Chapter 39

354 9 0
                                    


Kinuha ko sa purse ang phone ko para matawagan si mama para makapagpaalam. Ilang ring lamang at sinagot na agad niya.

"Hello, Ma!" bati ko agad sa kanya.

"Hello, anak, oh nasa Tita at Tito na ba kayo?" paguusisa niya.

"Kanina po, papunta po kaming mall kasama ko po sina Lucifer, Silbester at Starlet."

"Magingat kayo ha? Bantayan mo yang kapatid mo, okay, pati yang mga pinsan mo.. Ikaw ang pinakang matanda diyan.." kung makatanda naman si Mama para namang decades na ang agwat namin. Haha!

"Okay po! Pasalubong ko mama huh! Huwag mong kakalimutan! Si Lucifer po ay kahit huwag na daw, okay na daw po siya hehe!"

"Anong okay ka diyan?! Mama! Pasalubong ko rin po ah! Kahit sapatos na lang mama, swak na ako!" sigaw ni Lucifer na pabalik-balik ang tingin sa daan at rearview mirror para tingnan ako. "Ingat po kayo diyan, Ma! I love youuu!" ni-loudspeaker ko na.

"Kayo ay ayusin niyo ang pagmamaneho huh?! Huwag kayong kaskasero, Zachary Alas!"

"Aye! Aye, Maam! Noted!" sigaw nito at ngiting ngiti.

"Diyan magaling yang si Zachary Alas Arcaña! Dami namang babae, isama mo pa itong si Silbester!"

"Lah! Bakit nadamay ako?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Napatingin siya sakin. Natawa naman ako. Nasa harap kasi siya at nasa likod naman kami ni Starlet nakaupo. Si Lucifer naman ang driver.

"Kayong dalawa, ayusin niyo ha! Kapag kayo, naku, sinasabi ko na agad sainyo.."

Natawa ako ng makita ko ang mga reaction nila sa rearview mirror. Tahimik lang naman si Starlet, nakikinig.

"Ma, safety gear naman eh! Haha!" natatawang aniya. Tumigil siya nang mag green ang traffic light. Tumingin pa siya sakin.

"Lucifer!" saway ni mama.

"Hahaha!" natawa kami ni Silbester kasi tinawag ni mama si Zach na Lucifer. "Hindi kita pinalaki para maggaganyan-ganyan huh!"

"Sorry, Ma! Si Silbester din naman po ah? Hehe!"

"Aba, ba't nadamay na naman ako? Nanahimik na nga ang tao ehh!" singhal naman niya. "Tita, mabait po ako!"

"Good! Good! Magingat kayo, okay?"

"Ay Ma, papunta nga po pala kaming Isla la Luna, isasama na po kami since wala rin pong maiiwan sa bahay nila."

"Oh sya, sige sige. Huwag kayong pasaway sa Tita at Tito niyo."

"Okay po, Ma! Si daddy nga po pala?" tanong ko.

"Tulog na, oh, siya siya, tutulog na muna ako. Magtext ka sakin bukas kapag paalis na kayo. I love you, take care."

Pinatay na rin niya ang tawag pagkasabi no'n. Nang mag green ang traffic light ay pinatakbo na agad ni Lucifer ang kotse. Nagpark muna kami bago bumaba at dumeretso sa mall.

Tinawagan ko si Flin na nasa mall na ako.

"Hello Flin! Nasa mall na ako, hintayin ko na lang kayo dito. Saan na ba kayo?" tanong ko agad pagkasagot niya.

"Susunduin ko lang sina Nadine tapos didiretso na agad kami diyan..  Hirap kumbinsihin nina Mommy eh nang sinabi kong kasama ka saka lamang pumayag.." kwento niya.

"Ah I see, buti pumayag? Si Justine ba daw?"

"Kakatawag ko lang sa kanya, naggagayak lang ng mga gamit niya paalis daw eh.. Papunta na rin ako kina Nadine, kita kits lang. Bye!" paalam niya bago pinatay ang tawag.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon