CHAPTER 40

1.5K 18 0
                                    

Chapter 40

Alexa POV

It's Friday!

At ito ang araw ng events kung saan may iba't ibang klaseng disenyo na ginawa ang iba't ibang section para mapaganda ang kani-kanilang mga classroom. Ang bawat isa ay pulos abala sa paglalagay ng kung anu anong disenyo sa kani-kanilang mga silid. May gaganapin kasi ngayong paligsahan which is, kung sino ang mapipiling tatlong section na may pinakamagandang disenyo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa field trip bilang gantimpala. Lahat ng level ay kalahok basta magtutulungan ang lahat upang mapaganda lalo ang mga silid. Lahat ng nasa section na mapipili. May chance na makakasama at makapag enjoy sa darating na field trip pagkatapos ng exam. Lahat ay excited at abala. Hindi magkamayaw sa paglagay ng mga tela, palamuti at kung ano-anu pa.

Bawat section ay may kaniya kaniyang mga tema. Mayroong parang bahay ng bampira. Mayroon ding parang mga diwata ang tema. At may iba rin na parang naroon ka sa kalawakan kung saan pwede mong ma-experience ang mapunta sa bituin at makarating sa iba't ibang planeta. Lahat ay talagang napakamalikhain. Gumagana talaga ang kanilang mga isip at imahinasyon.

"Uy Alexa! Sa tingin mo pwede na itong kulay?" si Maika, isa sa kaklase ko. Tinatanong niya kung pwede na ba ang tela na napili niyang kulay.

"Oo, mas magiging maganda sana kung hahaluan mo siya ng pang moderno na kulay. Haluan ng medyo lang. Maganda narin naman iyan kaya ayos lang."

"Ganun ba? Thank you Alexa! Sana nga manalo ang section natin! Excited kasi akong makasama sa field trip. Hihi,"

Ngumiti lang ako.

"Sana nga."

"O sige. Maglalagay na muna ako ng pinta para sa magiging background ng ating classroom."

"Okay!"

Nag paalam na siya sakin at bumalik na muli sa kung saan siya na assign. Ako naman ay nagpatuloy lang din sa paglalagay ng kurtina habang ang iba ay abala rin sa kanilang mga ginagawa.

Ang napili kasi naming tema para sa section namin ay tradisyonal na into modern style. Half kung baga.

Bali, magmumuka kaming mga sina unang tao at the same time may pagkamoderno ang dating sa magiging kasoutan at magiging background ng aming silid. Parang babalik kami sa panahon nila Maria Clara at Ibarra pero may dinagdag din kaming twist para hindi siya masyadong maging sina una ang dating. 100% Traditional and 50% Modern style. Magsusuot ng barong ang mga lalake habang ang mga babae naman ay magsusuot ng mga mahahabang palda o di kaya filipiña dress upang ipakita talaga ang kultura ng pagiging isang PILIPINO. Pero ang way of living. Medyo moderno na. Naroon parin naman ang paraan kung paano manligaw ang mga binata sa mga dalaga noon. At kung paano sila sasagutin ng dalaga.

Natanaw ko si Fatima na nasa pintuan. Masama parin ang tingin sakin as usual. Psh! Kahit kailan talaga. Hindi parin siya nagbabago. Kaaway, karibal parin ang turing niya sakin. Lalo na nung maging usap-usapan sa school ang tungkol samin ni kuya. Lalo siyang naging masama kung makatingin sakin.

Akalain mo nga naman. Inakala talaga nilang mag-asawa kami ni kuya. Grabe talaga, Nakakatawa!

"Beauty, pwede ba tayo mag-usap?"

Nilingon ko si Kenneth na kasalukuyang nagpipinta. Wala siyang damit pang-itaas kaya lantaran ko ngayon nakikita ang dibdib niya pababa sa tiyan niya. Pinagpapawisan siya ng sobra. Habang naka suot naman siya ng maong na pantalon pang-ibaba. Shit! Ang ganda ng katawan niya.

Parang nang-aakit naman itong si Kenneth sa porma niya!

"Bakit? Ano ba pag-uusapan natin?"

I'm Making Out With My Brother [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon