Chapter 14

426 11 0
                                    


Tinawagan ko si Papa na sunduin ako sa waiting shed malapit sa coffeehouse. Puro sermon nga ang narinig ko sa kabilang linya nang tawagan ko si Papa pati pala si Mama kasama niya, akala ko tulog na. Yare tuloy ako!

Pero hindi talaga iyon ang iniisip ko sa mga oras na ito. Ang pakiramdam nang banggitin niya ang pangalan ko ay kakaiba, parang may hiwaga iyon at napasarap pakinggan kapag siya ang nagbikas ng pangalan ko.. Napapikit na lamang ako at sinariwa ang hanging dumadampi sa balat ko.

"Aray!" napasigaw agad ako kasi habang nakapikit ako ay may pumingot sakin. Yare talaga! Daydreaming pa! Ngayon kailangan ko ng isipin 'to at huwag 'yong pakiramdam na naramdaman ko kanina lang.

"Mama naman! Masakit na." kapit-kapit ko ang kamay ni Mama na nakapingot sa tenga ko. Ang sakit! Dumoble pa ang sakit nang magsalita ako.

"Anong Mama naman huh, Almira Zogel?" may diing aniya. "Alam mo ba kung anong oras na huh?" galit niyang sigaw sakin.

Napatingin ako sa wristwatch ko. "11:30 pm na po, Ma." sagot ko sa tanong niya kaya lalo niya akong piningot. "Ma! Masakit na po!" sige, tawa ka pa Lucifer! Makikita mo talaga ang hinahanap mong sakit ng katawan.

Nando'n lamang si Papa habang nakasandal sa pintuan ng kotse --- pati si Lucifer ay kasama at nasa loob habang tawang-tawang nakadungaw sakin sa bintana habang pinapagalitan. Hindi talaga kita bibigyan ng mojacko! Akala mo diyan!

"Oras ba yan ng uwi ng babae?" galit niyang sigaw. "Gabing gabi na ah, ngayon mo pa naisipang gumala!"

"Hon, tama na yan." saway naman ni Papa sa wakas.

"Manahimik ka, Rigel, huh!"

Ayan, sabi ko sainyo huwag gagalitin ang katulad ni Mama, nagiging dragon. Binitawan naman niya na ang tenga ko.

"Kung hindi pa sasabihin ng kapatid mo na wala ka pa sa bahay, hindi namin malalaman. At kailan kapa natutong, hindi magpaalam huh?"

"Sorry na, Ma." pag-alo ko. Nag act naman si Lucifer na lagot daw ako. Epal talaga itong isang 'to eh, 'no.

"Naka ilang missed call kami sayo ni isa, hindi ka man lang nag-abalang sagutin. Ganyan ka ba namin pinalaki? Sabihin mo nga sakin, Almira Zogel, nagkulang ba ako sayo?" natigilan ako sa sinabi ni Mama at bahagya akong umiling. Sumobra lang po talaga ako. Gusto ko mang sumagot ay mas nanatili na lamang akong tahimik.

"Hon," saway ni Papa. "Anak, sakay ka na sa loob." sinenyasan pa ako ni Papa na pumasok na sa kotse. Kaya mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa kotse.

"Nagaalala lang naman ako sa anak mo," sabi ni Mama at nasapo pa ang sariling noo sa sobrang stress na dulot ko.

"Easy ka lang kasi, Hon.. Ituloy na lang natin yong hindi natin natapos kanina, malapit na ehh." biro ni Papa pero mukhang hindi effective sa mga oras na ito. Ang corny ng joke amp!

"Hindi pa tayo tapos, Almira Zogel," sabi ni Mama na naka tingin sa rearview mirror pagkapasok sa kotse at umupo sa shotgun seat.

'Pwede bang si Khelna lang tumawag sakin ng pangalan ko, ang sarap sa pakiramdam eh, sa kanila— okay, no comment..'

Tila napakabagal nang naging byahe namin. Sobrang tahimik din na nakadagdag sa tensyon sa dibdib ko. Ang mga titig ni Mama na mula sa rearview mirror ay parang unti-unting kinukuha ang mga gadgets, psp4, wii, xbox sakin. Alam ko na ang kababagsakan ko. No gadgets for one month! This time siguradong matutuloy na 'yon.

'Bibili nga ako ng extra phone tapos itatago ko sa cabinet in case na grounded ako.'  tama! Magandang idea 'yon.

Nang makarating kami sa bahay ay tila ang nagbabaga kaninang galit ngayon ay nagaapoy na --- mas mainit pa kanina.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon