Chapter 17

70 3 0
                                    


October..

"Happy Birthday!" niyakap ko naman siya kaagad. "Thank you, love." sabi ko at niyaya siya sa loob ng bahay namin. Inabot niya naman sa akin ang isang bucket ng Choco Butternut at isang paper bag.

Sinama ko siya sa birthday celebration ko with my family. Kilala na siya bilang boyfriend ko. Sobrang tuwa ko naman dahil pinayagan nila ako basta't hindi daw namin pababayaan yung pag-aaral namin.

Nilagay ko muna sa ref yung donut at nilagay sa kwarto yung isa niya pang gift. Mamaya ko na bubuksan pagkauwi namin.

Pagkadating namin sa Eat All You Can na restaurant, naghanap lang ng pwesto at nagsimula nang kumuha ng pagkain. "Sinigang na hipon love oh, kuha kita?" sabi niya at tumango lang ako. Alam na alam yung favorite ko.

Kumuha ako ng iba pang pagkain at dinala sa lamesa namin. "Grabe dami nyan ah, pwede ka pa naman bumalik." nang-aasar na tono niyang puna sa plato ko.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan na rin. Pagkatapos mabusog ng sobra, lumabas kami sa veranda ng restaurant at nagpahangin. "Saya ko love," sabi ko sa kanya nang maupo kami.

"Edi good, ayokong malungkot ka eh" sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Love anong dream country mo?" tanong ko at nag-isip naman siya. "Japan, ikaw?" pagbabalik ng tanong niya sa akin.

"France. Gusto ko makapunta sa Eiffel Tower" sabi ko at tumango siya. "Sige, pupuntahan nating dalawa yan. Syempre, work work work muna!" sabi niya at tumawa naman ako.

Sana laging gan'to.

November..

Nagsuot ako ng black high waisted pants at white fitted long sleeves. Nag white shoes lang ako at shoulder bag na black and gold.

Bitthday ng mahal ko!

Sinama niya 'ko sa family celebration ng birthday niya. Kinakabahan pa nga ko dahil first time ko mamimeet ng personal yung mama niya. Lagi kasing video call.

"Ba't tahimik ka?" tanong niya sa akin. "Kinakabahan ako love." tumawa siya at inakbayan ako. "Baliw, hindi nangangagat mama ko" sabi niya at pumasok na kami sa bahay nila. Agad ko naman nakita yung mama niya na nag-aayos ng mga pagkain.

"Good morning po," bati ko sa mama niya. "Good morning ija, upo ka" tama nga siya, mabait yung mama niya.

^ 0 ^

Dumami ang bisita pagdating ng tanghali. Buti na lang nakakain na kami agad.

"Tara dun muna tayo sa kwarto ko." sabi niya at nagpaalam sa mama niya na tumango naman. Inilibot ko naman yung tingin ko sa kwarto niya. Ang linis, daig pa 'ko.

Inabot ko naman sa kanya yung paper bag na kanina ko pa hawak. "Ayun, binigay din" tumatawang sinabi niya at agad na binuksan.

T-shirt yun na color white and green. Nahirapan pa 'kong bilhin yan dahil di ko alam yung type niya. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko at tumango siya.

"Kahit na anong bigay mo gusto ko lagi." sabi niya at niyakap ako. "Happy Birthday" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. "Thank you love."

December..

"Love, saan tayo kakain?" tanong niya sa akin. Nandito kami sa Mall of Asia ngayon, cinecelebrate yung monthsary namin.

"Gusto ko pizza," sabi ko at pumasok kami sa Pizza parlor. Ang bango! Umorder naman siya at mabilis ding nakabalik agad.

"Saan kayo Christmas love?" tanong ko sa gitna ng pag-kain namin.

"Baka sa bahay lang. Kayo?"

"Sa bahay lang din." kumuha siya ng fries at sinubo sa akin. "Hindi uuwi si tita?" si Mommy yung tinutukoy niya.

"Hindi ata," sagot ko. Ilang Christmas na ang nacelebrate namin ng wala si Mommy. Mahirap din kasi makakuha ng vacation ticket since madaming nag leave ngayon.

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa sea side. Sunset na!

"Love picture-an kita, ang ganda ng araw oh" sabi niya at nag-pose naman ako. Tinignan ko yung picture niya sa akin. Maganda nga! "Isa pa."

After how many shots, kami naman ang nag-picture. Ang gwapo ng jowa ko huhu.

"Tingin ng tingin sa'yo yun," nginuso niya yung lalaking nasa tapat namin. "Baka may dumi ako sa mukha? Meron ba?" tanong ko at nagsalamin pa sa phone ko.

"Ganda mo kasi, di niya alam akin ka." sabi niya at kinilig naman ako.

Enebe keshe!

Siya (COMPLETED)Where stories live. Discover now