"Ate? You okay? Umiiyak ka ba?!" tanong ni Silbester pagkapasok sa kwarto. Pinunasan ko muna ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko.Tumayo ako sa pagkakadapa ko at hinarap siya.
"Of course not!"
"Ginawa mo pa akong tanga, Ate, halata naman."
"Eh bakit nagtanong ka pa?!"
"Naninigurado lang hehehe!" sagot niya. "Bakit ka umiiyak?" paguulit niya ng tanong niya.
"Nothing– nothing serious."
"Wait me here." sabi niya at dumeretso ng CR.
Umupo na lang ako sa kama, humalumbaba at pinagmasdan ang dagat.
Ang dami kong iniisip ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin na isipin, hindi ko naman alam na kapag ba inisip ko may mangyayari ba?
Puro mga possible scenario lang ang naiisip ko. Mga bagay na maaaring maging dahilan nang matinding kalungkutan dito sa dibdib ko.
"So tell me, what really happened." sabi niya at umupo sa harapan ko.
"Magalcohol ka muna!" singhal ko sa kanya.
"Arte neto oh! Saka hindi naman kita kinakapitan ah."
"Hehehe. Magalcohol ka pa rin."
"Tss,"
Tumayo siya at kumuha ng alcohol sa medicine kit. Humarap muli siya sakin. Tinaasan niya ako ng kilay. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Nasapak ako kagabi," mahinang usal ko.
"Wait, what?!" napasigaw niyang tanong. "King ina sino ang may gawa sayo niyan?!" nagulat akong napatingin sa kanya. "Prinsesa ka namin tapos sinasapak ka lang ng mga gunggong mga 'yon!!"
Natouched ako sa sinabi niya, hindi ko tuloy maiwasang mangiti dahil sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata ang sayang iyon.
"Mag relax ka nga. Si Zachary nga wala pakealam eh," malungkot na sabi ko.
"Yon ang akala mo," maangas na usal niya. "Kanina pa tanong nang tanong si pinsan kung saan mo nakuha 'yang sugat mo. Sabi ko nga tatanungin kita kung ayaw niyang magtanong ako na lang magtatanong, pero pinipigilan ako. Psh! Out of curiousity, nagtanong na rin ako. Kung ayaw niyang malaman, pwes, ako gusto ko. Lintek na 'yon kung makasabi ng ma-pride sayo eh ma-pride din naman siya. Magkapatid nga kayong tunay. Hehehe!" natawa pa siya kunwari.
"Seryoso?"
"Yess!" confident niyang sagot. "Actually, kanina pa nang makita ka niya sa harap ng bahay. Bakit ka nga ba nasapak?"
Doon na ako nagkwento kung anong nangyari samin kagabi. Gulat at galit ang nabasa ko sa mukha niya.
"Wala ka bang ibang kasama?"
"Meron."
"Sino? Bakit hindi ka tinulungan?"
"Si Justine."
"Justine? Sino naman 'yon?"
"Yong lalake'ng kasama namin no'ng gabing 'yong nagmall tayo? Kasama ko si Justine doon, magkasama naman si Flin at Nadine. Hindi naman takaw gulo si Justine eh pinigilan niya ako pero nagpumilit akong makisali kaya nang masaktan ako eh—"
"Talagang hinintay ka pang masaktan?!"
"Hindi sa gano'n! Pinigilan niya ako para hindi ako masaktan pero makulit ako dahilan para ako ang masapak.." paliwanag ko sa kanya.
"Eh kamusta naman si Kuya Flin?" nagaalalang tanong niya.
"Not okay." biglang bumagsak ang balikat ko sa katotohanang iyon.

BINABASA MO ANG
Finding My Way Back Home (COMPLETED)
Teen FictionMinsan kahit saan tayo lumagar, saan tayo pumunta, sino ang kasama natin hindi natin maiwasan kung anong nakasanayan natin at kung sino tayo. Kahit ilang beses natin baguhin kung sino tayo, lalo lang tayong nahihirapan at nabibigo. Gago. Makasarili...