Chapter four: Promise

590 23 0
                                    

Warning: Short chapters ahead. Don't expect long chapters. Incorrect grammars are everywhere.

Chapter four

T H E O D O R E  A N T O N I O

"Tan? Oh my Gosh Theodore! " napatingin ako nang may tumawag sa akin. Nang makita kong si Diana ito ay agad na akong lumapit para yakapin siya. "Ang laki laki mo na! " natatawang saad ko. Pinalo naman niya ako sa braso. "Do I look so fat? " tumawa ako at umiling. Ang ibig ko lang namang sabihin ay ibang iba na siya sa dati.

"Ano may pasalubong ka sa'kin? " tanong ko sa kaniya. Ngumuso ito. "Pasalubong lang talaga ang gusto mo eh." ngumiti na lang ako. Nilingon ko si Ashley na naiwan ko sa inuupuan niya. Nakatingin lamang siya sa amin. Lumapit kami ni Diana para magkakilala naman sila.

"Ash, meet Diana. She's my childhood bestfriend" Ashley smiled at Diana. "And Diana, si Ashley, my friend" pakilala ko naman. Gusto ko sanang ipakilala si Ashley bilang girlfriend ko pero hindi naman kasi kami. Nagbeso ang dalawa pagkatapos magkakilala.

"You're so pretty! Tara usap tayo! " excited na saad ni Diana. Napaka energetic niya talaga. 'Yung parang hindi na siya nauubusan ng energy. Baka mamaya, mapagod na lang si Ashley kakakinig ng mga kwento niya. Natawa na lang ako. "sure" sagot ni Ashley.

Habang nakatingin ako kay Ash at Diana na nag-uusap ay nilapitan ako ni Mama. "Kay gandang bata talaga niyang si Ashley diba? Kaya mo nga nagustuhan" natatawang saad ni Mama. Ngumiti ako. "Syempre naman po." sagot ko sa kaniya.

"Kailan ka ba sasagutin niyan? Aba ang tagal tagal mo ng nililigawan si Ashley. Pwede na nga kayong mag-asawa pero ni magkasintahan hindi niyo naabot." saad ni Mama. "Ma, hindi naman po ako nagmamadali. Saka, kaya ko pong hintayin si Ashley kahit matagal pa. Alam ko naman po Ma na may nararamdaman na rin aiya sa akin."

Napabuntong hininga na lang si Mama. "Alam mo Tan, paano kung sa kakahintay mo sa kaniya ay dumaan na pala ang babaeng para sayo? Hindi naman kasi siguradong si Ashley na ang babaeng nakatadhana sayo. Payo lang anak, hindi ko nakikita na nag-e-effort para sayo si Ashley. You always do the move."

"Alam ko naman po. At kung hindi man siya ang babaeng para talaga sa akin Mama, tatanggapin ko na lang. But I can't promise that I will love other woman other than her. I can only see my future with her, Ma."

Kita kong napailing si Mama sa sinabi ko. "Mana ka nga sa akin. Pero anak gusto ko lang na malaman mo na ayaw kong matulad ka sa akin. Nagmamahal ng taong may ibang mahal." ngumiti na lang ako.

Inaamin ko, ang kung anong meron sa amin ni Ashley ngayon ay wala talagang kasiguraduhan. Pero diba nga, kapag nagmamahal ang isang tao, he will risk everything. Tulad nga ng sinabi ko noon, hindi ako naghahangad ng kapalit. If Ashley will learn to love me, then I'll be the happiest man alive. But if she will love other man, I'll still love her with all my heart.

Korny man pero 'yun ang totoong ako. I can be really crazy when it comes to love. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta naibigay ko at naiparamdam ko lahat ng dapat maranasan ng isang babaeng minamahal kay Ashley.

"Are you okay? " tanong sa akin ni Ashley. Hindi ko na namalayang nakalapit na siya sa akin at iniwan na ako ni Mama. Ngumiti ulit ako. "yeah" sagot ko.

"Ash, gusto ko lang sanang malaman mo na naghihintay pa rin ako sayo. But if you'll met someone and love him instead of me, I'll just be fine. " napatingin naman siya sa akin. "Why are you opening this topic again, Tan?" ngumiti na lang ako. "Nothing. This is my way of telling you how much I love you. Just remember Ash, I'll always smile on you and make you smile. I promise"



Thank you very much! Mwah💋

Waiting To Be The One (Ashtan Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon