Chapter 17

453 11 0
                                    


Nagmadali akong lumabas nang sabihin ni Sir ang class dismissed. Right after that scene kasi ay hindi na ako makapakali kasi pakiramdam ko pinagmamasdan ako ng Khel na 'yon mula sa likuran ko.

Tawang-tawa siguro siya dahil wala akong rebut sa sinabi niya kanina. Napaupo na lang kasi ako kanina at walang mahanap na salita para sa mga sinabi niya. He caught me off guard. How can I say something if my freaking brain doesn't function well?

Dumeretso ako sa comfort room instead na sa canteen. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap sa kanya eh. Naghilamos agad ako at pinagmasdan ang sarili sa salamin pagdating sa comfort room. Kumapit ako sa dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok nito. Pumasok sa cubicle at nag jingle.

"Bagay kaya sila! Ang cute kaya nila kanina," may narinig akong naguusap.

Kami ba ang pinaguusapan nila?

"Kaya nga eh.. Ayaw ko mang aminin pero bagay na bagay sila ni Khel at Almira." sabi pa no'ng isa na nagkompirma sa hinala ko.

"Kinikilig nga ako sa kanila eh para akong nanunuod nang shooting ng mga artista," impit pang napatili ang kausap nito.

"Gosh! Ngayon lang ako nakakita ng couple na sobrang nakakakilig," hindi kaya nakakakilig! Manahimik ka!

"Yeah right.. Tara na kain na tayo," 

Nang wala na akong naririnig ay lumabas na ako sa cubicle. Ahu!

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga hindi kanais nais na mga pangyayari at narinig. Sisimba ulit ako this coming Sunday.

Napaiktad ako ng biglang may sumulpot kasi sa gilid pagkalabas na pagkalabas ko sa comfort room. Mayabang siyan nakatayo, 'yong isa niyang kamay ay nasa likod, may tinatago.

"Bakit ka ba kasi nandiyan mukha kang tanga? Ano, nangboboso ka? Bastos ka talaga," asik ko. "Manyak!"

"Hoy, hindi kita minamanyak, huh!" depensa niya sa kanyang sarili.

"Asa ka pang maniniwala ako sa sinabi mo. Manyak!" sa halip na sumagot ay nagiwas siya ng tingin. Sabi na eh! Mga lalaki talaga walang alam kundi mang manyak!

"Oh!" May inilahad siyang supot na mukhang alam kong alam ko na kung ano ang laman niyon.

"Akin 'to?" tumingin siya sakin tapos iwas ulit ng tingin. Hahahaha! Napalabi pa siya sa gilid tapos inilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.

"Oo!" medyo pagalit na wika niya na halata namang naggagalit-galitan lang naman.

"Weeehh? Seryoso ka? Para saan naman?" paguusisa ko.

Sa pangalawang pagkakataon ay binigyan niya ako. Nagtango lang siya habang napalabi na nakaiwas ng tingin. 

"Reward mo." naka pout pa rin siya at nakaiwas ng tingin sakin.

Ilang beses ko bang dapat sabihin sainyo na thank you isn't my thing, so I hugged him instead, tight! Na appreciates ko ang ibinigay niya eh.

I don't know how long it last pero pakiramdam ko napakabilis lang no'n. Parang dalawang segundo hanggang tatlong segundo. Kahit ang totoo tumigil ang mga oras nang gawin ko ang bagay na iyon. Hindi ko naramdamang gumanti siya sa yakap ko. Sad! 

"Bakit mo ako niya-" bago niya pa ituloy ang sasabihin ay inaya ko na siyang pumuntang canteen. Gutom na ako ehh!

"Tara na!" at nanguna na akong maglakad nang hindi siya sumusunod ay napatingin ako sa kanya. 

"Tsk," asik niya at bigla akong hinila sa bakanteng classroom.

"Teka- a-ano- bakit tayo nandito?!" singhal ko sa kanya. "Mga ganyang itsura ang dapat 'di pagkatiwalaan talaga, eh, 'no?" 

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon