Chapter 5

114 6 0
                                    


Intrams naa!! Isa sa pinaka masayang activity sa school. Madaming games, contests at syempre free time.

Kasali ako sa Dance contest ng school namin. Kasali din sana siya kaso nag back out. Di daw kasi pwedeng mag practice.

Yung usap namin through chat tuloy tuloy pa din. Pero walang bago sa personal, awkward pa din kami.

Kami din yung candidate sa Muse and Escort ng section namin. Yes contest din yun. May speech and model.

Sabi ko iiwasan ko na siya pero, anyare?

ToT

Habang nagpapractice kami ng lakad namin para sa Intrams, kinausap niya ko.

"Bakit mo ko tinulugan kagabi ha?"

"Antok na ko eh," sagot ko naman.

"Hinihintay ko pa naman reply mo" malungkot na sabi niya.

Bakit ka ba ganyaaaaaan?

After ng practice namin para sa Ms. and Mr. Intrams ay diretso agad ako sa practice ng dance contest. Ka-stress!!

Pagkauwi ko naka receive ako ng text galing sa kanya. Oo girl, text!

: Text mo ko kapag nakauwi ka na.

Fudgeee, wala na. Hulog na ko ulit. Nudaw, ulit? Di naman nawala bwiset.

Bukas na yung contest, Isang goodluck naman diyan oh.

: bukas ba dance contest?

Magkachat kami ngayon.

; oo, nakakakaba

: sus, kaya mo yan

; mukhang magkakamali nga ko eh

: hindi yan, goodluck!

Shet.

Araw ng contest, sobrang kabado ako. Baka magkamali ako ng steps.

Lord, bigyan mo ko confidence!

Eto na sunod na kami, wish me luckkkkk.

*Dance contest*

*Palakpakan*

Tapos na? Omygaaahd wala akong mali. Sa sobrang dami ng tao hindi ko napansin kung nanood siya.

Nanalo kami. Ang sarap sa feeling na yung pinagpaguran mo may napuntahan!

Pagkauwi ko, may chat agad niya.

: congrats! sabi sayo kaya mo yan eh.

; wahh thankyouuu

: galing naman pala sumayaw

; haha hindi nga eh

: sus pa humble pa

; okay lang ba yung sayaw namin?

: oo ang ganda

; talagaaa?

: yep, medyo tumataas lang yung damit mo

; ay sorry si ano kasi yung nagtali eh

: pero magaling, maganda

; ako ba? charot.

: oo ikaw nga

; charot charot ka ha

Kunwari hindi kinikilig.

: hahahaha kumain ka na ba

Panget mo tumawa hindi caps-lock! Sabagay, ako din naman.

Pero help. Hindi na ko makaangat. Hulog na hulog na ko.

May pwede bang gawin para mapigilan yung nararamdaman? :(

: Congrats! Galing mo sumayaw.

Chat ng kaibigan niya.

; hindi naman marunong lang,
thankyouu

: Goodluck din sa Ms. and Mr. Intrams

; thankyou uliit

Pagkapasok ko agad sa school tinawag ako ng teacher namin. Photoshoot daw para sa Ms. and Mr. Intrams.

Kaya inayusan ako ng teacher namin at pinagbihis kami ng jersey.

Napapansin kong natutulog lang magdamag yung kaibigan niya. Ahh, sorryyy :((

Anyway, why am I sorry??

"*pangalan ko* tumingin ka kay *siya*," sabi ng teacher ko.

Hindi ko kayaaaa!

Lumapit naman siya sakin at bumulong.

"Tumingin ka lang sa mata ko."

Shet.

After ng photoshoot..

"Nakakakilig kayo, bagay!" sabi ng president namin.

"May spark no?" singit naman ng teacher namin.

'Tong si miss talaga.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now