Chapter 38

382 9 0
                                    

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang ipasa ko ng test paper. I wasn't really sure about my answer tho. Hindi kasi ako nakapagreview nitong weekend. Binasa ko lang tapos, tapos na. Back to my old self na kasi ako. Hahaha!

Nagunat ako ng kamay nang makalabas ng classroom. Hihintayin ko na lang siguro sina Nadine sa cafeteria. Nauna kasi kaming nagexam kesa sa kanila.

Nitong past few weeks naging busy kami sa requirements kasi finals na ngayon. Busy-busyhan kaming lahat. Lalo na sina Flin at Nadine, kasi graduating students na sila.

Kami lang ni Justine ang maiiwan kapag nagkataon. Ayos lang, magkaibigan naman kami. Hehe!

Hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Khel Yabang na 'yon. Masyado niyang pinandigan kung ano ang sinabi niya. Wala rin kaming communication. Walang nakakaalam kung saan siya nakatira ngayon.

Madalas akong pumunta sa bookstore para makabalita pero sa araw-araw na punta ko at pagtaas ng expectation ko, nasasaktan lang ako. At sa araw-araw na sakit ay unti-unti ko ng naiintindihan at nalilimutan.

"Hindi na talaga ako mageexpect na mataas na grades ngayong finals," napatingin ako sa lalakeng umupo sa katabi ko. Sumubsob siya sa lamesa na parang pinagsakluban ng langit at lupa..

"Well, we're the same." tugon ko.

"Nagreview ka ba ulit sainyo pagkatapos natin magreview? Shoot! Wala talaga akong maintindihan!" rant na naman niya.

"Huwag mong kaisipin, Justine, you're not the only one."

"Demonyo ka talaga! May pa group study ka pa kasi eh!" bigla siyang napabangon sa pagkakasubsob niya.

Kami kasi ang magkasama ni Justine sa pagrereview since magkabatch kami, but sadly, hindi kami nagkaayos. Kasi pareho naming hindi maintindihan ang ibang terms at ibang formula sa math. Kaya puro basa lang ang nagawa namin.

"Hahaha!" natawa na lamang ako sa reaction niya.

"Kapag ako hindi nakapasa ikaw ang isusumbong ko!"

Nang makilala ko si Justine lumabas ang other side niya, may pagkaisip bata pero hindi siya 'yong nakakairita, ang cute nga eh.

"Samahan pa kita!"

"How was the test?" tanong ni Nadine at umupo sa harap namin. Pinatong din niya ang pagkaing binili niya. Si Flin naman ang may hawak ng libro nilang pareho.

"Let me guess that, bagsak na naman?" gatong ni Flin at pinatong ang mga libro nila sa lamesa. Tumawa pa siya.

"Asa! Pasado kami ni Justine, right, Justine?" tumingin ako kay Justine at nagakbay kami.

Sabay-sabay kaming kumain at nagreview. Nagtulungan lang kami. Siguro naman sa pagkakataong ito may siguradong mataas na grades na makukuha namin. Hirap na baka ratratin na naman ako ni mama! Huhuhu! Basag na eardrums ko.

~

Tapos na ang exam namin and luckily maganda ang naging sagot ko. Huling araw na kasi ng exam at bukas na ang start ng sem break. Sa lahat ng break ito ang pinakang masaya. Hahaha!

Balak ko na sanang itext si daddy para sunduin ako nang makareceive ako ng text mula kay mama.

From: Mama Dragona
           May business trip kami ng daddy niyo. Kina Ariel muna kayong dalawa. Isang linggo lang kaming mawawala. Ngayon na kami aalis, susunduin ka ng kapatid mo sa school. I love you baby!

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon