CHAPTER 27

2.5K 32 4
                                    

Chapter 27

Alexa POV

"Uy! Galingan niyo guys ah!"

"Go karyl! Kaya mo yan!"

"Lovely, huwag ka papatalo! FIGHTING!"

"Akin ka nalang miss Karyl!"

"Angelina, Ang ganda mo!"

"Balato namin Colline ah! Pag nanalo ka!"

"Melanie, HUWAG KANG PAPATALO!!!!"

Isa lang iyan sa mga naririnig ko mula dito sa back stage. Marami na ang mga tao at talagang nasasabik na sila na magsimula ang event.

Ang dami rin kasing gusto tumingin sa pag-aayos sa mga napiling candidates. Kalabanan sa kanila ay mga babaeng mga tiga-suporta ng bawat isa.

Nadapo ang paningin ko sa babaeng sobrang nababalutan ng make-up ang muka.

Mistulang tempura o bola bola dahil sa puting nakabalot sa kaniyang mukha.

'Nakakapanibago ang mukha niya ngayon. Bakit sobra yata ang  kapal ng make-up sa mukha niya? May balak ba siya maging harina? Tinapay?'

"What are you looking at?"

Ay, taray!

I made faced when I turned my back. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Excuse me mga dear! Pwede ba lumabas na muna kayo dito. Hindi kasi makapag-concentrate ang mga nag-aayos sa mga bet niyo e! Can you please give us a private moment, kung pwede? Aayusan lang naman namin ang mga pangbato niyo, at huwag kayo mag-alala. Makikita niyo rin naman sila, maya-maya." paki-usap ng bakla sabay taboy sa mga grupo ng babae.

They all groan in disappointment. Muka silang pinagsakluban ng langit at lupa dahil pinagtataboy na sila.

"Ay, Sayang naman hindi na kami makakatingin!" Pagrereklamo ng isang babae na isa sa mga supporters.


"Tara beshies, Doon nalang tayo sa upuan para abangan sila. Gora na this!" Masaya naman suhesyon ng isa pa sa kanila at mabilis na hinatak ang mga kasama.

Wala naman nagawa ang iba kundi ang umalis din at mapasunod sa kaniya kahit na bakas ang panghihinayang sa mga mukha nila.


Nagsalita ang bakla dahilan para mabalik ako sa ulirat at mapakurap.

"Ahm, Alexa paki-abot nga sakin ang blower!" Utos sakin ng bakla na kasalukuyang nag-aayos kay Karyl.

Hinanap ng mata ko ang sinasabing blower ng bakla ngunit may napansin ako na siyang nagpatigil sakin saglit sa ginagawang paghahanap.

Nakita ko kasi kung paano ako irapan ni Karyl.

Problema niya?

Hindi ko nalang sana siya papansinin at magpapatuloy na lang ako sa paghahanap ng blower pero muli ko naman siyang nakitang ngumiwi at hindi rin nakatakas sakin ang pasimple niyang pagsulyap.

Anong gusto niya iparating? Na maganda siya? Ede mayo mayo! Dukutin ko kaya ang mata niya?

Psh!

I'm Making Out With My Brother [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon