Chapter 11

85 5 0
                                    


Christmas..

: merry christmas crush!
: *sents a photo*

Shuuxx!!

Screenshot yun ng long message niya sa akin galing sa notes. Unexpected 'to!

Hi crush!! Merry Christmas hehehe. Sana naman kahit sa message kong ito mapangiti kita :) wala akong regalo sayo sorry wala ako dyan ehh, babawi na lang ako! Gusto ko lang malaman mo na araw-araw mo akong napapasaya kaya sana ganun ka din sakin. Sorry kung minsan pinagtitripan kita, saya mo kasi pagtripan eh :P Alam mo ba, miss na kita sobra :( Thank you dahil nakilala kita.. Handa akong maghintay sayo pero sana hindi masayang yung paghihintay ko ha! 'Wag mo na isipin yung kaibigan ko, ayokong nag-iisip ka ng problema. Ayun lang maraming salamat ulit!! Enjoy mo yung Christmas, Advance Happy New Year na din. I love you hehe <3

Naluluha kong binasa yung message niya.

; huy di ko ineexpect huhu thank you din sa lahat
; merry christmas!!!

Wala akong masabi. Babawi ako sa New Year. Napatingin ako sa chat ng kaibigan niya.

: Merry Christmas!

; merry christmas din!

: Balita ko nag mml ka na ahh, sinong nakapilit sayo

; hahaha wala natripan ko lang

: Yung kaibigan ko ba?
: Buti pa siya napilit ka

; baliw hindi
; nakikiuso lang hahaha

Hindi na nagtagal ang usapan namin. Binati ko na din lahat ng friends ko through messenger. Ang iba pa ay nakipag video call sa akin. Nagbukasan na din kami ng mga regalo. Anyway, bago mag Christmas nakabalik na si Mommy sa Singapore. Nakakalungkot lang na hindi siya umabot ng Christmas.

Kinaumagahan, masaya namin ipinaghanda ang Christmas. Ang daming pagkain!

: tataba ka niyan ang takaw mo

Sinend ko sa crush ko yung laman ng plato ko. May Spaghetti doon, Lechon, Lumpiang Shanghai, Rice at Mechado. Happy tummy!

; mas matakaw ka pa din

Masaya namin cinelebrate ang Christmas. Madaming regalong natanggap na mas nagpasaya ng pasko ko. Pero mas masaya kung nandito si Mommy.

: sinabi ko na sa kaibigan ko

; alin?

: na gusto kita

Shet ano kayang nangyari?

; anong sabi?

: syempre nagalit hahaha
: sino ba namang di magagalit dun
: nagkagusto ako sa gusto ng tropa ko

; eh yung iba mo pang kaibigan?

: merong kumampi sa kanya meron ding sakin
: hahaha pero mas madaming nagalit sakin

; sorry :(

: ano ka ba kasalanan ko din, pinatagal ko eh
: wala ka naman kasalanan

Napatingin ako sa twitter ko. Nag tweet yung kaibigan niya.

2 minutes ago..
Tangina hahaha

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiipit ako. Wala naman akong ginawa diba? Hindi ko naman kasalanang hindi siya yung gusto ko.

: huwag kang mag-isip dyan
: maaayos din 'to

; sana magkaayos pa kayo :(

: sana hahaha pero parang malabo

Nalulungkot ako. Hindi naman dapat pero sinisisi ko yung sarili ko. Parang feeling ko nakasira pa 'ko ng pagkakaibigan.

: kung papapiliin ako kung kaibigan ko o ikaw
: ikaw pipiliin ko

; bakit naman?

: hindi nauutusan ang nararamdaman
: kaya hindi ko kasalanan na ikaw gusto ko
: hindi mo din naman kasalan na hindi mo siya gusto

; oo nga, pero nalulungkot ako na nag-away kayo

: hindi naman kami nag-away
: nagalit siya sa akin pero di ako nagalit sa kanya
: nainis oo, murahin ba naman ako ng murahin

; hindi ko alam sasabihin ko

: pero yun nga, ikaw pipiliin ko
: kasi kung kaibigan niya talaga ako tanggap niya yun

; syempre nasasaktan pa siya ngayon

: alam ko naman yun
: pero sana wag niya pangunahan ng galit

Naging matagal ang pag-uusap namin tungkol doon. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang daming nagalit sa kanya. Wala naman siyang Kasalanan bukod sa hindi niya sinabi ng maaga.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now