Chapter 15

451 9 0
                                    

Ano ba kasing pinagsasabi nitong quiz na 'to? Bakit ang alien? Hindi ko maintindihan. 

'Sorry, Pa, pero mukhang hindi makakagraduate na naman ang anak mo,' bulong ko saking sarili.

Do'n sa unang given may nakasulat na tatlong columns, sa unang column may mga given na x at sa baba nun ay 34, 35, 45, 56, 32, 25, 40 sa ikalawang column naman sa pinakang taas ay |× - × | sa ibaba naman ay may space, sa ikatlong column naman sa taas ay gano'n din katulad ng sa pangalawang column pero may ²  sa taas.

Find the population and sample variance  of the following distributions:

Ano yan, joke?

Variance. Ito yong inis na inis ka na kasi hindi niya maintindihan ang sinasabi mo kaya mapapasabi ka ng..  Ano ba variance, hindi mo pa rin naiintindihan? Natawa na lamang ako sa sariling kalokohan. Tumingin ako sa paligid ko at ang lahat ng mga kaklase ko ay focus sa pagsasagot samantalang ako, ewan, hindi ko rin alam tawag sa pinaggagagawa ko sa mga oras na ito.

Nagsagot na lamang ako kahit 'di sigurado, sinagot ko. Baka kasi makakuha ako ng tumatagingting na zero! Aba nakinig ako kahapon 'no. Hindi ko nga lang tanda ngayon. 

Nang matapos ang quiz namin ay bagsak ang balikat ko kasi lahat ng sagot ko ay pawang isang hula lamang, walang kasiguraduhan.

"Khel Caballero got perfect score!" announced ni Sir. Impossible! Nakinig ako kahapon at wala siya noon! Tapos naka perfect? Cheating!

"And Almiral Rogel Arcaña got zero, what happened to you? I thought you understood already the lesson yesterday?" what do I expect? Napatungo na lamang ako ng marinig ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko. Babawi ako! Next time!

Jokee!

Mahirap ang math. Baka 'yong ga-munggo kong utak mas lalong lumiit ang spacing dahil masyadong mataas ang gigabyte ng math! Can't afford.

"Bumawi ka next time or else babagsak ka sa subject ko," babala ni sir sakin. Nasapo ko na lamang ang aking noo saking isipan. 

"How come nakapasok siya dito?" rinig kong tanong no'ng isa kong kaklase.

"Sir, I had her notes that's why she wasn't able to study our lesson. My fault." pag-amin nitong lalakeng nasa likod ko. Unti-unti akong lumingon sa kanya na nakatayo pala. Diretso lamang siyang nakatingin kay Sir.

Oo nga pala pinahiram ko siya ng notes kahapon kasi may quiz nga kami sa math tapos absent siya kahapon. Pero kahit nasakin naman ang notes ko hindi pa rin ako magrerevieW.

"You were absent last meeting, right? And she gave her notes to you?" paguusisa ni Sir.

"Yes sir," diretsang sagot ni Khel.

Napahiya na naman ako sa harap niya. Baka iniisip niya na ang lakas ng loob ko na magpahiram eh mas bobo at kailangan ko naman ng notes ko kumpara sa kanya.  Hambog! "And if it's okay,  give her another chance to retake the quiz," nanlalaking matang tumingin ako sa kanya. Kung wala lang siguro dito si Sir baka nasigawan ko na siya. Normal sakin makakuha ng zero hindi na bago 'yon sakin eh. Lalo lang niya lang saking pinamukha na ang bobo bobo ko!

"Okay then, since pinahiram ka niya ng notes niya hahayaan ko siyang mag retake. And I want you also to tutor her. Siya lamang ang bukod tanging sumablay sa expectation ko sa mga estudyante ko... But if her grades she will get to this retake quiz is the same score as yours, she will only get 75 if ever she perfects it and if it's not I will consider it as zero,"

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon