CHAPTER 18

3.6K 41 11
                                    

Chapter 18

Alexa POV

Nakaupo ako ngayon at nakapangalumbaba habang hinihintay na dumating ang first subject teacher namin sa umaga.

"hoy Beauty!"

"Ay kapre!"
Gulat akong napaayos ng upo at tiningnan ng masama si Kenneth.

"Sinong kapre?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

Gusto ko siyang sapukin dahil sa ginawa niya.

Hilig niya talaga ang manggulat.

"Ikaw talaga! Ang hilig mo manggulat! Tae ka!" inis kong lintanya sa kaniya saka siya kinurot sa tenga.

Napadaing naman siya,
"A-aray naman Beauty! Galit agad? 'Tsaka anong tae ako? Kanina lang kapre. Ngayon naman tae? Aba namimihasa kana sa tawag mo sakin ha!" tila batang nagtatampong aniya saka ako nginusuan. Nagpapa-cute ang pakno!

Inirapan ko lang siya.

"Heh! Taenamo! Para kang bata. 'Tsaka ano naman gusto mo itawag ko sayo?"

"Kenken syempre!" proud nitong sinabi habang ako naman nagugulat siyang tiningnan.

"K-Kenken?" utal na paguulit ko sa kaniyang sinabi.

"Oo naman. I find it cute kasi. Whenever you call me like that." sabi niya saka ngumiti.

Napataas tuloy ako ng kilay.

Ang weird niya sa totoo lang!

"Hay ewan! Kenken naman talaga ang tawag ko sayo. Yun nga lang minsan Kenneth kapag seryoso o naiinis ako sayo." sabi ko sa walang ganang tono.

Mukang magsasalita pa sana siya kaso biglang dumating si Ma'am Fernandez. Teacher namin sa English subject.

"Good morning class?"

Sabay sabay naman kaming tumayo upang batiin din siya ng magandang umaga habang nakayuko, bilang tanda ng paggalang.

"Please sit down."

"Thank you ma'am."

Nagsimula na mag-discuss si maam English habang may sinusulat ito sa pisara.

I saw she wright down the word love.

"All of you! Try to read this word." utos nito.

Binasa naman namin iyon at nagsimula rin ako mapakunot ng noo.

Love? That's weird!

"I know. All of you here already knew this word. But then, If you try to look at this word, it's just a simple word. Right?"

Lahat kami tumango bilang pagsang-ayon.

"Well. Don't you know this word love is really important? Does anyone you here has already have a thought about what is the word love? Someone can answer me?"

Tumaas ng kamay si Kenneth.

"Yes. Mr Santiago?"

Tumayo ng tuwid si Kenneth at nagsimula na itong magsalita.

"Love? Yes, we all know that, love is very important in the world because, without love? We cannot be united as one.  For me, Love is the one who connect us and make us more stronger and braver. Love is also one of the most powerful weapon in the world. We have the right to feel the essence of this. Love from family, friends and love ones. We have the right to feel it and own it. But always remember." huminto siya sa pagsasalita 'tsaka napatingin sa direksyon ko na siyang ikinagulat ko naman.

I'm Making Out With My Brother [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon