Chapter 21

58 3 0
                                    


"Ano yun?" tanong ko. Pumikit naman siya at niyakap ako. "Namiss din kita." sabi niya at mas naiyak ako. Hindi yun yung sasabihin mo..

"Kumain ka na ba? Namamayat ka ah" sabi niya at hinawakan yung braso ko. Ngumiti naman ako at tumango ako. "Stress sa trabaho," sabi ko.

"Uuwi ka din ba?"

"Opo, wala akong dalang damit."

"Hahatid kita, ako magdadrive." hindi na ako umangal. Nagtagal pa ako doon ng isang oras bago naisipang umuwi na, 9 PM na kasi.

"Ma, hahatid ko lang" paalam niya sa mama niya at tumango lang ang Mama niya. "Bye tita, una na po ako."

"Mag-iingat kayo ah."

Tahimik lang kami sa buong byahe. Hawak hawak ko naman yung kamay niya habang nagdadrive siya. Nakatulog ako nang hindi binibitawan ang kamay niya.

Nagising ako sa tapik. "Nandito tayo sa park malapit sa inyo," sabi niya kaya napabangon ako. "Bakit?" tanong ko. Nakita ko namang naluluha siya kaya umiwas siya ng tingin.

"Tara." sabi niya at lumabas na. Lumabas na din ako at sinundan siya sa may swing. Parehas kaming nakaupo sa swing. Ang sarap ng hangin.

"Ba't tayo nandito love?" tanong ko at tumingin sa kanya. Sinisipa niya ang mga bato sa lapag. Hindi niya 'ko sinagot sa halip ay tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Ayoko na," sabi niya na nagpatigil sa akin sa pagduyan.

Ang kinakatakutan ko..

Tumayo ako at humarap sa kanya. Umiling ako ng umiling at tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko. "Hindi, 'wag mong sabihin yan" umiiyak kong sabi at hinawakan siya mukha.

"Napapagod na 'ko." sabi niya ulit at niyakap ko siya. "Magpapahinga lang tayo love tapos okay na ulit, 'wag mo 'kong iiwan love." humihikbi nang sabi ko.

Hinawakan niya akong sa magkabilang braso ko. "Sorry.." sabi niya at umiiyak na din. "Anong kulang love sabihin mo sa akin.. Gagawin ko lahat love 'wag mo 'kong iiwan please.." pagmamakaawa ko.

"Wala kang pagkukulang, ako ang may mali." sabi niya at pilit akong pinapakalma.
"Eh bakit mo ako iiwan.." nanghihina kong sabi. Hindi ko kaya. "Hindi na kita mahal." sabi niya. Sobrang sakit.. Kung panaginip 'to gusto ko na magising, hindi ko kaya..

"May iba ka na ba?" 'wag mong sasabihing meron please.. "Wala maniwala ka, hindi ko din alam kung bakit.. kung paano." sabi niya at napahilamos sa mukha.

"Huwag mo 'kong iiwan.. mahirap.."

"Mahirap din naman para sa'kin 'to. Pero ayoko namang pilitin yung sarili ko, na mag-panggap." hindi ko alam pero sa oras na 'to gusto ko sabihing okay lang kahit ako na lang ang may nararamdaman para sa kanya.. "Napapagod na ako." sabi niya ulit.

"Napapagod din naman ako pero hindi ako sumuko.. Nahihirapan din ako pero wala ka namang narinig sa'kin na kahit ano.. Mahal kita kaya lahat iniintindi ko." nanginginig na boses ko. Napaluhod ako at umiyak nang umiyak. Nanghihina na ako kakaiyak.

"Sorry.. Hindi ko naisip yung mararamdaman mo," umupo siya para maging kapantay ko. "Pero mas masasaktan kita kung papatagalin ko pa." sabi niya at pilit akong itinatayo.

"Love, sabihin mong nagbibiro ka.." please.. Umiling lang siya at pinunasan yung luha ko. "Hindi na kita mahal, sorry." sabi niya at feeling ko durog na durog ako ngayon. Hindi kayang tanggapin ng tenga ko ang mga sinasabi niya.

"Gusto kong malaman mo na sa loob ng anim na taon, hindi akong nagsisising ikaw ang kasama ko.. Thank you dahil hindi ka nagsawa sa'kin.. At sorry dahil ako ang nagsawa sa atin. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan." sabi nito at pinunasan ang sariling luha.

"Love.."

"I'm sorry.. pero sanayin mo nang wala ako." hinalikan niya ako sa noo at binigyan ako ng pilit na ngiti. Pinanood ko siyang umalis at dahan-dahan akong napaupo sa sahig.

Napapagod din ako.. Pero ikaw yung lakas ko kaya pinipili kong lumaban..

Hindi ko alam kung paano ako nakapag drive pauwi. Wala na akong ibang inisip kung hindi ang saan ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat diba?

Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko. Hindi ko na alam gagawin ko..

Tinawagan ko ang bestfriend ko. "Hoy! Buti naman at naisipan mong— t-teka, umiiyak ka ba??" hindi na ako nagsalita at umiyak na lang ulit. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." pinilit kong magsalita pero sobrang nanginginig ang boses ko.

"Bahay.." binaba niya naman ang tawag at alam kong pupunta na yun kaagad dito.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now