Chapter 2

874 17 0
                                    


Nagring ang phone ko. Tiningnan ko lang ito saglit at hinayaan na lang. Kilala ko na kung sino. Ilang beses pa iyong tumunog na hindi ko binigyang pansin.

Habang nasa byahe ako nakatanggap ako ng message mula kay mama. Alam na agad niya? Grabe! Yare ako neto pagkauwi ko mamaya.

From: Mama Dragona
Saan mo na naman dadahilhin ang kotseng iyan, ha? Napakapasaway mo talaga, hindi ka gumaya sa kapatid mo. Paano na lang kun

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa sa message ni mama. Pinatay ko ang cellphone ko. Ayaw ko sa lahat kinukompara ako kahit kanino lalo na sa kapatid ko. Magkapatid kami pero magkaiba pa rin.

Ihahanda ko na lang ang eardrums ko mamaya. Basag to mamaya, panigurado.

Dumaan muna ako sa McDo para bumili ng pagkain namin ni Flin.

Pagkadating ko nakita ko siya na nakapikit kaya naman tahimik na lamang akong umupo sa metal bench kung saan nakaposas siya.

"Ay kalabaw ka!" napalikwas ako nang biglang hawakan ni Flin ang kamay ko. "Bakit ka naman nanggugulat!!" asik ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama kaya ngumiti ako na nakakaloko.

"Tanggalin mo 'tong posas o tatanggalin kita sa buhay ko?!" galit niyang asik. Ang sama talaga niyang gutumin para kang kakainin ng buhay.

"Ito na nga ohh!" kinuha ko ang susi sa bag ko.

Takot ko lang sa kanya na mawala sa buhay ko. I can't afford to lose him. He is my everything. Oa? Magkaibigan lang kami ha. Walang malisya. Siya lang talagang nakatanggap kung sino ako kaya ganito na lang pasasalamat ko nang dumating siya sa buhay ko.

"Faster!"

Panakot ba talaga niya na kaya niya akong nawala sa buhay niya? Nalungkot ako sa katotohanang 'yon! No one wants me in the first place kaya nga ang daming may galit sakin eh.

"Saglit lang naman! Lalo akong natataranta sayo ehh!"

Nang makuha ko na ang susi ay tinanggal ko na agad ang posas. Binigay ko sa kanya 'yong McDo na binili ko para sa kanya.

"Anong meron sa mukhang 'yan? Ako na nga itong niposas mo rito, ikaw pa itong mukhang galit." paguusisa niya.

"Ah wala," sagot ko na lang at tinuloy ang pagkain.

"Ako pa niloko mo, ha? We've known each other for years now." sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Bakit ka nga nagkakaganyan? Dahil ba sa sinabi kong tatanggalin kita sa buhay ko?" bakit hindi na lang siya kumain nang kumain? 

"Hindi, 'no! Kaya ko kayang wala ka!" that was a lie.

"Sige sabi mo eh.." tumawa pa talaga siya, huh? Sabagay, ako lang naman laging nakakaramdamn nang ganito eh.

"Tawang-tawa ka diyan samantalang kanina daig mo pa si dragona!" pagtukoy ko kay mama. At para matahimik ang isang ito, sinubuan ko siya ng fries tapos burger tapos chicken fillet tapos fries ulit tapos chocolate sundae.

"Dyami... Fafatsayi ahhaaho!" halos wala akong naintindihan sa sinabi niya kasi punong-puno ang bibig niya.

"Hindi mo ba alam ang kasabihan na don't talk when your mouth is full? Hays! Dapat alam mo yan galing ka sa conservative na pamilya, ano ba naman yan." pangaral ko sa kanya. "Ano kamo 'yon? Gutom ka pa? Ah sige ito pa oh!" sinubuan ko ulit siya nang malumod na niya yong pinakain ko sa kanya.

"Wait!" sigaw niya nang isusubo ko na sa kanya yong fries. "Ikaw naman ang kumain, masyado ka ng sweet eh." sabi niya at saka humalma ang malokong ngisi sa labi niya kaya agad kong natikom ang bibig ko, pero walang nangyari dahil bigla niya akong kiniliti. "Ayan, kain ka pa para naman lumaki ka!" sabi niya tapos sunod-sunod akong sinubuan ng pagkain. Hinarang ko na ang kamay ko dahil hindi na talaga kasya sa bibig.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon