CHAPTER 46

1.2K 17 7
                                    

Chapter 46

Kenneth POV

"Asan na ba yun? Gabi na ah? Bakit wala pa siya? Saan ba siya nagpunta?"

Panay ang lakad ko sa labas ng tent namin ni Raffy dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Bigla kasi sumagi sa isip ko si Alexa. Bigla rin akong kinabahan para sa kaniya. Kanina ko pa siya hinahanap pero wala siya magmula pa kanina. Nagpunta narin ako sa tent nila ni Fatima pero wala rin siya roon. Hindi ko siya makita o mahanap. Walang may alam ni isa sa mga kaklase namin kung nasan siya.

"Damn it! Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya!"

"Uy Kenneth! Alam mo kanina kapa balisa. Ano ba ang nangyayari sayo, bro? Bakit para yatang hindi ka mapakali diyan?"

Nilingon ko si Raffy. Nakakunot ng bahagya ang noo niya. Mukang kanina pa niya napapansin ang pagiging balisa ko.

"Hindi ko alam bro. Pakiramdam ko kasi. May masamang nangyari sa kaniya."

"Kanino? tsaka sino ba yung tinutukoy mo?"

Napatigil ako sa paglalakad. Oo nga pala. Hindi pa pala niya alam kung sino ang tinutukoy ko. "Si Alexa." sabi ko. "Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita." dagdag ko.

Natawa siya bigla.
"Uy! Iba na'yan! May gusto kaba kay Alexa? Ayiee..." tinukso niya ako pero hindi ko siya magawang sabayan.

"Sira. Nag aalala lang ako sa kaniya. Kanina ko pa kasi siya hinahanap." depensa ko

"Sus, ibig sabihin lang niyan bro. You like her. Ganun narin yun. Hahaha"

"Baliw!" sabi ko sabay iling. Ang hirap niyang sabayan.

"Ikaw lang ang baliw bro. Baliw sa pag-ibig bwhaha." tumawa pa siya ng malakas.

Iniwan ko siya mag-isa sa tent saka ako naglakad papunta sa tent nila Fatima. Gusto ko tanungin si Fatima kung nakita ba niya si Alexa. Siya lang naman kasi ang kasama ni Alexa sa iisang tent. Baka may alam siya.

Mabilis akong naglakad at sinuyod ang daan pero iilang hakbang palang ang nagagawa ko agad rin akong napatigil. Nakita ko kasi si Joshua. Nagmamadali rin ito maglakad. Hindi ko alam kung saan siya papunta pero basi narin sa daan na tinatahak niya. Papunta rin iyon sa tent nila Alexa. Sigurado akong pupuntahan niya si Alexa. Pero bakit siya nagmamadali? Alam na kaya niya na nawawala si Alexa?

Mabilis ko siyang sinundan.

Fatima POV

Hanggang ngayon. Hindi parin ako mapakali. Pakiramdam ko inuusig ako ng konsensya ko. Mas naging matatakutin ako masyado. Konting ingay lang kinakabahan ako. Konting yapak lang napapatalon na ako.

"Lord sorry po talaga! Huhuhu.."

"Saan si Alexa?"

"Ahhhh wag po!!!!!"

Napatili ako ng sobra.

"Shut the fuck up!" asik nito.

Bigla akong natahimik at napatabon sa bunganga ko. Hala? Bakit siya narito? Omygoshhh!! Alam na kaya niya ang nangyari kay Alexa?

Napalunok ako ng dalawang beses. Kinakabahan ako ng sobra. Gosh!!! Hindi ko alam ang gagawin, lalong lalo na ang sasabihin ko. Huhuhu.

"A-Anong ginagawa mo d-dito? Diba bawal ang outsider sa bawat section? Bakit ka nandito?" Napalunok ako.

"Wala akong pakealam. Nasaan si Alexa?" galit ang boses niya kaya mas lalo akong nataranta at kinabahan. Nagsimula narin akong pagpawisan. Gosh! Feeling ko talaga... Papayat na ako. Huhuhu

I'm Making Out With My Brother [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon