Chapter 45
Alexa POV
Field Trip
Nagtatayo kami ngayon ng tent na siyang tutulugan namin mamayang gabi. Kasama ko si Fatima sa iisang tent at kamalas malasan nga naman. Ang mortal enemy ko pa talaga. Sa dinami rami naman kasi ng pu-pwede kong makasama. Siya pa na may lahing bipolar. Hays! Ang swerte ko talaga!
Alas-dos na ng hapon at abala parin ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. May iilan ng nakatapos sa pagtatayo ng tent nila habang kami ni Fatima. Well, I must say, were still working on it. Busy parin kami sa pagtatayo. Medyo nasasabik narin ako sa magiging mukha ng aming tinatayong tent. Sana nga ay tama itong ginagawa namin. Hihi,
"Taasan mo pa! Ay hindi! Medyo lang pala! Iyan tama na 'yan. Ay teka.. Mukang pangit! Hindi ganiyan! Taas taas pa! Alexa naman! Pwede ba makinig ka sakin!" sinigawan na niya ako.
Ano ba talaga?
Bakit ba kasi ako ang pinapagawa niya nito? Siya kaya dito? Bwesit talaga! Siya na nga itong walang ginagawa. Siya pa itong galit! Siya na nga itong umuutos, siya pa itong malakas kung makabulyaw. Dyahe!
Ang dami dami niya sinasabi. Hindi naman pala 'yun ang tinutukoy niya. Hindi na nga tumutulong. Ang lakas pa kung man badtrip. Nakakabanas talaga siya kahit kailan.
"Pwede ba! Kahit isang beses lang Fatima. Maging maayos ka naman kung makipag usap! Dinaig mo pa ang nagtitinda ng isda sa palengke. Ang ingay ingay mo! 'Tsaka ayusin mo kasi ang sinasabi at tinutukoy mo. Hindi kita maintindihan," singhal ko rin sa kaniya saka hinihingal ng tudo. Napagod ako eh. Bwesit kasi!
Pumwesto siya sa harapan ko at namewang. Tinaasan ako ng kilay habang naka-cross arm pa.
"Heh! Whatever! Saka huwag ka ngang magmarunong diyan. Tandaan mo...Hindi ikaw ang tumitingin dito. Kaya pwede ba? Bilisan mo nalang diyan dahil parang papayat na ako dito sa kakatayo. Bilis!" Umirap pa siya.
Naihilamos ko tuloy ang palad sa mukha ko. Nagpipigil na hindi sumabog.
'Jusko Lord! Pigilan niyo 'ko! Pigilan niyo 'ko! Talagang magiging BBQ ang tabachoy na 'to!'
Padabog akong bumalik muli sa ginagawa at saka nag-made face nalang dahil sa sobra na akong naiirita sa kaniya. Kainis!
Bandang ala-singko kami natapos sa ginagawa dahil sa sobrang kaartehan niya. Haist! Ang baboy baboy na nga niya pero saksakan parin sa kaartehan. Grr!
Kasalukuyan ko ngayong inaayos ang mga gamit na dala ko. Nang matapos ako. Saka ako lumabas sa tent.
"Hi beauty!" sinalubong agad ako ng ngiti ni Kenneth ng makalabas ako. At first, nagulat ako dahil hindi ko siya inaasahan na naroon. Kahit kailan din itong si Kenneth. Hindi parin nagbabago. Ginugulat parin ako. Para siyang kabute. Bigla bigla nalang sumusulpot. Hay! Another sakit sa ulo.
Hinarap ko siya. "Oh, Ikaw pala Kenneth! Ano pala ginagawa mo dito?"
"Wala naman... Napadpad lang ako dito. Kamusta ka pala?"
Do I need to answer him?
"Ahm.. okay naman ako...yun nga lang, medyo badtrip lang dahil kay Fatima."
Nilagay ko ang dalawang kamay sa bulsa ng suot kong maong short saka naglakad. Hindi ko alam kung saan din ako pupunta. Maybe maglilibot o magpapahangin lang.
"Bakit naman?"
Tanong niya habang sumusunod parin sakin. "Nag-away naman kasi kami ng dahil sa tent," walang ganang sabi ko habang nasa daan ang paningin ko.

BINABASA MO ANG
I'm Making Out With My Brother [ On-going ]
RomantizmThis story contains of Bed Scene, Different Effects and sexual word. It is only for above 18+ years old. Not suitable for young readers. Read at your own risk.