang totoo niyan ay iniisip talaga niya si Ashley. He texted her last night that he'll fetch her at her condo unit para sabay na silang pumunta rito. Kinaumagahan, nauna na palang umalis si Ashley at hindi na siya hinintay pa.

Okay lang naman sa kaniya. Sanay na siya na palaging ganoon si Ashley. It's just that when he saw Ashley, para bang iniiwasan siya nito. Wala naman siyang maisip na dahilan. He said sorry the last time they saw eachother kahit na hindi niya alam kung anong naging kasalanan niya.

Napabuntong hininga na lamang siya. Ashley's really his weakness. She can still control him after years of being apart.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo upang muling kausapin si Ashley. He's not comfortable seeing Ashley and being with her in the same place without talking to her. Nasanay na siya sa presensya nito na kahit ilang araw lamang silang hindi nagkikita ay parang kating kati na siyang makita itong muli.

Maybe that is because he's in love with her.

Kahit nga noong nanatili si Tan sa ibang bansa upang asikasuhin ang career at negosyo ay pabalik balik pa rin siya sa Pilipinas. Nagbabakasakali lang na makita ulit si Ashley. He was always stalking her social media way back then.

"Hi! " bati niya sa dalaga. Nilingon siya nito ngunit agad ding nag-iwas ng tingin. Kausap nito ang kaibigang si Freah. "Hi, Tan! Okay lang ba ang products ng MJ? " Freah asks him.

"Of course!" sagot niya. Napansin niyang tatayo na si Ashley kaya hinablot niya ang braso nito. "Ash, can we talk, at least for two minutes or even a minute. Please.. "

Napansin niyang bumuntong hininga si Ashley. Kitang kita na napilitan lamang itong tumango sa kaniya.

Naglakad sila papunta sa hindi masiyado mataong lugar. He just want to talk to her in private.

"What are we going to talk, Tan? I still have something to do."

"Ashley, may nagawa ba talaga ako sayo? You can tell it to me. Ayokong iniiwasan mo ako--"

"who told you I'm avoiding you? " nakataas kilay nitong putol sa sasabihin niya.

"Isn't it obvious? I am not smart, yes but I'm not an idiot, Ash. I know you're avoiding me and I just want to know why. I thought we're okay."

"We're not. We're not okay, Tan. Until now, I was still being chase by the idea of you hurting because of me." napasabunot na lamang si tan sa kaniyang buhok.

"Hindi na kita maintindihan. Akala ko ba balik na tayo sa magkaibigan? Tapos ngayon hindi na naman tayo okay? Sinasabi ko sayo, wag kang ma-guilty sa nangyari noon. That was on the freaking past! "

Nanlalaki ang mata ni Ashley sa narinig. Siguro ay nagulat ito sa bigla niyang pagsabog. Naiinis na kasi siya, bakit ba hindi nito maintindihan na huwag na lang isipin ang nangyari noon? Kasibkung mas lalong nagi-guilty si Ashley, mas lalo rin itong nasasaktan.

"I'm sorry" saad niya kay Ashley. Baka mamaya ay akala nito'y galit siya. He's not angry, he was just so pissed. Ayaw niyang iwasan siya ni Ashley, masakit na para sa kaniyang hindi siya nito mahal, pero mas masakit kung hindi niya ito makakasama.

Mahal na mahal niya si Ashley.

"It's fine. I want to be alone. I don't want to talk to anyone right now" wala ng nagawa si Tan kundi ang bumuntong hininga at hayaan si Ashley na umalis.

Kahit kailan naman ay hinayaan niya ito sa lahat ng gusto nito. He let her go even if it'll hurt him. He gave her up for them- Ashley and Lance to be happy.

---

"What happened? " salubong ni Freah kay Ashley matapos nilang mag-usap ni Tan. Instead of answering her, she smiled at Freah and told her that she'll go home.

Alam ni Ashley na hindi niya dapat iniiwasan si Tan. But what can she do? She doesn't want to fall deeper 'cause she knows he'll never catch her. Alam niyang nagsawa na ito sa kakahintay sa kaniya noon kaya alam niyang hindi na siya sasaluhin nito.

Ewan niya ba, bakit kung kailan hindi na siya mahal ng isang tao ay saka lamang niya ito mamahalin. Maybe they were all right when they said, we only realize the value of someone when we finally lost it.

Pinahid ni Ashley ang luhang nagmula sa kaniyang mata. Why am I even crying? I deserve this.

"Ashley? " lumingon siya sa lalaking humablot sa kaniyang braso at nakita niyang si Lance ito. "Lance" she called him.

Agad na siyang yumakap sa lalaki upang itago ang luhang tuloy tuloy ng bumagsak. Wala naman siyang dapat na ikaiyak. Simula nga talaga nang makilala niya si Tan Macario ay naging iyakin na siya.

"Anong nangyari? Why are you crying, Ash? " she heard Lance asks her. "I'm falling deeper, Lance. And it kills me so much 'cause he'll never catch me anymore." hinagod nito ang kaniyang likod at pilit siyang pinapatahan.

After this, pipilitin na lamang niya ang sariling kalimutan si Tan. Maybe, she'll go somewhere or go back to Australia. Matagal na rin siyang hindi nakakauwi.

---
She doesn't want to talk to someone else. Huh, talaga lang?

Hindi mapigilan ni Tan ang mainis. Ashely told him that sge doesn't want to talk to someone but he can see Ashley hugging Lance in a coffee shop.

Parang sinasaksak ng paulit -ulit ang puso ni Tan sa nakikita. Siguro nga ay hindi na dapat siya lumapit pa kay Ashley. Kaya siguro siya nito iniiwasan at dahil mahal na mahal nito si Lance at ayaw nga nitong masaktan pa siya.

Bumuntong hininga ulit si Tan at tumalikod na sa nagyayakapang Ashley at Lance. Simula ngayon, hindi na ulit siya lalapit kay Ashley. He'll do everything to stay away from her.

That sight woke him up. It was like telling him, wake up, Tan. Ashley will never love you back.

--Azi says--

Sorry for this update guys. Mental block is striking me talaga. Minsan naiisip ko na 'wag na munang ituloy itong story pero naiisip ko na sayang din naman. So, I tried to wrote what's on my mind and this is the finished output. Sorry again.

Waiting To Be The One (Ashtan Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon