"You planned this?" tanong ko at tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "Tama lang pala na hindi kita pinagkatiwalaan, Khel."Tinalikuran ko siya. Ramdam ko ang mga nakatitig sakin. Ang mga bulungang hindi ko gustong mapakinggan. Ang mga matang mapanuri, mapang mata. Base sa mga tingin nila ay jina-judge nila ako.
"Almira!" ramdam ko ang pagsunod niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko itong binawi at sinampal siya. Napatigil siya sa ginawa ko.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo huh? Tang*na Khel! Pagkababae ko ang sinira mo! Dignidad ko!" sigaw ko sa kanya. Naagaw ng sigaw ko ang attention na malapit samin. "You're a jackass!"
Tinalikuran ko ulit siya at nagsimulang maglakad. Hinayaan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko, ako na ang pinakang bobong nilalang nabubuhay sa mundo. Tanga na nga, lalo pang ginawang tanga. Bobo na nga, lalo pang pinagmukhang walang alam.
Naramdaman ko na lamang na may yumakap mula sa likod ko. Hindi ako nakapagpiglas. Masyadong mabilis. Nanghihina rin ang tuhod ko.
"Grabe! Kaya ba kinuha mo ang loob ko dahil sa plano mo? Mahal mo ako? Talaga?" sarkastikong tanong sa kanya. Hindi siya bumitaw sakin. "Bitawan mo ako! Bitawan mo sabi ako Khel!"
"Ayaw ko!" sagot niya.
"Please! Bitawan mo ako!" sigaw ko na sa kanya, nagsusumamo. Napapagod na ako.
Nakita ko sa peripheral view sina Nadine, Flin, at Justine na palapit samin. Kitang kita ko rin ang mga mata ng mga schoolmates ko na nakatingin sakin.
"Ay-ayaw ko." sabi na naman niya, nagmamatigas. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako.
"Ang landi naman pala niya."
"For sure hindi na yan virgin.. Wasak na! Haha!"
"Malamang. May kahalikan ka ba naman sa bar eh tapos tuwang tuwa ka pa. Yuck! Kaladkaring babae."
"Hindi marunong mahiya,"
"Shhh! Syempre nasa loob ang landi kaya nga pati si president at Flin nilalandi eh.. Tapos ang next target ay si Justine."
"Kababaeng tao. Tsk!"
"Baka trabaho niya yon sa bar?"
Nakuyom ko ang sariling kamao. Napalunok ng ilang ulit. Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Marahas kong pinunasan ang luha ko. Pilit kong tinanggal ang kamay ni Khel sa bewang ko at nagawa ko naman.
"Anong sinabi niyo?" may diing tanong ko sa mga estudyanteng nakatingin sakin.
"No need to repeat what we already said. Malandi is enough to describe you." sarkastikong ani ng babaeng naka siopai ang buhok.
"Bawiin mo yang sinabi mo! Bawiin mo!" sigaw ko sa kanila. Dinuro ko pa siya.
"Why would we do that?" aniya. "Masakit bang marinig ang katotohanan?"
"F*ck you! Don't you fucking dare say that to me!" halos pumutok na ang litid sa leeg ko sa sobrang pagsigaw. Hindi ko na alam kung anong itsura ko sa mga sandaling ito pero alam kong hindi na kaayaaya.
"Malandi ka! Pokpok!" sigaw ng isa niyang kasama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumugod sa kanya.
Hinila ko ang siopai niyang buhok. Nagulo agad ito. Napasigaw siya sa ginawa ko. Wala na akong pakealam kung sino ang makakita samin. Galit ako. Galit na galit ako!
Bitch is on. Hinala ko ang buhok niya at sinugurado kong madadala ang anit niya. Napasigaw siya dahil sa ginawa ko. Gumanti siya sakin. Sinabunutan din ako pabalik. Natumba ako dahil sa mahabang gown na suot suot ko. Ramdam ko ang magaspang na carpet. Pumaibabaw siya sakin at sinampal ako nang ilang ulit.

BINABASA MO ANG
Finding My Way Back Home (COMPLETED)
Ficção AdolescenteMinsan kahit saan tayo lumagar, saan tayo pumunta, sino ang kasama natin hindi natin maiwasan kung anong nakasanayan natin at kung sino tayo. Kahit ilang beses natin baguhin kung sino tayo, lalo lang tayong nahihirapan at nabibigo. Gago. Makasarili...