Chapter 44
Alexa POV
--Field trip--
"Okay class, students! Need ko ngayon ang atensyon niyo. So please listen to my instructions. Dahil magfi-field trip tayo ngayon. Kailangan niyong maging behave at maging responsable. Huwag kayong lalayo sa mga teachers or tour guide niyo. If ever may maliligaw, huwag kayong magpapanik. You have to call first the teacher who assign your section to assist you. Kailangan sama-sama ang lahat para walang may masaktan o mapahamak. Okay!"
"Yes ma'am!"
"Okay sumakay na kayo sa inyong bus. By section ang bawat bus na gagamitin kaya dapat kung saan kayo doon lang dapat kayo, okay!"
"Yes ma'am!"
"Good! Punta na kayo sa bus na naka assign sa inyo. Be careful class, remember that!"
Kakasabi lang ni ma'am Chinita (Incharged na teacher namin) na be careful. Nag-unahan na agad ang mga kaklase ko sa pagpasok.
"Ako sa unahang upuan!"
"Ako sunod!"
"Kyaaaah! This is it!"
Nagtulakan pa ang iba. Mga pasaway talaga.
"Ikaw na mauna beauty." si Kenneth. Nagpaka gentlemen ang peg.
"Thank you!" pumasok na ako sa bus at saka naupo. Pumwesto ako sa pinakadulo kung saan dalawa ang pwede maka-upo.
Nagulat ako ng tumabi sakin si Kenneth. Teka? Wala na bang space kaya tumabi siya sakin?
"Pwede ba akong tumabi?"
Nagtanong pa siya? Umupo na nga siya eh!
--____--
Ngumiti lang ako.
^____^
"Narito na ba ang lahat?" si ma'am.
"Narito na po!" class president namin ang siyang sumagot, Si Charmaine.
Nagsimula ng tumakbo ang bus at ang lahat ay talagang ngang excited sa pupuntahan namin. Patungo kami ngayon sa bundok ng Ulalo, kung saan maraming pwedeng gawin at madiskubre.
"Bakit ang tahimik mo?"
Nagawi ang paningin ko sa ngayon ay nakatingin sakin na si Kenneth.
"Wala akong maisip eh! Hihi." pagdadahilan ko. Wala naman kasi talaga akong maisip na pwedeng sabihin.
Ewan ko ba? Hindi ko masabi sa sarili ko kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko! Naiilang ako sa presensiya niya. Magmula kasi ng pinagtalunan namin siya ni kuya. Parang naging mailap ang pakikitungo ko sa kaniya. Nagbago ang pakiramdam ko pagdating sa kaniya. Nahihiya na ako at nakakaramdam narin ng konting awkwardness. Naging awkward ang paligid namin kung baga.
Well, oo. Aaminin ko, namimiss ko naman siya minsan pero iba parin ang feeling kapag physical ko na siyang nakakasama. Maybe, isa rin sa naging dahilan ang pag-amin niya ng nararamdaman sakin. Dumagdag lamang iyon sa awkwardness.
"Wala nga ba o baka naman...naiilang ka lang sakin?"
Lumaki ang mata ko. Paano niya nahulaan iyon? Ganun na ba ako ka bilis mabasa ang hitsura o naiisip?
Umiling ako para itanggi. "Hindi ah! Hihi," nadinig ko siyang magbuntong hininga at muling natahimik. Na-guilty tuloy ako.
'I'm sorry Kenneth'

BINABASA MO ANG
I'm Making Out With My Brother [ On-going ]
RomanceThis story contains of Bed Scene, Different Effects and sexual word. It is only for above 18+ years old. Not suitable for young readers. Read at your own risk.