SPG ALERT!Chapter 42
Alexa POV
School
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng hindi sinasadyang makasalubong ko si Fatima. Mag-isa lamang siya at mukang wala pa sa sarili. Tumigil ako saglit at hinarap siya.
"Fatima!" tinawag ko siya.
Humarap siya sakin.
"Oh bakit?" mataray na sagot niya.Ngumiti lang ako at hindi pinansin ang katarayan niya.
"Thank you!" hindi ako nagdalawang isip na sabihin iyon sa kaniya.Bigla siyang natigilan at napaharap sakin ng maayos. "What?"
"Sabi ko thank you!" pag uulit ko. Nung nakaraang araw ko pa kasi gusto sabihin iyon sa kaniya pero nauunahan lang ako ng kaba at pagkabigla kaya hindi ko nagawa.
Kumukurap niya akong pinagmasdan. Sinusuri na animoy nawewerduhan sakin. Biglang tumaas ang kilay niya.
"Wala akong pakialam. Hmp!" pagtataray niya sabay flip hair sa harapan ko.
Ang arte talaga!
Nagsimula siya muling maglakad at nilampasan ako. Napakamot tuloy ako sa batok dahil sa hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Kahit kailan talaga ang labo niya! Nung nakaraan lang tinulungan niya ako. Tapos ngayon, tinarayan na naman ako! Yung totoo? May lahi ba siyang bipolar? Psh!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Pagpasok ko sa classroom. Namangha ako at napahawak pa sa bunganga. "Wow! Ang ganda!"
"Ang galing natin diba?" si Kenneth.
Naalarma ako bigla nung lumapit siya sakin. Napalayo ako ng konti sa kaniya dahil sa hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nabibigla ako. Mukang nagtaka siya sa naging kilos ko kaya pinagmasdan niya ako ng maigi.
"May problema ba beauty?"
Nanlaki ang mata ko. Hindi alam ang sasabihin ko. Nangangapa ako sa posibleng idadahilan.
"H-Ha? HAHA.. Wala! Wala! Ano kasi..nagulat lang ako. Hihi" para akong tanga habang sinasabi iyon sa kaniya. Mukang hindi siya kumbinsido. Balisa kasi ako at hindi makapagsalita ng maayos.
"I know there is. Tell me? What is it?" mas lumapit pa siya sakin dahilan para magitla ako. Hindi ko alam ang gagawin.
Shit! Bakit kasi dalawa pa lamang kami ang naririto?
"Uy! Sana nga mapasali ang section natin sa mapipili noh?"
"Oo nga! Gusto ko rin kasi makasali sa field trip."
"Ako din. Excited na nga ako sa magiging result pagkatapos ng magiging exam natin, eh!"
Lumayo si Kenneth nang madinig namin pareho ang paparating na mga kaklase namin. Napahinga ako ng maluwag.
"Oh? Kayo pala Alexa, Kenneth! Ang aga niyo ah?" si Maika, Nagtataka.
"Ah.. Oo, Mukang napa-aga kasi ako ng pasok. Hihi." natawa ako ng hilaw.
"Uy! Silang dalawa lang, ayiee!" si Rica, Kaklase rin namin at barkada ni Maika. Tinutukso niya kami ni Kenneth.
"Oops! Gaga. May asawa na kaya iyang si Alexa. Huwag kang ano!" si Teera, barkada rin ni Maika.
"Huwag nga kayong ano. Mga sira talaga! Sorry Alexa, masyadong madaldal lang ang dalawang ito."saway ni Maika sa mga kaibigan.
"Hihi. Wala yun!" nahihiya kong sinabi. Uminit kasi bigla ang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
I'm Making Out With My Brother [ On-going ]
RomanceThis story contains of Bed Scene, Different Effects and sexual word. It is only for above 18+ years old. Not suitable for young readers. Read at your own risk.