Kwin's P.O.V
Mabilis lumipas ang araw. Halos ganon pa rin. Si nanay, nakaalis na papuntang Taiwan. Si Zant, ayon nanliligaw sakin /namula; kasi naman, ang effort nya. Si kuya Devil /sighs; ayon mas lalo akong nahuhulog sakanya. Alam kong hindi pwede kaya ibinabaling ko ang atensyon ko kay Zant.And I met new friends. Kapatid ng mga kaibigan ni Zant. Si ano nga bang mga name non? Ahmm, ayon! Kapatid ni Raze at Ashwin. They are Caspian and Xyriel. Namiss ko tuloy yung bestfriend ko. Pero sabi nya, uuwi na naman daw sya dito sa Pilipinas.
"Kwin ko, bakit ka tulala? Masyado ka na namang nagagwapuhan sakin no?" Nakangiting tanong ni Zant. Nandito nga pala kami sa cafeteria. Kakain daw. Vacant namin ng 2 hours, kaburo yon.
"Kapal talaga ng muka mo, gago. Sakin nakatingin si Kwin kaya sakin sya nagagwapuhan." Sagot ni Ashwin. Tinaas baba nya pa ang kilay nya habang nakangiting nakatingin sakin.
"Makakapal talaga muka nyong dalawa. Nawalan ng gana si Kwin kasi nakita mga muka nyo. Diba Kwin?" Tanong sakin ni Raze.
Tumawa na lang ako dahil parehong nakabusangot ang muka ni Ashwin at Zant dahil sa sinabi ni Raze.
"Haynako, magsikain na nga kayo. Uy, nasan nga pala mga kapatid nyo?" Sumubo ako ng pagkain at tinignan silang dalawa.
"Ewan don sa dal--"
"Ate Kwiiiiiin!" Matinis na sigaw ng kung saan.
"Fuck! Ang ingay talaga nila -.- " nakapokerface na sabi ni Raze.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Caspian at Xyriel. Napatayo ako at tumakbo papunta sakanila pagkatapos ay niyakap silang dalawa.
"Waaaahhh ateeee! Namiss kita!" -Xyriel
"Ako diiiin!" -Caspian
Minsan naiisip ko, sila talaga yung magkapatid eh. Hahahaha.
"Namiss ko din kayo. Tara, kain tayo." Niyaya ko sila sa pwesto namin at ganto ang muka nung tatlo.
-.- -Zant
>.< -Raze at Ashwin"Oh, ba't ganyan mga muka nyo ha? Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga dyosa?" Tanong ni Caspian sa kanila at naupo sa tabi ng kuya nya. Si Xyriel ay ganon din at inagaw ang pagkain ni Ashwin.
"Ano ba, Xy! Bumili ka nga ng pagkain mo!" Sigaw ni Ashwin.
"Eh bakit ba? Ikaw bumili, ikaw nakaisip eh." At hindi nya na pinansin kuya nya.
"Tsk." Tanging nasabi ni Ashwin.
"Hahahaha, natatawa talaga ako sainyo. Sa susunod, punta tayo samin ha? Sleep over tayo." Sabi ko sakanila na ikinaningning ng mata nung dalawa.
"Talaga, Ate Kwin?/Sigeee!" Sabay na sagot ni Xyriel at Caspian.
"Oo hahaha." Tanging nasagot ko na lang at kumain na.
~
Uwian na at as usual, si kuya Devil ang sumundo sakin. Sinabi ko na kay Zant na hindi nya na ako pwedeng ihatid o sunduin dahil mainit ang dugo sa kanya ng pinsan ko. Pumayag naman sya at naiintindihan nya daw yon."Nandito na tayo, Synae." Simula nung umuwi sya galing bar. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya. He's cold. Ewan ko ba. Parang feeling ko, hindi sya yung kuya Devil ko.
Hindi na lang ako sumagot at bumaba na sa motor nya. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at nagpunta sa kwarto. Nagbihis ako ng damit at lumabas ulit para kumain.
"Synae, may naiwan nga pala ako sa kwarto mo. Kukunin ko lang." Tumango lang ako kaya umalis na sya.
/Sighs; nag iba na sya. Bakit ganon? May mali ba akong nagawa sakanya? Hindi na sya yung kuya Devil ko na sweet. Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
Devil's Baby [R-18] ✔
RomanceDevil's [COMPLETED] "I love you, My Synae. Wala akong pake kahit na wala to sa plano. Mahal kita. I will do everything for you to be mine again." -Devaughn Vileir Monteridge Story start: June 29, 2019 Story end: June 25, 2020 Thanks for the book cov...