Chapter 7

92 4 0
                                    


Tahimik lang kaming kumakain sa isang food stall. Siomai at gulaman lang ang inorder ko at siya naman siomai rice at bottled water.

"Gusto mo kanin? hati tayo." alok niya sa akin. "Hindi na, kulang pa ata sayo yan," sabi ko naman.

"Oo nga, buti tumanggi ka," tumatawang sabi niya. Takaw!

Maya-maya rinig ko naman ang malakas na ulan. Buti na lang may payong ako. Girl scout ata 'to!

"Awit lakas ng ulan" awit talaga. Hala, wala siyang payong.

"May payong ka ba?" tanong ko kahit wala naman akong nakikitang dala-dala niya. Bukod dun sa binili niyang dalawang chichirya at isang bottled juice.

"Wala, hihintayin ko na lang humina," sabi niya. "Uuwi ka na ba? Mag tricycle ka na lang para madali." dagdag nito at tumango na lang ako.

Binuksan ko kaagad ang payong ko pagkalabas namin at siya naman ay nakapatong ang isang kamay sa ulo.

"Ingat ka." bilin niya at tumango lang ulit ako. Mabilis akong sumakay sa tricycle at nakauwi naman agad.

; palit ka kaagad damit pagkauwi mo, thank you for today hehe

: thank you din hahaha

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nga Field Trip namin. Katabi ko naman yung kaibigan kong babae na todo picture doon at picture dito.

Sa isang resort pala kami sa bulacan pupunta ngayon. May mga activities na gagawin at may free time naman sa swimming.

Bandang 7 AM, nalungkot kami sa sobrang lakas ng ulan. May bagyo ba??

Nagpapatugtog lang sila at nagkakantahan, binabalewala ang ulan. Ang lamig! Kinuha ko naman yung hoodie ko at sinuot yun.

Maya-maya lang ay tumama na ang araw sa side namin. Natuwa naman kami at nawala na ang ulan, malapit na din kami sa resort.

10 AM nasa resort na kami. Inarrange kami by section at nag discuss ng mga paalala samin. Kasama na din ang pagsisimula ng activities. Sa section namin, hinati kami sa apat na grupo. Dalawang hati sa girls at dalawang hati naman sa boys.

So far, so bad. Wala pa din kaming points! Inaasar na nga kaming itlog dahil kami na lang ang walang points.

"Kain na tayo!" masayang sabi ng kaklase ko. Best part!

Pumunta naman kami sa table namin at sabay sabay na kumain. Free time na daw sa swimming yung susunod!

Mabilis kaming natapos kumain. Sarap talaga ng sinigang. The best kahit anong luto hehehe.

"Sabay sabay na tayo magbihis para mabilis," sabi ng kaibigan ko at tumango naman ako. Shet wala akong dalang tsinelas! Mababasa 'tong sapatos ko. "May tsinelas ka?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Shet, wala!" tumawa naman kami at pilit na tiniis ang sakit habang naglalakad ng nakapaa sa puro bato. Torture to ahh.

After namin maglakad sa bato bato, lumusong na kaagad kami sa pool. Basaan doon, basaan dito. Ang lalakas ng mga kaklase ko, lagi akong talo.

"Laro tayo!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko. "Nakapila tayo tapos lulusot sa ilalim." G! Masaya 'to!

Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang free time namin. Bitin!

"Sabay sabay ulit tayo magbihis ha."

Torture na naglakad na naman kami sa mga bato at dumiretso sa bathroom. Hinagilap ko sa bag ko yung hindi ko makitang bra ko. 'Wag mo sabihing nakalimutan ko magdala ng bra?!

Shet, wala nga. Sinuot ko na lang yung t-shirt at pinatungan ng hoodie. Badtrip naman huhuhu. Pagkalabas ko nagulat ako na nandun sa labas yung kaibigan niyang may gusto sakin.

"Gamitin mo na 'tong tsinelas ko, balik mo na lang mamaya" pagkasabi niya nun ay umalis na siya at naglakad na sa mga bato. Sinuot ko na yung tsinelas niya kahit malaki sa akin.

"Taray! May tsinelas ang prinsesa," pang-aasar ng kaibagan ko sakin. Ngumiti lang ako hinampas sila. Binalik ko naman agad yung tsinelas at sumakay na kami sa bus. Haaay! Nakakapagod.

Sa gitna ng byahe namin, gulat akong napatingin sa harap ko. Andun siya! nakatingin sa akin at bumaba ng tingin sa hoodie ko.

Bakat ba?! Charot, walang babakat. Umayos lang ako ng umupo at nag cross arms.

"Kumain ka, oh tinapay." inabutan niya ako ng tinapay at umalis na.

Okay?

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now