Chapter 5

572 10 0
                                    


Kumakain kami ngayon nitong dalawang piranha na 'to sa isang resto. Pagkatapos kasi naming lumabas sa room ni mama ay nagpaalam muna kaming kakain. Bibili na lang kami para sa kanila.

Habang sumusubo ako bigla akong napatigil sa itatanong ko sa kanila. Kahapon pa sana dapat pero dahil nga sa nangyari kay mama nalimutan ko na.

"May tanong ako." nag straight body pa ako tapos binitawan ang kutsara at tinidor bago sila harapin.

"Spill it." hamon naman ni Flin na napatigil din sa pagkain, gano'n din naman si Lucifer.

"Ano ang ibig sabihin ng daks?" tanong ko sa kanila. At parang mga tangang nag-iwas sila ng tingin sakin at nagsimula ulit kumain. Hindi nila pinansin ang tanong ko.

"Hoy, tinatanong ko kayo!" wika ko sa kanila na parang walang nakikinig. "Kung ayaw niyo akong sagutin sa iba ako magtatanong." sabi ko. "Kuya, excuse me." tawag ko sa isang waiter na agad na lumapit sakin.

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Almira Zogel?" tanong sakin ni Flin. 

"Ate!" saway naman ni Lucifer

"Bakit ba?"

"Kuya, pasensiya na po medyo may sapak itong kasama namin eh. Salamat." sabi ni Flin at umalis naman na 'yong waiter.

"Bakit mo pinaalis? May itatanong pa ko eh. Kung sinasagot niyo sana edi hindi ko kakapalan ang mukha ko para magtanong sa iba," kainis ah.

"Huwag mo ng tanungin. Magsisisi ka." sabi ni Flin at nagpatuloy sa pagkain. "Kumakain pati tayo."

Si Lucifer naman ay tahimik na kumakain lang sa gilid. Ano bang meron sa tanong ko?

"Narinig ko lang naman 'yon no'ng pinaguusapan no'ng kaklase ko na daks daw si sir." paliwanag ko.

"Ate!" saway na naman ni Lucifer. Bakit ba? What the hell is wrong with these men sitting in front of me?

"Gusto mo ba talagang malaman?" seryosong sabi ni Flin na nakatingin lang sa pagkain niya.

"Kuya Flin, huwag mo ng sabihin." sabi ni Lucifer at napatingin naman agad si Flin sa kapatid ko.

"Hayaan mo siya," sabi niya at muling tumingin sakin at napaayos ako ng upo ko.

"Tibayan mo ang sikmura mo, huh? Ginusto mo yan. Huwag ka sanang bangungutin kapag nasabi na namin sa'yo," paalala ni Lucifer sakin.

"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko sa kanila. Nagsenyas naman si Flin na lumapit ako kaya lumapit nga ako.

"Ang daks kasi ay 'yong ano— basta yong ano na malaki saming mga lalake." bulong sakin ni Flin. Nanlaki naman ang mata ko. Ramdam ko rin ang init ng mukha ko!

"Excuse me," sabi ko at tumayo na at madaling nagtungo sa comfort room.

Sobrang pula talaga ng mukha koooo --- para na itong kamatis sa sobrang pula. Naghilamos agad ako para naman mabawasan ang pagiinit at pamumula ng mukha. Kapit-kapit ang ko ang dibdib dahil sa hiya. I asked the same question to president. Nakakahiyaaa! Wala na akong mukhang maiiharap sa pinagtanungan ko. Eh bakit alam nung dalawa kong kaklase ang tungkol do'n.

Nang medyo nahimasmasan na ako. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang mukha gamit ang tissue galing dito sa comfort room.

Nang pagbukas ko sa pinto ng comfort room nakita ko agad ang mukha nitong dalawang manyak sa harap ko!

Mabilis akong naglakad palabas ng resraurant. Bahala na silang magbayad no'n. Sila nangakit diyan eh --- bahala sila! Narinig ko namang natatawan ang dalawang manyak na lalake na sumunod sakin! 

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon