Chapter 19

65 3 0
                                    


June..

Ngayong school year, magkaiba na kami ng school. Nagkikita na lang kami kapag may free time at umaalis din minsan kapag Sabado o Linggo.

Nakakapanibagong hindi ko siya nakikita sa School. Pero kahit ganun, may tiwala naman kami sa isa't isa.

"Ito love, sagutan mo" tinuturuan niya ako ngayon sa math. Ayoko talaga ng math ever since. "Ang hirap naman nyan!" sabi ko.

"Kaya mo yan. Sige na, pag tama ka dito lahat lilibre kita" pang-uuto niya at ako naman 'tong si uto-uto ay sinagutan nga yun.

"Ayan, very good love!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Lilibre mo ko ah?" at nag thumbs up naman siya.

July..

"Antok na antok na 'ko love." nakapikit niyang sabi. Kausap ko siya ngayon sa video call dahil wala kaming free time para magkita. "Tulog ka na, bukas mo na lang gawin yan" sabi ko.

"Pero kailangan ko na 'to isubmit bukas, ang hina hina ko pa naman sa english" nakapikit pa ding sabi niya. Kawawa naman love ko..

"Tungkol saan ba yan?" tanong ko at sinabi niya naman yun. Pero maya-maya lang ay hindi na siya sumasagot. Tulog na!

Hinayaan ko lang naka-on call kami habang ginagawa ko yung report niya. Hindi naman 'to masyadong mahirap kaya okay lang.

2 AM nang matapos ako. Tulog na tulog naman ang boyfriend ko at nahilik pa. Natawa naman ako at lumapit sa camera. "Goodnight love." sabi ko at pinatay ang tawag. Sinend ko naman na sa kanya yung ginawa kong report.

Kinabukasan..

: love thank you ng sobra :(

; you're welcomee

: hindi mo na dapat ginawa pero thank you :(

; edi wala kang napasa? okay lang yun ano ka ba

: napasa ko na love, thank you ulit
: i love youu, punta ako mamaya

Nabuhayan naman ako at binilisan ang mga ginagawa. Para mamaya pagkapunta niya may oras ako sa kanya hehehe.

"Hi love, i missed you!" sabi ko at sinalubong kaagad siya ng yakap. "I missed you too. Pagkain oh, kain tayo." sabi niya at nilapag ang mga pagkain.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa bagong naming school. Nabanggit din niya na hindi siya sanay na 'di ako nakikita doon. Dalawang oras lang siya nag-stay sa bahay namin at umuwi din kaagad dahil madami pa siyang gagawin.

September..

Nalungkot ako nang paggising ko goodmorning lang ang chat niya sa akin.

; wala ka bang naaalala love?

: huh? di mo pa naman birthday ahh

Tumulo kaagad yung luha ko. Anniversary natin ngayon..

; hindi magandang biro :(

: ano ba yun love, madami pa 'ko gagawin

; sige gawin mo muna

: call kita mamaya

Sineen ko na lang yun at nagmukmok sa kwarto. Nakakatampo siya, hindi niya naalala yung anniversary namin! Umiyak lang ako ng umiyak at di ko namalayang nakatulog na 'ko.

"Ate!" nagising ako sa sigaw ng kapatid ko. "Ano ba yun! Natutulog ako diba?!" nakasigaw ding sagot ko. Badtrip!

Tok! Tok! Tok!

"Natutulog ako! Mamaya mo na 'ko guluhin!" sigaw ko pa ding sabi sa kapatid ko.

"Bawal kang istorbohin?" napabangon naman ako at napatingin sa pumasok sa kwarto ko. May dala siyang tatlong heart na balloons, cake, at mga paper bags. "Bakit ka nandito?" hindi ko na kaagad napigilan ang luha ko.

"Surprise! Pwede ko bang makalimutan 'tong araw na 'to?" sabi niya at binitawan ang mga dala. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Happy Anniversary, love." sabi niya at mas umiyak naman ako.

"Nakakainis ka naman eh!" humihikbing sabi ko sa kanya at hinampas siya. Tumawa lang siya at mas niyakap ako. "Hindi mo ba nagustuhan?" malungkot na tanong niya.

"Nagustuhan," nahihirapan na 'kong magsalita dahil sa iyak ko. "Happy Anniversary." bati ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ahh, iyakin!" asar ng kapatid ko at binato ko naman siya ng unan.

After 3 years..

Ang saya ko ngayong araw. Sabi kasi ni Daddy ay uuwi na si Mommy for good. Kumpleto na ulit kami dito sa bahay.

: kain tayo love

; libre mo ba?

: oo naman, sunduin kita

Nagpaalam naman agad ako kay Daddy at pumayag naman siya agad. Basta daw ay umuwi ako bago mag 4 PM dahil susunduin namin si Mommy sa Airport.

"Ang sarap talaga kumain pag libre!" sabi ko at tumawa naman siya. Napansin ko namang tahimik siya kaya lumapit ako sa kanya at sinabit yung kamay ko sa braso niya.

"Bakit tahimik yung baby ko?" nanlalambing na tanong ko. Parang may gumugulo sa isipan niya at di niya masabi sa akin. Niyaya niya naman akong umupo sa bench at humarap siya sa akin.

"Lilipat na kami sa Laguna love," sabi niya. "Doon na kami titira." pagpatuloy niya.

"Pero 'wag ka mag-alala love, pupunta pa din ako dito para makita ka. Pwede ding ipaalam kita kay Tito minsan tapos dun ka matulog sa amin." nakangiting dagdag niya at inakbayan ako.

"Opo love, sige!" nakangiting sabi ko, tinatago ang lungkot. "Meron namang video call 'no!" sabi ko ulit. "Basta promise mo na ako lang ha!"

"Oo naman love."

"Teka, kelan ba kayo aalis?" tanong ko sa kanya at nawala naman yung ngiti sa mukha niya. "Mamayang 5 PM" sagot niya.

Ang bilis naman!

"Edi last kain na natin 'to together?" malungkot na sabi ko. "Syempre hindi, kapag may free time pupunta ako dito o kaya ikaw yung pupunta do'n." sabi niya.

Tumango tango naman ako, pinipigilan ang luha. Kelan pa yun? :(

Malapit na mag 4 PM kaya nagpaalam na 'ko sa kanya. "Ingat kayo mamaya love, text mo ko kapag nandun na kayo ha?" sabi ko at naiyak na. O.A. ko talaga kahit kelan! Laguna lang naman yun hindi naman ibang bansa. Pinunasan naman niya yung luha ko at niyakap ako.

"Kapag namimiss mo 'ko, tumingin ka lang sa langit. Parehas lang tayo ng tinitignan at isipin mong katabi mo lang ako." sabi niya at ngumiti naman ako.

"I love you." sabi ko.

"I love you too." sagot niya at hinalikan ako sa labi.

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now