Chapter 13

71 5 0
                                    


February..

Mabilis na lumipas ang mga araw at Pebrero na. Hindi na 'ko naiilang sa crush ko ngayon. Madalas na din kaming magsabay every Lunch at minsan pa nga hinahatud niya ko sa bahay.

"Nanliligaw ka na ba nito?" nagbibiro kong tanong at tumawa. "Joke lang, thank you sa paghatid." nakangiting sabi ko. Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya kamay ko.

"Oo, nililigawan na kita. Hindi pwedeng umangal ha," sabi niya at umalis na.

Wotofooookk?

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Oh my gosh! Nananaginip ba 'ko!?

: baka di ka makatulog mamaya nyan

; seryoso ka ba dun?

: opo crush

Para na naman akong bulateng inasinan sa sobrang harot. Pagulong gulong ako sa kama at nagpapapadyak. Ngayon lang ako kinilig ng gan'to!

Valentine's Day..

May ganap sa school namin ngayon. May pa-color coding pa ng damit!

Red - Inlove
Yellow - Happy Lang
Green - It's Complicated
Black - Heartbroken
White - Single
Uniform - Study First

Napag-isipan kong magsuot ng white t-shirt na may red lines sa manggas. May maliit na kulay pula ding nakasulat na Oops sa harap ng damit ko. Tinernohan ko lang ng ripped jeans at tinuck-in ang t-shirt ko tsaka nilagyan ng black belt. White shoes ang sinuot ko.

Non-acads din kami ngayon since mayroong mga booths. 'Gaya ng photo booth, jail booth, wedding booth at madami pang iba. Meron nga ding horror booth hahaha!

Wala akong balak na pumunta sa mga 'yan, kasama kasi ako sa nag-organize ng jail booth. Sa jail booth ay may 5 minutes kayong ilalock sa maliit na room. Kayo lang dalawa at kung gusto mong more time with crush, bayad ka!

"Ipa-jail booth niyo ko sa crush ko! Kunwari di ko alam," sabi ng kaibigan ko. "Ikaw magbabayad?" tanong ko. "Yes ma'am!" sabi nito at nagbigay na kaagad ng pera. Tatawa-tawang nilista ko ang pangalan niya at ng crush niya.

Maya-maya lang ay nahanap na sila ng naka-assign doon at parehas ni-lock sa isang room. Tuwang tuwa ang gaga!

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas ng malungkot yung kaibigan ko. "Oh, baket?" tanong ko.

"Ekis ako, pare" malungkot na sabi niya. "Arat, moni!" natatawa akong bumalik sa ginagawa ko. Grabe daming nag-jajail booth ah!

"Ako naman dyan," sa wakas nag offer din yung isa kong kaklase. Dali-dali akong tumayo at pumunta ng cafeteria.

Nag early lunch akong mag-isa at di din nagtagal umakyat na ulit ako sa room. Dami pa ding students na nagjajail booth!

Sana all may pera!

"You are under arrest!" sabi ng kaibigan ko at tinulak sa loob ng jail booth. "Hoy ano 'to!" takot pa naman ako sa dilim huhuhu.

"Pasok ka dun sa dulong room! Dali!" sinunod ko na lang siya at pumasok doon.

Yung crush ko! I mean.. Yung manliligaw ko! Shet na malagket!

"Hi," bati niya sa akin. "Hello hehe" nahihiyang sabi ko.

"Wala din ako alam dito ahh, mga kaibigan mo may pakana nito," tumatawang sabi niya. Babait talaga ng mga kaibigan ko! Charot!

"Mga baliw yun eh hahaha" sabi ko. "5 minutes lang naman 'to" dagdag na sabi ko. Pero pwedeng iextend!

Harot!

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango naman ako agad, "Early lunch, ikaw ba?"

"Hindi pa eh" hala! sana pala sinabay ko na siya kanina. "Gusto mo samahan kita?" wala sa sariling naitanong ko.

"Hindi na, sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko. Madami ka pa atang gagawin eh," sabi niya at tumango na lang ako. Awkward pala 'to!

"May lakad ka ba bukas?" tanong niya. "Wala naman, bakit?"

"Yayayain sana kita lumabas eh" nagpapa-cute na sabi niya. Cute ka na!

"Talaga, saan?" nakangiting tanong ko.

"Glorietta, nood tayo sine tapos kain" sana payagan ako ni Daddy.

"Sige magpapaalam ako," sabi ko naman sa kanya. "Chat mo 'ko, okay lang kung hindi ka payagan next time na lang" sabi niya at tumingin sa orasan.

Tapos na? :(

"Time's up mga mamser!" sigaw ng kaibigan ko.

"Una na ko ha" sabi ng crush ko. "Sige, kain ka na eatwell" nakangiting sabi ko. Nakita ko naman siyang umalis na kaya tumingin ako sa kaibigan ko.

"Ayshesh! Ang ganda ng ngiti ah," sabi niya sa akin at mas ngumiti naman ako. "Thank you, pero sana hinabaan mo pa oras" tumatawang sabi ko.

"Kapal! Libre ko na nga 'yon!" tumawa lang kami at bumalik sa mga gawain.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now