Chapter 33

398 8 2
                                    


"Hello, Flin!" tumawag agad ako sa kanya habang pinagmamasdan ang palahong pigura ni Khel.

"Asan ka? Bakit bigla ka na lamang umalis kanina?" tanong agad niya sakin sa kabilang linya.

"Nasa school na ulit ako. Punta kang council office tapos kulitin mo lang si Khel." sabi ko sa kanya.

"Ano? Nasa klase pa ako.. Nag excuse lamang ako kasi—"

"Sabihin mo na lang kay Nadine na pumuntang council office at pigilan niya si Khel." sabi ko.

"Bakit?"

"Kicked out na sa school si Khel— basta, bilisan mo! Ngayon na aalis si Khel at sa palagay ko ay sa council office siya pupunta." paliwanag ko.

"Sige sige. Tawagan kita ulit." aniya bago pinatay ang tawag.

Binalik ko saking bulsa ang phone. Kumatok ako sa pinto sa dean office. Kailangan kong makausap si dean.

"Good morning dean!" bati ko sa kanya. Nakaharap siya sa isang folder at pinaglalaruan sa kanyang kamay ang ballpen.

"Good morning, Ms. Arcaña!" bati niya sakin pabalik. "Sit." umupo ako sa tinuro niyang upuan.

"I'm sorry for what happened earlier, dean. Sobrang rude ko. Aware po ako sa attitude ko kanina but that's not the deal kung bakit ako nandito." paliwanag ko agad. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa.

"It's okay. I understand but I hope next time you should control your emotions." aniya. Hindi ko pinansin ang advice niya at dumeretso kung ano talaga ang pakay ko.

"Dean, narinig ko pong kicked out na po si Khel?" patanong kong sinabi. Tumango naman siya bilang sagot. "Bakit, dean? Wala po siyang kasalanan sa nangyari katunayan nan pinagtanggol pa ako ni Khel mula kina Ashton at Travis eh."

"I'm not the only one who decide to kicked him out. Pati ang stockholders. I disagreed regardless of what those accusations kasi naniniwala akong hindi kaya ni Khel na gawin ang bagay na 'yon. We already investigate the said case. At napatunayan na nakielam sina Ashton at Travis sa computer na ginagamit ng sa mga sound system. " aniya.

"Pero, dean, wala pong kasalanan si Khel tungkol sa picture na 'yon. Bakit pati po siya kicked out?"

"Kahit hindi ma kick out si Khel ay magdadrop out siya." aniya. Yeah, nakinig ko iyon kanina. "Due to his debt."

"Magkano pa po ang utang niya sa school?"

"25,584.86" sagot niya. Shet! Ganun kalaki? Paano niya babayaran ang ganitong kalaking utang sa school?

"May mababago pa po ba kapag nabayaran ang utang?" umaasang tanong ko.

"Hindi ko pa alam kasi hindi lamang ako magdedecide tungkol diyan. Kung makakausap mo ang stockholders baka magbago ang isip nila." aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. It means may pag-asa pa. "They will be here the day after tomorrow."

"Okay po, dean. Thank you!" tumayo na ako para umalis nang bigla niyang tawagin ulit ako.

"Sana hindi na maulit ang pakikipagsagutan mo sa mga professors at pakikipagaway sa iba mong kaeskwela." mapait akong ngumiti bago ko tuluyang lisanin ang silid.

25,584.86???! Shet! Sobrang laking halaga nan. Kahit ang nasa alkansiya ko ay kulang. Wala pa nga iyon sa 10k. Ang sweldo niya sa trabaho ay hindi sasapat sa iba pa niyang expenses, hindi na ako nagtataka.

Saka kinabukasan maaari kong kausapin ang stockholders para hindi i-kick out si Khel. Kung papayag sila, mas maganda at kung hindi. Shet! Hindi pepwedeng hihindi sila! Psh!

Naglalakad na ako papuntang council office. Wala akong balak magpakita. Gusto ko lang rin na makasigurado kung nando'n siya.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nagaayos ng gamit. Paalis na nga talaga siya. Kung hindi mababayaran ang utang kick out na siya. Paano kung mabayaran, may magbabago ba? At kung makakausap ko ba sa stockholders hindi na siya aalis?

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon