Chapter 25

156 6 3
                                    


October..

Ngayon ang flight ko papuntang France. Hinatid ako nila Mommy kasama ang bestfriend ko.

"Sayang naman 'di ako makakasama." malungkot na sabi ng bestfriend ko. "Kaya nga eh, hayaan mo babalik na lang tayo do'n" sabi ko at tumawa naman siya. "Lapit ah!"

"Sige na anak at baka ma-late ka." paalala ni Daddy. Tumango ako at kinuha yung maliit kong maleta. Tatlong araw lang naman yun, treat ko lang sa sarili ko.

"Mag-iingat ka dun ha." sabi ni Mommy. "Pasalubong, ate!" tumango naman ako sa kapatid ko at tatalikod na sana. "Ako din, pasalubungan mo ng jowa." hinampas ko naman yung bestfriend ko at masayang nagpaalam sa kanila.

Matagal ang byahe papuntang France. 13 hours and 52 minutes, I know sobrang tagal. Habang naghihintay ng boarding, nag-picture ako at nilagay sa IG story ko na may caption na..

See you, Paris France!

Madaming nag-reply dun at sinabihan ako ng ingat. Hindi din nagtagal ay tinawag na ang magfa-flight papuntang France.

Nakatulog ako sa eroplano. Pagkagising ko sobrang sakit ng leeg ko. Napatingin naman ako sa bintana. Wow! Ang ganda ng mga ulap..

4 hours and 45 minutes na lang at nasa dream country ko na ako! Sobrang naeexcite ako.

Nanood na lang ako ng movies hanggang sa marinig ko na ang Announcement. Nasa France na 'ko! Sobra akong natutuwa dahil hindi ko inaasahang mapupuntahan ko 'to.

Pagkalabas ko ng Airport sumalubong kaagad sa akin ang malinis na tanawin ng France. Mabuti na lang at Fall Season ngayon dito. Hindi ako mahihirapang gumala at mag-ikot.

"Bienvenue à Paris!" sabi ng taxi driver pagkasakay ko. Hindi ko iyon naintindihan pero mukhang welcome ang ibig sabihin noon. Tumango lang ako at ngumiti. Sinabi ko sa kanya yung hotel at inihatid niya naman ako dun. "Merci." inabot ko sa driver yung bayad at bumaba na.

Sinearch ko yun habang papunta ng hotel!

Ang ganda ng hotel grabe. Pagkadating ko sa room ko ay pumunta kaagad ako sa Veranda. "Shet! Nasa France na 'ko!" masayang sabi ko. Sobrang ganda ng view.

Nagpahinga lang ako at di ko alam na nakatulog na pala. Nagising ako ng 3 pm at dali-daling naligo at nag-ayos.

Sayang yung time kung tutulog lang ako 'no!

Bukas pa ang birthday ko at balak kong saktong 12 AM ko iyon ice-celebrate malapit sa Eiffel Tower.

Gusto ko yung kitang kita yung Eiffel Tower habang nakain ako ng cake.

Naggala lang ako sa mga malapit lang sa hotel. Kahit saan ata pumunta ang ganda ng view! Para akong tangang selfie dito, selfie doon. Wala namang pakielam mga tao dito.

Nang magutom ako, naisipan kong kumain sa Chez La Vieille. Pagkapasok ko doon ay agad akong binati ng mga waiter.

Umupo ako at inabot sa akin ng isang waiter ang menu nila. Umorder lang ako ng isang La Blanquette de la Vieille at isang Crèpe Nutella.

'Wag niyo na tanungin kung magkano dahil masakit sa bulsa huhu. Minsan lang naman 'to!

Pagkaserve ng pagkain, amoy na amoy ko ang mabangong inorder ko. Grabe! Amoy pa lang ang sarap na. "Bon appètit!" sabi ng waiter sa akin. "Merci." sagot ko.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now