Chapter 2

235 11 1
                                    

September..

May isa kaming Activity na parang play. So yes okay naman ako maging extra extra lang. Yung sa dance since yun talaga sinalihan ko.

"Miss hindi ako makaka attend diyan, Hanap na lang po kayo ng papalit saakin." rinig kong sabi ng kaklase ko sa teacher namin.

Owshet pare, awit yon.

Sa acting siya. Ano nga ba yung role niya? Ah kapartner ng iniiwasan ko. Ang scenario eh makikita sila ng ex niya na magkasama at magka hawak kamay. At alam niyo ba, yung gumaganap na ex niya eh yung babaeng inaasar sa kanya.

Ouch, ako ata masasaktan dito.

"Si *pangalan ko* na lang," gulat na napalingon ako sa teacher namin.

0_____0

Anong ako?!

"Miss iba na lang po." sabi ko. Aba syempre iniiwasan ko nga yung tao ako pa papalit.

"Sige na ikaw na lang, wala nang ibang pwedeng pumalit sayo." sagot ng teacher namin.

Wotofok???

"Okay po miss" walang angal kong sagot. Grr, para sa grades! After nito hindi ko na siya papansinin.

Habang nag papractice kami, dumating yung isa naming teacher na magtuturo samin para mas gumanda yung play.

"Anong role niyo?" Tanong ni sir sa kaniya. Sinagot niya naman ito kaya tumawa yung teacher namin.

"Eh bakit parang hindi kayo masayang magkasintahan? Ayusin niyo yung hawak ng kamay at ikaw *pangalan niya* hawakan mo siya sa bewang" sabi ni Sir.

Ang gwapo talaga ni Sir. Charot!

Pero Sir naman eh!

Ginawa niya naman yung sinabi ni Sir at umingay ang lahat ng kaklase ko.

"Uy nasasaktan si *pangalan ng kaibigan niya na may gusto saken* wag kayong ganyan" sigaw ng kaklase ko.

Lupa, lamunin mo na ko.

Balik practice naman kami. At tuwing magkahawak kamay kami tinatanggal ko na agad kapag tapos na. Napapansin niya din na parang iniiwasan ko siya.

Ganyan lang ang ginawa namin hanggang sa makumpleto yung buong play. Sa dulo naman eh magkakabalikan yung mag ex. Ket naman.

So panakip butas ang role ko pala dito??

General practice na, kaya ibigay daw namin yung best namin na parang yun na yung contest. Kaya ko to!

Hindi pa nagsstart yung play hinawakan niya na kamay ko at pinisil iyon. Luh problema nito??

Pinilit ko namang tanggalin at nag kunwaring naging busy sa isang bagay. Ano baaaa, lalo akong mahuhulog sayo eh.

Sa araw ng contest, sobrang kabado ako. Madaming manonood kaya di ko alam kung paanong mukha ang gagawin ko. Shux.

Merong mga scene na hindi ko inaasahang gagawin niya. Tulad ng paghawi ng buhok ko nung nasa gilid kami. Naiilang ako.

Pagkatapos ng performance ay nag ayos agad ako. Back to normal, walang pansinan.

Bigla kong naalala yung ginawa niya sakin. Kinikilig ako!

Charot role lang yun.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now