Chapter 4

135 8 0
                                    

Nandito ako sa kwarto ng pinsan ko kasama yung bestfriend ko. Gulat silang napatingin sa akin dahil sa pagtili ko.

Kinikilig akooooo!!!

Hinampas ko ang unan sa kama at tumalon talon. Bigla akong naging si lastik man! Tumbling doon, tumbling dito.

Huminahon ako at nag-reply.

; ganyan naman kayo kinakausap niyo lang ako kapag bored kayo

: pwede mo naman sabihin kung ayaw mo

; oo na

Kunwari pa tih?

Nagusap kami habang nasa biyahe siya. Papunta ng probinsiya nila. Iba iba naging topic namin, dati kong school, kung bat ako lumipat. Basta puro tungkol sakin.

Kaya sabi ko siya naman mag kwento para fair. Ano yun, siya alam niya tungkol sakin tapos ako hindi.

: may tanong ako, pwede ba?

; sige, ano yun?

: naiilang ka ba sakin?

; umm, dati lang.

: eh ngayon?

; slight hehee.

Bigla naman siyang hindi na nag reply. Ayun na yon, finish na. Hindi na siya bored.

Kung hinahanap niyo yung kaibigan niya, ayun chinachat pa din ako. Hindi ko na ganun nirereplyan, baka sabihin niya pinapaasa ko siya.

Kinabukasan nagulat ako may message siya. Akala ko hindi na magrereply to.

: uy sorry nakatulog na ko, goodmorningg

Goodmorning niya pa lang feeling ko may gusto na siya saken HAHAHA sorry na feelingera ako eh!

; goodmorning dinn

: kumain ka na?

Gahd.

; opo, ikaw?

: tapos na din

Tuloy tuloy lang ulit usap namin. At habang mas nag uusap kami, mas nahuhulog ako sa kanya.

; kwento ka naman

: tungkol saan?

; kahit saan

: wala ako makwento

; lah madaya ka

Daya neto lalaking to hmp.

: ano na lang rs mo

; single syempre, aral muna

: wow, di ka pa nagkaka bf?

; hindi pa, nbsb 'to 'no

: MU?

; meron, isa

: anong nangyari?

Kainis to. Siya pinagkukwento ko eh. So ayun kinuwento ko sa kanya yung nangyari.

: ganda naman pala.

; mukha mo

: iba talaga

; madaya ka, ikaw ano rs mo

Ito na yun. I'm ready. Masasaktan na ko huhu.

: single din

Really???? :0

: aral din muna

; sus

: oo nga, pero kung meron man pwede naman pagsabayin hehe

; baliw hahahaha

: hahaha joke

E sino yung inaasar sa kanya?

; di ka pa din nagkaka gf?

: hindi, MU lang

; ah, kwento mo naman

Kinuwento niya. Sinabi niyang iniyakan niya yung babaeng yun pero wala. Cold daw talaga sa kanya yung girl. Ilang months din daw sila mag MU at sayang yun.

Sorry ha, pero ang tanga nung babae. Super Ideal na neto para ganunin niya.

; ahh

: hehe ano na ginagawa mo?

Araw araw na kami magkausap. Buong sembreak magkausap kami. Nabanggit niya nga sakin na hindi muna siya makakapasok kasi hindi pa sila uuwi.

So since wala siya, bakante yung katabi kong upuan.

Haay eto nanaman tong mga kaibigan nung nagkakagusto sakin. Inaasar siya.

"Dun ka sa tabi ni *pangalan ko* wala naman si *siya*"

Syempre nahihiya naman ako kasi pagkatapos nung sinabi ko sa kanya.

Tumabi siya pero di kami nag uusap. Like parang normal na tabi lang.

Dumating ang araw na pumasok na siya. Ang awkward kasi nag uusap kami sa chat pero sa personal hindi na. Nahihiya naman akong kausapin siya kasi ewan basta.

Nag uusap lang siguro kami kapag may group activities. Pag uwi naman namin sa bahay, tuloy pa din yung chat namin.

Hindi alam ng kaibigan niya yung tungkol dito. Kapag nalaman nun, baka magalit yun.

May time din na sa text kami nag uusap kasi wala siyang data. Sumasakto naman na may load ako nun kaya narereplyan ko.

Hindi ko na alam, ano ba nangyayari?

: Gusto mo na ba ako?

Chat ulit ng kaibigan niya. Ako yung nasasaktan para sa kanya. Paulit ulit siya ng tanong e ayoko na masaktan siya sa isasagot ko.

: *pangalan niya* tama na. Ayoko na masaktan ka :(

Inaamin ko na, mas nagugustuhan ko na yung sinasabi kong lalayuan ko. Hindi ko na mapipigilan. Paano ko sasabihin sa kaibigan niya na iba yung gusto ko?

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now