Chapter 56

324 12 1
                                    


Ilang oras pa kaming nanatili sa ospital para bantayan si Flin bago namin gisingin si Nadine. Nagising rin sina Tita at Tito dahil siguro sa tawanan namin. Puro kalokohan agad kasi si Flin na parang walang iniindang sakit. Pero aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko nang ganito ang inaasta niya at nasisigurado akong okay na siya kahit papaano. Umalis rin kami ni Khel dahil talagang bagsak na ang mga mata ko at pilit ko na lamang nilalabanan ang antok ko.

Alas nuebe mahigit na nang makauwi kami ni Khel. Nagmomovie marathon sila nang pagdating namin. Si Starlet, Silbester, at Lucifer.

"Kamusta si Kuya Flin?" bungad sakin ni Lucifer, naupo naman ako sa single sofa.

"Ayos na naman pero kailangan pa rin ng heart transplant." sagot ko sa kanya at mabilis na bumagsak ang balikat.

"Baka bukas dadalawin namin si Kuya, hindi kami nakapunta dahil pagod talaga kami." kwento niya pa, hindi naman agad ako nang biglang..

"Nakauwi na pala kayo," lumabas si Tita na may dala dalang pizza kasunod naman niya at si Tito na may dalang juice at fries. "Pagsaluhan natin itong homemade pizza na niluto ko."

"Hmm, ang bango naman niyan, mommy!" banat agad ni Silbester pagkalatag ni Tita sa center table. Inamoy-amoy niya pa ito habang nakapikit.

"Bola pa 'tong isang 'to e. Hihihihi!" natatawang sabi ni Tita kay Silbester na ngumuso agad. "Sige kain na muna tayo. Khel, tara dito."

"S-sige po." naiilang na sagot ni Khel sa kanya, halatang nahihiya pa siya.

Gusto kong matawa kay Khel dahil halatang naninibago siya, pero hindi ko magawa dahil baka mainis siya kaya palihim na lamang akong tumawa. Umupo siya sa armrest kung saan ako nakaupo habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko.

"Kamusta nga pala si Flin?" pagbubukas ng usapan ni Tita.

Napabuntong hininga ako bago ako sumagot. "Sa ngayon po ay okay siya and as much as possible kailangan niyang maoperahan."

"Ganun ka grabe ang kondisyon ng puso niya?" naaawang tanong ni Tita. Tumango naman ako. "Di ba't sabi niyo bata pa lang siya ay may sakit na siya? Hindi man lang niya maeenjoy ang buhay kung ganitong may sakit siya."

"Oo nga po," pagsang-ayon ko sa kanya. "Pero alam ko pong gagaling din si Flin."

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nanunuod ng movie. Hindi ko maintindihan ang kwento dahil sa hindi ko naman ito nasimulan.

Nang matapos ay pumasok na ako sa kwarto. Saglit lang akong nagpahinga bago naligo at nagsipilyo. Pabagsak akong humiga pagkatapos. Pakiramdam ko ang daming nangyari ngayong araw. Halu-halo ang nararamdaman ko. May natutuwa. May kinakabahan. May natatakot. May balisa. May ayos lang naman na pakiramdam. Hindi ko maunawan ang lahat.

'Lalo na ang bangungot ko..'

Papikit na ako nang may kumatok sa pinto. "Come in!" sigaw ko para marinig niya. Nanatili akong nakahiga dahil ang pagod na pagod talaga ako.

"Hmm. Matutulog ka na ba?" napabangon agad ako sa kinahihigaan ko. Shet! Kalahating katawan ko lang kasi ang nakahiga kanina, hindi ko rin alam ang itsura ko!

"Khel," tawag ko sa pangalan niya. "Bakit?"

"Hindi ako makatulog, masyadong malambot ang foam, hindi ako sanay." pagamin niya sakin, lumapit siya sakin at umupo sa gilid ng kama. "Okay lang bang dito muna ako tutulog?"

"Ha? Eh– ikaw bahala." ano ba 'tong sinasabi ko?!

"Sige."

"Eh?"

Nanguna na siyang humiga sa kama ko. Hindi ito kasing laki katulad sa cabin sa isla. Kaya medyo kinabahan ako.

Nagkumot pa siya at preskong humiga do'n. Tinapik-tapik niya ang espasyo na sinasabing humiga na ako do'n kaya napatingin lang ako sa kanya na nakangisi lang sakin. Napalunok ako nang makita ko ang adams apple niya. 

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon