Chapter 1

432 10 0
                                    


Unang araw ko sa bagong eskwelahan, siya agad napansin ko. Sounds cheesy pero totoo.

Hinangaan ko siya, ang active niya sa recitation. Bukod sa matalino, gwapo din.

Madalas siyang asarin sa isang babae kaya dun pa lang, pinigilan ko na. Yep, Iniiwasan ko siya. Ako kasi yung tipong mabilis magkagusto, pero mahirap makalimot.

Nakakatawa nga kasi kung kailan nakakita ako ng ibang crush, doon pa kami naging mas malapit.

Kainis diba.

One day inaasar niya kaibigan niya sakin. Kaasar, siya nga gusto ko inaasar pa ako sa iba.

Hindi ko alam na totoo pala akong gusto nung kaibigan niya. Kaya pagkauwi ko galing school, chinat ako ng kaibigan niya.

( : someone — ; ako)

: Hello

; hi

: Alam mo na siguro no

; ah oo, sinabi sakin ng kaibigan mo

: Haha mga baliw yun eh

Yes, nirereplyan ko. Panget kasi kung chinat niya ko tapos di ko papansinin diba? Hindi naman ako ganung tao.

Tapos alam mo ba one time, ang saya ko kasi chinat ako ng crush ko hehe. Charot inu-uncrush ko na pala.

: *pangalan ko*

; po?

Syempre magalang tayo.

: paano pala yung pt natin sa AP

toinks!

Btw, pt is performance task. Hindi pregnancy test ha!

; ah send mo na lang sakin yung script ako na gagawa

: wala ako sa bahay eh

; mga anong oras mo masesend?

: mga 12 am

; hala baka tulog na ko nun

: joke lang naman hahaha

Ay, ma-joke??

; haha sige send mo na lang

: okay pooo

Sineen ko na lang. Syempre malay mo chinat niya lang talaga ako para sa school works. Tsaka diba, iniiwasan ko.

Pagdating naman sa school, napapadalas ang video projects namin. Eh since seatmate and ka group ko siya, hindi ko maiwasan na di siya pansinin.

"Tapos ko na iedit," sabi niya.

Wow pinanindigan. Sabi niya kasi siya mag eedit ng video namin.

"Patingin nga." sagot ko naman sa kanya.

Binigay niya sakin yung isang earphone habang suot niya yung isa. Girl hindi ko kaya, kinikilig ako. Pero hindi pwede!

Habang pinapanood ko yung video, nakita kong nakatingin samin yung kaibigan niya. Nagpanggap na lang ako na hindi ko napansin. Para naman to sa grades namin.

"Galing naman," pang-uuto ko. Syempre kailangan non awkward eh.

"Syempre ako pa" wow naniwala??

Tumawa na lang ako at binalik yung earphones. Bat naman ganun, mas nahuhulog ako sa kanya huhu.

Dumating ang araw na sobrang nakukulitan na ko sa kaibigan niya. Konting oras lang kasi na di ko pag reply sa kanya sinasabi niya snobber ako. Eh offline naman talaga ako.

Sinabi ko sa kanya na hindi, hindi talaga. Ayoko kasing habang lumalalim yung nararamdaman niya sakin, e hahayaan ko lang. Mas masakit kasi yun diba.

Sabi ng kaibigan niya okay lang daw, maghihintay pa din siya. Pinipilit ko na wag na dahil wala din mangyayari (sama ko na ba nun?) at ayoko din na masaktan siya.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now