Chapter 37

398 11 0
                                    

Sa unang pagkakataon ay nakatikim ako ng wine. Hindi naman pala ganun kasama ang lasa nun.

Pagkatapos naming iligpit ang mga pinagkainan namin ay lumabas kami. Gumawa din sila ng bonfire. May putol ding puno na nagsilbing upuan namin. May maliit ding mesa na may mga pagkain na natira namin kanina.

Ito na siguro ang pinakang matagal na gabi so far. Pakiramdam ko hindi umaalis sa pwesto ang kamay ng orasan.

Wherever Khel's right now I'm pretty sure that he's fine, safe and sound. Hindi nun pababayaan ang sarili niya. Matanda na siya.

Ang engot din niya! Kainis. Sobrang selfless niya, hindi man lang niya inisip kung ano ang mangyayari sa kanya bago siya gumawa ng desisyon but at the same time, nakakabilib.

"But, seriously, Al, mahal mo na siya?" hindi ko alam kung ilang beses na ni Justine tinanong ang tungkol sa bagay na ito.

Hindi ako sumagot kahit alam ko na ang sagot sa tanong na 'yan. Malalaman ko lang kung tama 'to, kapag nakita ko na ulit siya. Psh! Cheesy.

"Sino ba kasing tinatawag mong Al? Al ka nang Al eh! Haha!" asik ko sa kanya. 'Yan na kasi ang tawag niya sakin simula nang makarating kami dito.

"Ikaw. Al, Almira. Pinaikli ko lang eh.. don't change the topic, Al, do you really love him?" paguulit na naman niya.

"Mmm." tumango-tango na lang ako at umindak kasabay ng musika. Malalim na ang gabi at kami-kami na lang rin ang natira dito sa bar side sa pool area.

"Okay, kung ayaw mong sabihin hindi ko rin sasabihin kung anong pinapasabi niya." sabi ni Justine at nagshot na. Hindi naman hard drink 'to pero nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil kanina pa kami nagsimula.

"Anong pinapasabi niya?"

"Secret, We won't tell you unless you admit that you love him." si Nadine.

"Holy cow! Pinagtutulungan niyo ako eh..."

"Okay, madali lang naman kami kausap." sabi ni Flin habang kumakain ng mga natira naming ulam.

"Pwede bang huwag natin pagusapan 'yong wala dito?" ka-stress ang mga kasama ko. Mga bangag na ata silang lahat eh.

"Okay, hindi na namin sasabihin kung na saan siya." si Flin. Ngiting-ngiti sila sakin samantalang ako ay adwang-adwa na sa pinagsasasabi nila.

"Fine!" wala na akong nagawa dahil hangga't hindi ko sinasagot ang wala nilang kwentang tanong ay hindi kami matatapos. "Hindi ako magkakaganito kung hindi eh. Hindi ako maghahabol kung wala akong nararamdaman. I don't know when these feelings started, fuck, I screwed up."

Wala naman akong alam sa mga ganitong bagay. Never naman akong nakaramdaman nang ganito dati. Ngayon pa lang at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakalito. Nakakatakot. Nakakalula.

"Wala siyang experience kaya hindi niya alam na mahal na niya si Khel. Hahaha!" sabi si Flin. Sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Wow, coming from you, Flin! Look who's talking here." binaba ko ang wine glass at nginisihan siya.

Pagkatapos ng ilang oras na kwentuhan ay bumalik din kami sa resthouse. Magkasama kami ni Nadine sa kwarto since malaki naman ang kama at sa kwarto naman ni Justine si Flin.

Lumogmok agad kami sa malambot na kama.

"You know what, Almira, akala ko talaga you were a kind of spoiled brat bitch," aniya. Dumapa siya at humarap sakin. "but I was wrong."

"Mmm?" hindi ko alam kung bakit bigla niya 'yon sinabi.

"You're cool." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang pumikit at natulog.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon