Chapter 12

69 3 0
                                    


New Year..

: happy new year!

; happy new year din!!
; may sasabihin ako sayo

: ano yun?

; 👻 ✌🏻 🔑 ta

: ano yan?

; hindi mo ba gets??

: hindi eh, sabihin mo nga

; gusto mo lang sabihin ko eh

: syempre

; gusto kita

: baka jinojoke mo lang ako ha

; hindi, gusto nga din kita

Napag-isipan ko na ngayon umamin. Sabi ko babawi ako sa New Year diba! Ito na yon!

So, M.U. na kami?

Napatalon ako sa sala namin at di mapigilan ang kilig. "Huy, di ka pa din tatangkad nyan," umepal na naman ako bestfriend ko. Tinarayan ko lang siya at naupo ulit.

Ang bestfriend kong 'yun ay para ko na ding kapatid. Katabi lang namin yung bahay nila pero magkaiba kami ng school.

: malapit na ulit pasukan

; oo nga hehe

: makikita na ulit kita

; hindi ka kinakabahan?

: saan naman?

; eh kasi yung kaibigan mo diba

: alam mo ikaw crush ang kulit mo
: ako na bahala dun 'wag ka mag-isip

; concern lang naman ako ehh

: thank you, pero ako na bahala dun crush

At 'yun na nga, lumipas ang ilang mga araw pasukan na ulit. Back to normal huhu. Kung dati ay hirap na hirap ako gumising, ngayon isang tunog lang ng alarm bangon agad!

Ako ata yung kakabahan.

"Aga natin ah?" bungad ng kaklase ko pagkapasok ko sa room. Wala pa yung crush ko hehehe. "Bagong buhay," sagot ko naman at nagtawanan kami.

"Good morning" bati ng crush ko sa'kin. Puso ko! Ngumiti lang ako at tumango. Ano bang gagawin ko,  bat bigla akong napipe?? Umupo siya sa tabi ko dahil seatmate ko siya.

Naiilang ako..

Buong morning class ata namin ay tahimik lang ako. Hindi ko kayang gumalaw ng gumalaw leche. "Sabay tayo lunch?" tanong niya nang tumunog ang bell. Shet niyayaya ako ng crush ko!!!

"Hoy, tara na!" sigaw ng kaibigan ko sa akin. Badtrip! "Next time," sabi ko at tumango naman siya. Pagkalayo ko naman ay tsaka ako nakahinga ng maluwag.

"Anyare sa'yo?" tanong ng kaibigan ko. "Wala, gutom lang" pagpapalusot ko at pumila na sa cafeteria. Ano ba 'yan ito pa rin mga ulam dito?? Kainis naman.

Nag bagong taon na't lahat lahat wala pa ding bago. Laging puro prito!

Umalis ako sa pila at nagpaalam sa mga kaibigan ko na punta lang ako sa canteen. "Ate, isang champorado nga po" no choice na sabi ko.

"Mag kanin ka." Crush kooo!! "Kanin naman 'yan hehe, malagkit nga lang" sagot ko at kinuha na yung champorado. Bumalik na ko sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Gutom daw pero champorado for lunch!" pang-aasar ng kaibigan ko. "Hindi ko type yung ulam" sabi ko na lang. "Anong type mo, 'yun?" ngumuso siya sa likod ko at nakita ko yung crush ko kasama yung mga kaibigan niya.

"Baliw," tumatawang sabi ko at inasar naman nila ako.

"Alam niyo ba bago mag pasko nadisgrasya kami sa motor!" pagkukwento ng isang kaibigan ko. "Apat kaming nakasakay tapos nung liliko na eh tumumba kami!" hindi namin mapigilan ang tawa. "Walang'ya talaga tatay ko oo, pagkatapos matumba ang unang hinanap yung mais na binili namin," umiiling na kwento nito at mas natawa naman kami.

Pagkatapos ng Lunch Break ay bumalik na kami sa room. Buti na lang wala pa yung crush ko. Eksaktong pagkaupo ko nahuli kong nakatingin yung may gusto sakin na napaiwas naman agad. Mukhang hindi ata siya bumaba para mag-lunch. Tumayos siya at lalabas nang makasalubong niya yung crush ko sa pinto.

Owshet..

Hindi sila nagpansinan at dumiretso yung crush ko sa tabi ko. Umayos naman ako ng upo at nagkunwaring may tinitignan sa kuko ko.

"Ang cute mo," tumatawang sabi niya at gulat akong lumingon sa kanya. Eksaktong dumating naman ang teacher namin kaya natahimik kaming lahat.

Habang nagtuturo sa harap ang teacher namin, chinika naman ako nitong katabi ko.

"Alam mo ba kinwento nila sa'kin kanina na umiyak daw yang kaibigan ko dahil sa'yo." bulong niya at tumawa. "Ganda mo kasi," pagpapatuloy niya.

Ano ba 'to? huhuhu.

"Alam mo ba nakikinig ako sa teacher natin pero di ko na maintindihan dahil sayo." bulong ko din sa kanya. "Daldal mo kasi," dagdag ko at tumatawang nag peace sign naman siya.

"Sungit." nakangiting sabi niya at nakinig na lang din sa harap.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now