CHAPTER 50

1.3K 25 17
                                    

A/N: Hello, shout out pala kay Jessicadypongco. Thanks for keep on reading this story. Love yeah. Muaah :3

Spg alert!

Continuation...

Alexa POV

Nasa parking lot na kami ngayon at handa na para umuwi sa condo ko. Since doon narin naman siya namamalagi sa inuuwian ko. Ede sabay na kami kung umuwi.

"Put your seatbelt on," utos ni kuya.

Sinunod ko naman kaso parang ang hirap yata tanggalin ng seatbelt sa kalalagyan nito.

"Ako na nga!" aniya saka niya isinuot ito sakin.

"Thanks" sabi ko matapos niya mailagay. Ngiti lang ang sinukli niya.

At first nagulat pa ako. Kasi naman, para yatang kakaiba siya ngayon. Masyadong bago lahat ng pinapakita niya sakin.  Actually, hindi naman siya ganito ka caring sakin noon eh. Pero this past few days parang nahahalata ko na siya. Masyado na siyang caring. At hindi lang yan. Ngumingiti na siya everytime na magkakatitigan kami. Naging madalas narin ang pagiging matampuhin niya. Parang hindi na siya yung dating masungit, arogante, bossy, sulpado, at higit sa lahat cold na kuya ko. Lahat sa kaniya nagbago. At talagang nakakapanibago talaga.

"Bakit ganiyan ka makatingin sakin?" puna niya nang makita akong nakatingin sa kaniya. Napakurap ako.

"Wala," sagot ko sabay iwas ng tingin.  Nakita niya pala akong nakatitig sa kaniya. Sa sobrang hiya ko. Sa labas ko nalang tinutok ang Paningin ko. Pero instead na matahimik ako. Bigla rin akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin o di kaya ang irereact. Masyado ko yatang kinalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa loob ko nitong mga nakaraang araw. Nakita ko siya. Nakamasid siya sa direksyon namin. Alam kong sakin siya nakatingin. At sobrang talim ng mata niya kung makatingin sakin. Nararamdaman ko ang galit niya. Ang masakit niyang tingin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig bigla. Nanginginig rin ang buong katawan ko. Lalo lalo na ng makita ko siyang mawala bigla na parang bula sa kinatatayuan niya kanina. Para siyang bula na naglaho lang bigla. Paano niya nagawa yun? Parang nalingat lang ako tapos, wala na siya agad.

Hindi ko alam kung bakit nasundan niya ako, kami? Pero paano? Dito rin ba siya nag-aaral? Sa porma niya mukang hindi naman siya nag-aaral dito. Naka all black kasi siya at nakatabon rin ang mukha tulad ng kung paano ko siya makita noon sa gubat. Kahit nakatabing ang mukha niya ng bonet. Alam kong siya na siya yun. Ang tindig niya. Ang paraan ng pagtitig niya. Para bang nakita ko na siya. Parang kilala ko siya pero hindi ko lang matukoy kung sino siya.

Hindi kaya? Sinusundan niya kami? God! No! It can't be.

Biglang nangilabot ang sistema ko dahil sa naisip ko. Baka ito na yung tamang oras na sinasabi niya?  Magpapakita na ba siya? Anong gagawin niya? At ano ang ginagawa niya dito sa parking lot?

"Hey!"

"Ay jusko!"

Napahawak ako bigla sa dibdib ng may kumalabit sakin. Napahinga ako ng maluwag ng makitang si kuya lang pala. Kinilabutan talaga ako. Shocks! Akala ko kung sino na. Sa sobrang lutang yata ng utak ko. Nakalimutan ko ng may katabi pa pala ako. Hindi ko man lang siya naalala. Ghad!

"Bakit ba gulat na gulat ka? At saka... Sino ba yung tinitingnan mo sa labas? Hinahanap mo naman ba ang lalaking yun?" sa tono ng boses niya parang naiinis na siya. Mukang nagtatampo na naman.

"Hindi ah. May nahagip lang kasi ako. Akala ko naman si sadako na." sabi ko.

"Hindi totoo ang mga multo, okay?" aniya saka na sinimulan buhayin ang makina. Ako naman ay nanahimik nalang din hanggang sa makauwi kami.

I'm Making Out With My Brother [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon