Chapter 16

66 4 0
                                    


After 7 months..

"Tayo na," nauutal na sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya at lumapit sa akin.

"Pakiulit nga? Madumi ata tenga ko" sabi niya at kinalikot pa yung tenga niya. "Sabi ko, tayo na." pag-uulit ko at ngumiti naman siya.

"Wala ng bawian yan, ah!" tumango naman ako. Shet, may boyfriend na 'ko!

Pagkatapos ko siya sagutin ay dumiretso kami ng simbahan. Sumaktong linggo kasi ang alis na,in ngayon.

Lord, thank you po sa taong 'to. Sana po hindi na siya mawala sa akin. Ibang saya ang nabibigay niya araw-araw at laking pasasalamat ko dahil nakilala ko siya.

Pagkatapos namin magsimba kumain kami sa Pepper Lunch. Hindi mawawala ang kwentuham tuwing kakain kami. Hindi din nagtagal natapos na kaming kumain.

"Hatid na kita, baka magalit na sa'kin si tito hahaha," ang cute ng jowa ko.

Jowa ko na yung crush ko, totoo ba??

Naihatid niya naman ako at nakauwi din siya agad. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang saya saya ko ngayon!

: goodnight love hehehe

Nakangiti akong nag-reply.

; goodnight din love!

: thank you, ang swerte ko sayo

; swerte din naman ako sayo ano ka ba

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ng jowa ko. Ang sarap sabihing jowa ko! Kaklase ko pa din siya ngayong school year. Swerte ko 'no?

"Punta ako sa inyo mamaya," sabi niya at tumango lang ako. Kahit nung panahong nanliligaw pa siya, napunta na siya sa bahay. Kilala na siya nila Daddy at pumayag naman ito.

"Netflix?"

"Oo, patambay lang."

"Tapos makiki-wifi?"

"Oo love."

"Tapos sa ML yung oras?"

Tumawa naman siya. "Hindi po, sa'yo lang oras ko po mamaya po" nanlalambing ma sabi niya at natuwa naman ako. Hindi naman talaga ako against sa paglalaro niya, want ko lang ng lambing.

^____^

Pagkatapos ng klase pumunta kami ng 7/11 para bumili ng snacks. "Clover, love?" tanong niya. "Opo, Cheese Ring din hehe," kinuha niya naman yun at binayaran na sa cashier.

"Good afternoon po," bati ng jowa ko kay Daddy. "Good afternoon, kumain na ba kayo?" Humalik naman ako sa pisngi ni Daddy.

"Bumili lang po ng snacks sa 7/11." sagot niya ulit. Umakyat naman si Daddy kaya nakapag-netflix kami sa sala. "What to watch?" tanong ko.

"Horror na lang," umiling naman ako. "Sige na, nandito naman ako." pumili siya ng isang horror movie at pinindot yun. Binuksan ko naman yung mga chichirya at nilagay sa gitna namin.

"Harang naman" reklamo niya. Nilipat niya yung chichirya sa lamesang nasa tapat namin at pinausog ako sa tabi niya. "Mamamatay naman yang babae sa dulo," nakasimangot akong tumingin sa kanya. Spoiler!

"Ba't yan pa pinili mo eh napanood mo na pala!" tumawa naman siya at ginulo yung buhok ko. "Joke lang, di ka kasi nanonood kakatakip mo ng unan sa mukha mo," sabi niya kaya naman inalis niya yung unan at nilagay sa tabi niya.

Tuwing intense na yung movie nagtatago ako sa balikat niya. Ayoko talaga ng horror! Ginulat niya ako at napasigaw ako ng malakas. "Ano ba!" hinampas ko siya ng unan at tawa lang siya ng tawa.

"Saya ka dyan?" mataray na tanong ko at lumayo sa kanya. "Joke lang love, hindi na." hindi ko pa din siya pinapansin. Pabebe lang!

"Love, dito ka na sa tabi ko dali" hinihila niya ako palapit sa kanya pero nagpapabigat ako. "Sorry na, hindi na po" dagdag niya ulit at tinitigan lang siya. Gwapo kainis grr.

"Dito ka na love, hug na kita baby ko" nanlalambing niya sabi at bumigay naman kaagad ako. Marupok! Niyakap niya naman ako ng mahigpit at nagpatuloy sa pagnood ng movie.

Pagkatapos ng movie nagpaalam naman siyang uuwi na. "Malungkot na 'ko" nakahikbing sabi ko. "Video call na lang tayo love pagkauwi ko, wag na sad" sabi niya na pilit iningingiti yung labi ko.

Bumuntong hininga naman ako. "Okay love, call mo ko pagkauwi mo ha? Ingat ka," sabi ko at tumango naman siya. Pagkalabas niya ng pinto inayos ko na yung sala. Pero maya-maya lang kumatok ulit siya sa pinto.

"Bakit?" tanong ko. "May nakalimutan ako" sabi niya kaya napatingin naman ako sa sala at tinignan kung meron nga.

"Kiss ko?" sabi niya at nilapit ang pisngi. Napangiti naman ako at hinalikan siya sa pisngi. "Ayan okay na," umayos ulit siya ng tayo. "I love you." dagdag niya.

"I love you too." nakangiting sabi ko at nagpaalam na ulit siya.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now